Nightwalker Academy XXXIV

2.5K 118 5
                                    

Chapter 34: Ang paglalakbay.

Kakatapos lang ng papupulong namin at nandito ako ngayon sa isang kwarto sa palasyo kasama si Mom at Queen Valiene. Dinala nila ako rito dahil gusto ako kausapin ni Queen Valiene.

"Vin kumusta ang pagsasanay niyo sa mundo ng mga tao?", tanong ni Queen Valiene.

Nakaupo kami ngayon sa sofa na nakaharap sa malaking kama.

"Okay lang naman Queen Valiene, masasabi ko na naging mas malakas kami kompara nung dati.", sagot ko naman.

"Wag mo na akong tawaging Queen Valiene, pwede mo akong tawaging Tita Val.", nakangiting sabi niya.

"Sige po Tita Val.", nakangiti ko ding sabi.

Hindi ko inaansahan na kapatid pala ni Ina ang Queen ng Fiore.

"Tita Val totoo po bang kapatid kayo ni Ina?", tanong ko.

Kanina ko pa yan gusto tanongin, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Paano kung kamag anak ko pala si Luther? Edi hindi kami pwede?

"Sa totoo niyan, hindi ako tunay na kapatid ng iyong Ina. Bale kinupkop ako ng mga magulang namin noong mga 4 na taong gulang pa lang ako. Ang iyong Ina lamang ang nag-iisa anak kaya kinupkop ako ng magulang niya kasi gusto ng iyong Ina na magkaroon ng kapatid."

"Ngunit hindi na nabiyayaan ng isang anak ang mga magulang namin dahil sa matanda na din ito. Lumaki lamang ako sa kalye na palaboy laboy at hindi alam kung sino ang pamilya ko."

"Isang araw nung napadaan ang karwahe ng iyong Ina ay nakita niya akong palakad lakad sa daanan. Sabi ng iyong Ina ay naawa siya sa akin kaya pinahinto niya ang karwahe at bumaba dito. Pinuntahan niya ako at hindi ko alam kung bakit hinila niya ako at pinasakay ng karwahe niya."

Flashback

"Anong pangalan mo?", tanong isang batang sobrang napakaganda.

"V-valiene po.", nauutal na sabi ng isang batang sobrang dungis ng mukha.

"Valiene ilang taon ka na?", tanong naman ulit ng batang babae.

"4 na taong gulang po.", nakayuko na sabi nung batang madungis.

"Saan ang pamilya mo?", tanong ng batang babae.

"Hindi ko po alam. Hindi ko na po matandaan kung saan po sila.", nakayuko pa ring sabi ng batang madungis.

"Gusto mo ba tumira sa bahay namin?", magiliw na sabi ng batang babae.

Napaangat ng tingin ang batang madungis at nakita niya na ngiti sa kanya ang batang babae.

"Talaga po?", maluha luhang sabi ng batang mandungis.

"Oo naman.", masayang sabi ng batang babae.

Nang makarating sila sa palasyo ng batang babae ay namangha ang batang madungis sa laki nito. Nung nakita ng magulang ng batang babae ang batang madungis ay nagtaka ito pero hindi mo makikita sa itsura ng mga ito ang pandidiri.

"Ama, Ina, pwede po ba maging kapatid ko si Valiene?", tanong ng batang babae.

Magkahawak kamay silang dalawa ng batang madungis. Hindi alintana ng batang babae ang dumi sa mga kamay nito.

"Oo naman. Walamh problema sa amin yun.", masayang sabi ng Ina ng batang babae.

Sobrang saya din ng batang babae na naging kapatid niya ang batang madungis. Makalipas ng ilang taon ay lalong naging malapit ang kanilang ugnayan. Yung batang madungis dati ay ngayong Princesa na ng isang kaharian.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon