Kabanata 49

19 0 0
                                    

Kabanata 49: Bakasyon

Nagising ako sa mahigpit na yakap ni Markus sa akin, napamulat ako at napangiti na lamang dahil sa init na hatid nito sa aking balat. Rinig ko rin ang mumunting hilik nito sa aking may likuran. Marahan kong hinaplos ang braso nitong nakapulupot sa aking baywang at mas naramdaman ko pa ang pagsiksik nang katawan nito sa akin. Mapayapang bumalik na lamang ako sa pagkakapikit ng mapagtantong alas singko pa lamang ng umaga. Isang buwan na ang nakakalipas pagkatapos ng trahedya sa aming pamilya. Masasabi kong iyon na ang pinakamahirap na napagdaanan ko ngunit nagpapasalamat ako dahil nakaligtas kami sa kapahamakan.

Masakit pa rin kapag naaalala ko ang mga pangyayare ngunit sa huli ay nagpapasalamat pa din akong ligtas kaming mag-anak. Noong gabing iyon na halos akala ko ay nalalapit na ang pagtatapos ng buhay ko, sinunod ko ang lahat ng gusto ni Tanya para lamang mabuhay ang mag-ama ko. I wrote my last will of testament saying that the three goons are the criminals. Hindi ko alam kung magiging matibay ba itong papeles para kay Tanya basta para sa akin mabuhay lang ang mag-ama ko ay gagawin ko na.

While Tanya dictating me what to write a knock on the door was heard. Tanya angrily left me on the table and headed the door.

"What you want? I said wait for my instructions and right now I want the three of you to stay outside!" sigaw nito habang papalapit sa may pinto.

Kabado na akong napatingin sa mag-ama ko at ng mapansin kung lumabas si Tanya ay mabilis kong dinaluhan si Josh at dinikit ang tainga sa may dibdib nito. Halos makahinga ako ng marinig ko ang pagtibok ng puso nito. Napaluha na akong hinalikan ang pisngi nito at lumapit naman sa gawi ni Markus. Nakahandusay na wala pa din itong malay, iniangat ko ang ulo nito para matingnan ang sugat at kagat labi na akong kumalma dahil maliit lamang ang sugat na natamo nito. Pinakinggan ko din ang puso nito at napaluha na namang muli na makompirmang tumitibok din ito. Napatawag na ako ng mataimtim sa panginoon para gabayan kami sa mga oras na ito.

Malakas na kalabog ng pinto ang nagpagulat na sa akin, halos na istatwa na ako sa aking pwesto at napatingin na lang sa gawi nito. Nanlaki ang mata ko ng makita ang pagpasok ng mga pulis.

"Ma'am okay lang po ba kayo? Men search the area!" salita ng bagong pasok na pulis na lalong nagpabuhay na ng dugo ko. Kita ko ang mabilis na pagresponde ng mga pulis at dinaluhan na ang pwesto ko at ang iba naman ay nagtungo na kay Josh at sa katulong namin.

"Sir iyong anak ko po at si Markus, kailangan pong dalhin po sila sa ospital." Naluluha ko ng salita sa kanila. Halos nagmamakaawang boses na ang pinakawalan ko at ramdam ko ang panginginig ng aking labi. Halos manlambot na din ako ngunit kahit papaano ay nakakaramdam na ako ng pag-asa.

Naging mabilis ang mga pangyayare, halos sabay sabay din ang pagdating ng ambulansiya at buhat buhat na nga si Markus, ang anak kung si Josh at ang katulong namin. Mabilis na akong sumusunod sa kanila at nakita ko naman sa isang kotse kung saan nakasakay na si Tanya at ang tatlong lalaki na pawang naka posas na.

Marahas kong pinapalis ang mga luhang wala pa ding tigil sa pagpatak, patakbo na akong pumasok sa ambulansiya kung saan ang mag-ama ko ay binibigyan na ng first aid. They are checking their pulse now somehow I feel so hopeful and thankful for the fastest action tonight. 

"Baby please breath." Paulit ulit na salita ko sa aking isipan habang kita ko ang paglagay naman ng oxygen sa aking mag-ama.

Sa awa ng Diyos ay naging maayos na ang lagay ng mag-ama ko at ng aming katulong. Base sa findings ng Doctor ay pinainom ng pampatulog ang anak ko at ang katulong habang si Markus naman ay wala pang malay dahil sa natamong hampas nito sa kaniyang ulo. The doctor thoroughly checks Markus head injury and somehow the result is not internal hemorrhage. Doctor Matthew Lozano is checking on my son right now and he also confirmed that my son is out of danger now. He even advice me to take a rest, maybe take some sleep because its already ten in the evening.

Sa Aking Mga KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon