Kabanata 2: Kambal
Mabilis ang lakad ko papuntang unibersidad, araw araw ko itong nilalakad mga 30 minutes din ang layo galing sa palengke kung saan ako nagtatrabaho. Okay na yun at least tipid sa pamasahe. Ang pasok ko naman sa school ay 3 p.m hanggang 8 p.m night shift ang kinuha ko para umayon ang lahat sa schedule ko. BS in Accountancy ang kinuha kong kurso sa ngayon ay first year at nasa second sem na ako. Alas dos pa lang ay nakarating na ako sa unibersidad, dumiretso ako sa faculty office tinawagan kasi ako ng aming Dean at kailangan niya daw akong makausap.
"Good Afternoon Ma'am" bati ko dito pagkapasok.
"Ms. De Torres, maupo ka. Pinapunta kita dito para sabihin saiyo na isa ka sa Dean's Lister Finalist, at natutuwa ako sa pagigi mong scholar at talaga pinagbubuti mo ang iyong pagaaral. I want you to remind for the next week final exam. I hope you are ready for it Ms. De Torres."
"Thank you Ma'am. Don't worry po pinagbubuti ko po talaga ang pagaaral ko. Ito po ang pangarap ko para po ito sa aking pamilya" maligaya kong sambit dito.
Kahit papaano ay madami pa ding mababait na nakapalibot sa akin, kahit hirap sa buhay ay madami pa ring nagpapalakas ng aking loob. Kinumusta din ng aming Dean ang aking buhay, ganon talaga siya lalo na sa aming mga scholars. Swerte ko pa din talaga sa ngayon lakas ng loob at ibayong pagsisikap pa ang kailangan ko para makamit ko ang tagumpay.
Natapos na ang aming paguusap ay nagpaalam na ako sa aming Dean, nakangiti akong lumabas ng faculty room at tinahak na ang room para sa aking first subject.
Mabilis akong natapos sa quiz namin sa last subject nauna na din akong tumayo, pagkapasa ng aking papel ay lumabas na ako. Bibili pa ako ng ulam ngayon, nakangiti akong tinitingnan ang kaninang nailista ko para sa bibilhin kong pangangailangan namin sa bahay. Kailangan tipirin ko ang perang naisahod ko ngayon.
Pasado 9 p.m na ako nakarating sa aming barangay, pagkababa ko ng jeep ay mabilis kong binitbit ang dalawang supot na dala ko, yong isa ay limang kilong bigas at yong isa naman ay grocery. Nilalakad ko ang iskinita papasok sa amin ng biglang hinarangan ako ni Aling Saling.
"Aba bigtime ka ata ngayon Tisay, ano magbabayad ka ba ng utang niyo?" nakataas ang kilay ni Aling Saling habang kausap ako.
"Aling Saling limang daan po muna, pakibawas po sa utang namin." Sabay lapag ko muna ng dalawang supot na bitbit ko at kuha sa aking wallet at dumukot ng limang daan.
"Naku kulang pa ito! Oh siya sige mabuti at mababawasan naman ang utang niyo. Sabihin mo sa inay mo hindi ko muna siya papautangin ng alak hah, hanggat makapagbayad kayo lahat ng utang niyo." Nakangising turan ni Aling Saling.
"Sige po salamat" yun na lamang ang nasambit ko. At ng akmang bibitbitin ko na ang pinamili ko ay nagulat ako kay Godo na nasa harapan ko na siya at inunahan na ako sa pagbitbit.
"Ako na Tisay tulungan na kita" masayang salita nito at may pagkindat pa.
"Wag na Godo, yong utang ko palang dalawang sardinas babayaran ko na." kusa kong kinukuha ng supot sa kanyang kamay pero iniiwas niya ito at naglakad na. Napailing na lamang ako dito at sumunod na.
"Wag mo ng bayaran yon!" mayabang nitong sagot sa akin.
Hinayaan ko na lamang siya, sabagay masakit na ang aking braso sa bigat non. Nang makarating sa harap ng bahay ay nagulat akong nakaupo ang kambal sa hamba ng pintuan at umiiyak. Mabilis ang takbo nila sa akin ng makita ako.
"Ate gutom na kami, si inay basta na lang umalis iniwan kami!" pagsusumbong sa akin ni Vinnie habang nakayakap sa binti ko.
Naupo ako para magkalevel kami, "oh sige pasok na kayo sa loob para makakain na," yun na lamang ang nasabi ko dito.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mga Kamay
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute copy or publish in...