Kabanata 11

49 1 0
                                    

Kabanata 11: Gusto

Tulala pa ako ng makababa sa may kusina, nakailang tawag pa sa akin si Manang Thelma para matulungan siya sa niluluto niyang almusal. Nahihiya akong humingi na lamang ng paumanhin dito. Nang matapos kami ay mabilis na akong pumunta ng silid kainan para maisaayos na ang mga kobyertos.

Alas siete na ng umaga ng bumaba ang mag-asawa, mabilis ko silang pinaghain na, naghanda ng orange juice para kay Madam at kape para kay Mr. Llameda. Bawat umaga ay ganito lagi ang ginagawa ko, taga silbi sa bawat kakailanganin pa nila, nag-aantay at nakatayo sa tabi habang pinapanood silang kumain. Si manang naman ay naiiwan sa kusina para maglinis naman doon ng kaniyang pinaglutuan.

Ngayon hindi ko mawari kung bakit kabado ako habang nagsisilbi, noong nakaraang mga araw naman ay maayos naman ang pakiramdam ko habang ginagawa ko ito. Ngunit ngayon ay balisa talaga ako.

"I thought Markus will join us for breakfast?" salita ni Madam na mas lalong nagpakaba sa akin.

Kagat labi lamang akong naglalagay ng baso sa may mesa, tahimik at maingat na gumagalaw para hindi ko sila maabala sa pagkain nila.

"His in the pool area, maybe he'll join later." Sagot ni Mr. Llameda.

Napalunok na ako. Iyong kaba ko ay hindi ko na mawari, habang nakatayo sa may gilid ay palingon lingon na din ako sa may bukana kung saan pwedeng iluwa si Sir Markus. Pilit na kinakalma ang aking sarili, ayaw kung isipin na kabado ako dahil kay Sir Markus. Honestly I still think how he praises me last time and said that I'm beautiful. Kaya siguro ganoon ang nararamdaman ko, nahihiya ako sa mga ganoong papuri nito. Kung sa probinsiya naman kasi ay hindi ko magawang ihalintulad si Sir Markus, marami namang nagsasabing maganda ako sa kapitbahay namin at mga tambay sa kanto pero iyong katulad ni Sir Markus na mayaman at talagang perpekto ay talagang nakakahiya lang dito.    

Lumapat ang mata ko sa kabuuhan ni Sir Markus, sa biglaang pagpasok nito ay napalunok na ako. Simpleng pambahay lamang ang suot nito, puting sando, kulay abong short at nakaputing tsinelas lamang ito. Nagulat pa ako sa biglang kindat nito at naramdaman ko na naman ang pagtibok ng puso ko. Gusto kung pagsabihan ang sarili na tigilan na ang pagtingin dito, ngunit hindi ko magawa.

"Good morning Mom and Dad." Bati ni Sir Markus at agaran naman ang pagtaas ng ulo ng mag-asawa.

Lumapit ito at humalik sa pisngi ng kaniyang mga magulang. Malalim na paghinga na ang ginawa ko at mabilis ng kumilos para ayusin na ang mesa nito. Naglagay na akong placemat at pinatong na din ang mga kubyertos dito.

"Congrats son for the new project, that's a job well done." Salita ng dad nito at sumimsim na din ng kaniyang kape.

"I told you Honey kaya yan ng anak natin, he can close that deal." Masaya namang saad ni Madam.

Naupo na nga si Sir Markus at nagpatuloy na sila sa pag-uusap. Ni hindi ko masundan kung ano ito pero tungkol sa trabaho ang lahat ng pinag-uusapan nila.

"Orang juice please." Salita ni Markus sa akin.

Mabilis akong tumango dito at kumuha na ng baso para ipagsalinan siya. Kabado pa din ako habang ginagawa ito at hindi malaman kung paano ko pakakalmahin ang sarili. Iniisip ko din na normal lang na kabahan dahil ngayon lang kumain dito si Sir Markus ng umagahan. Kung sanay na ako kila Mr. and Mrs. Llameda ngayon ay naninibago lamang ako.

Nang mailapag ko ang inumin dito at nagpasalamat na ito sa akin. Umatras na ako at bumalik na sa kinatatayuan ko, hindi ko na lamang namalayan ang sarili ko na buong mata ko ay nakatutok na kay Sir Markus. Doon ko din napansin na may beloy pala ito sa kaniyang kanang pisngi, halos nawawala na din ang mga mata pag tumatawa o ngumingiti ito. Nataranta na lamang ako ng biglang tumingin si Sir Markus sa gawi ko, nanlaki ang mata ko sa kahihiyan at mabilis na binaba ang tingin sa aking paanan. Tumambol na naman ang puso ko, sobrang lakas nito na para bang sobrang nataranta ako sa pagkahuli niya ng tingin sa akin.

Sa Aking Mga KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon