Kabanata 15

30 1 0
                                    

Kabanata 15: Motibo

Abala ako sa pag-aayos sa aking sarili, suot ang itim na bestida at halos malaki ang naging ngiti ko sa nakikita sa aking salamin. Hindi ko alam kung bakit mas nagagalak ako sa linggong ito. Ayaw ko mang aminin pero sa totoo lang ay ang pinakadahilan ay kasama namin si Sir Markus. Gusto kong magmukhang maganda dito at alam kung itong suot ko ngayon ay lalo lamang nagpatingkad sa akin. Ipinusod ko ang aking buhok at mas lalo lamang humantad ang ang aking balikat at likod. Black off shoulder dress ang suot ko at hapit din ito sa katawan. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng aking puso ngayon. 

Kita ko ang masusing tingin sa akin ni Manang Thelma, nginitian ko lamang ito. Si Sir Markus ang nagdrive ngayon at wala din itong kasamang driver. Naupo ako sa unahan katabi si Sir Markus, nginitian naman ako nito. Nasa likuran naman namin si Manang Thelma, tahimik ito at alam kung nagmamasid lamang sa amin.

"After the mass Manang saan kayo madalas pumunta ni Virginia?" panimulang tanong ni Sir Markus habang sa daan ang tingin nito at nagmamaneho.

"Kumakain lang kami." Tipid na sagot ni Manang.

"Then lunch din tayo after. Libre ko kayo." Masayang salita naman ni Sir Markus at napatingin na ako sa gawi nito.

"Sir nakakahiya naman po, baka may sarili po kayong lakad." salita ko na.

"Oo nga Sir at tsaka hindi po kayo obligadong ihatid sundo kami, baka masanay kami niyan." Dagdag pa ni Manang at napatawa na si Sir Markus dahil doon.

Hanggang sa huli ay napagpasyahan na nga na kakain kami pagkatapos ng simba namin. Wala na din kaming nagawa ni Manang sa gustong mangyari ni Sir Markus. Ngayong nagsisimula na ang misa ay nakaupo ako sa gitna nila Manang si Sir Markus. Pansin ko kung gaano kadami ang lumilingon sa banda namin. Mga kababaihan pa ang sobrang napapatingin sa gawi namin at alam kung dahil kay Sir Markus ito. Puting polo na nakatack-in sa kulay itim na pantalon ang suot nito at makisig na makisig itong tingnan. Kahit anong isuot nito ay nababagay talaga dito. Naisip ko din na sa edad ni Sir Markus malamang may girlfriend na ito, napapikit ako ng mariin at iniaalis sa aking utak ang kanina lamang na sinabi. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at nagpokus na lamang sa misa.

Nang tumayo na kami at aawitin na ang Ama Namin, ay nagulat ako ng hawakan ni Sir Markus ang aking kamay. Sabagay normal naman iyon diba kami nga ni Manang ay magkahawak din ng kamay, ngunit hindi ko lang talaga maisip na si Sir Markus ay gagawin iyon sa akin. Pakiramdam ko ay natahimik na ako at hindi na nakaawit pa, lalo na ng maramdaman kung pinisil nito ang kamay ko. Napalunok na lamang ako ng maramdaman iyon.

Normal pa ba ang puso ko ngayon? Kasi ramdam ko na ang sobrang bilis ng tibok nito. Tanong ko na sa aking isipan pagkatapos ng kantang Ama Namin. Napahawak ako sa aking dibdib, na para bang kakalma ito.

"Are you alright?" mahinang bulong ni Sir Markus sa akin. Mabilis akong napatingin dito at tumango na lamang.

Pakiramdam ko ay hindi na ulit naging normal ang pagkilos ko. Hanggang sa matapos ang misa at dalhin na nga kami ni Sir Markus sa isang restaurant. Kita kong malaki na ang ngiti ni Manang habang ako naman ay sobra ng naguguluhan. Napansin ko din ang kakaibang tingin sa akin ni Sir Markus na para bang gusto niyang magtanong pero hindi niya naman magawa.

Nang makapag-order ay nakayuko na lamang ako sa aking kinauupuan, hindi makatingin ng diretso sa aking kaharap. Pasalamat na lamang ako at makuwento din ngayon si Manang, na halos si Sir Markus ang nagiging kausapa na nito.

"Manang I notice walang cellphone si Virginia?" tanong ni Sir Markus na nagpa-angat ng tingin ko dito.

Dahil sa tanong ni Sir Markus ay sa akin naman napunta ang usapan. Masaya naman si Manang habang kinukausap na ako. Nahihiya man sinabi ko na lamang na wala pa akong pambili ng aking cellphone.

Sa Aking Mga KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon