Kabanata 10

44 1 0
                                    

Kabanata 10: Maganda

Naging madali ang trabaho ko dito sa pamilya Llameda. Madali ding pakisamahan si Manang Thelma. Magaling itong magturo at mahaba din ang pasensiya pagdating sa akin. Ang pinakagusto ko sa lahat ay ang pagluluto nito, madami siyang alam na putahe at pawang masasarap lahat. Napag-alaman ko din na paborito ni Sir Markus ang lutong bahay ni Manang Thelma.

Ang paglilinis sa bahay nila ay magaang trabaho din naman, mahirap lamang dahil masyadong malaki ang bahay nila ngunit kayang kaya naman. Sinabi din ni Manang Thelma na masyadong organisado si Mrs. Llameda pagdating sa bahay kaya dapat maingat ako sa aking trabaho. 

Dumating ang araw ng pagdating ng mag-asawa, ramdam ko na naman ang kaba ko. Nakatayo sa may harap ng malaking pinto nila katabi ni Manang Thelma at nag-aantay sa pagpasok nila. Nang makita naming tumapat na ang isang kotse ay mabilis kaming lumbas ni Manang Thelma para salubungin na sila. Kita ko ang bodyguard na pinagbuksan na ang pinto ng sasakyan sa likod at dahan dahan naman ang paglabas ng sakay doon. Napalunok na ako habang matamang nagmamasid. Ramdam ko ang pintig ng puso ko habang nakatingin sa bagong labas sa sasakyan.

Malaki ang ngiti nito ng bumaling sa amin, mabilis kaming bumati ni Manang Thelma. Tahimik lamang akong nagmamasid habang nakatingin sa mukha ni Mrs. Llameda. Hindi maikakailang maganda at maayos itong manamit, halos namangha ako ng sobra ng masilayan na ito. Sa pagkakaalam ko sengkwenta anyos na ito ngunit sa ayos nito ngayon ay hindi ko na mahuhulaan pa ang edad nito. May makinis na balat at napaka sopistikadang tayo ngayon sa harap namin.

"Thelma is this Virginia?" tanong nito sa tapat namin.

"Yes Madam, welcome back po." Salita ni Manang Thelma sabay tingin sa akin at senyas na kailangan kong magpakilala dito.

"Good morning Madam. Yes po, Virigina De Torres po ang buong pangalan ko." Bati ko naman sabay pakilala na dito habang sobrang kabado pa din.

Kita ko ang ngiting balik nito sa akin at kahit papaano ay nabawasan na ang kaba ko. Kahit ang ngiti nito ay alam kung pinag-aaralan na ako ng mata nito. 

"Honey our son is on his way."

Napatingin naman ako sa bagong nagsalita, rinig ko din ang pagbati ni Manang Thelma at tinawag itong Sir. Napalunok na akong muli marahil dito nagmana si Sir Markus, sila ang magkamuka at ang kayumangging kulay ay nakuha niya din dito. Si Madam ay maputi at kita mo din ang pamumula ng balat nito ngunit ang maga mata nito ay doon ko maihahalintulad naman kay Sir Markus.

"Okay Hon. Thelma tell Markus to meet us in the Library and please prepare our coffee." Mabilis na salita ni Madam at nagpatianod na nga si Manang Thelma sa utos nito.

Nang susunod na ako kay Manang Thelma ay nagulat na lamang ako dahil sa pagtawag ni Madam sa akin. Tumango si Manang Thelma sa akin na ipanapahiwatig nitong sumunod na ako kay Madam. Tango lang din ang naisagot ko kay Manang at hinarap ng muli ang mag-asawa. Iyong kaba ko ay bumalik na naman ngunit sinisigurado ko sa aking sarili na hindi ako papalpak sa ngayon. Kailangang ipakita ko sa kanila na maayos akong magtatrabaho sa kanila.

"Hija ilang taon ka na?" tanong nito habang masusi akong tinitingnan. Iyong ngiti ay naglaho pawang mga mata na nito ang nagungusap habang tinitingnan ako.

Napalunok na ako, hindi maipagkakaila ang matang tumitingin sa akin ngayon ay kaparehong kapareho ni Sir Markus. Madiin at may masusing tingin mula ulo hanggang paa ko. Habang ang asawa naman nito ay nakabaling sa kanilang driver at mukhang may inuutos pa. Nagpasalamat na lamang ako at walang naging problema sa uniporme ko, kasya ito sa akin kaya wala ng iniayos pa dito.

"Hon you go ahead firts. I'll just answer this call." Salita ni Mr. Llameda sabay baling kay Madam, kita ko din ang pag-angat ng cellphone nito sabay pakita sa asawa na may malakas na ring tone.

Sa Aking Mga KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon