Kabanata 27: Pagkupkop
Inabot ako ng isang linggo dito sa ospital, sa unang araw ng aking pag-gising ay halos mabaliw ako sa sinabi sa akin ng nurse. Patay ang anak ko ng aking isiniling, dahil sa nangyare sa akin ay napaaga at napilitin silang ilabas ang bata kahit wala pa ito sa hustong buwan. Hindi ko maintindihan kung ano ang rason sa biglaang pagkakasakit ng aking tiyan at humantong sa ganito. Sa pagkakaalam ko ay malakas ang pangangatawan ko at hindi ko mawari kung nagpabaya ba ako noong araw na iyon. Isang araw akong walang malay at pagkagising ay ganitong balita ang aking haharapin.
Nagsisigaw ako ng malaman iyon, halos magwala din ako dahil hindi ko talaga matanggap ang nangyare. Para mapigilan ako ay hawak akong ng nurse at tinurukan na lamang ako ng pampatulog para kumalma hanggang sa manahimik na muna. Nagising ako ulit na may tali na ang aking kamay at paa, naluha ako sa aking kalagayan at mas lalo akong nagdalamhati ng maalala ang sinapit ng aking anak. Nandito ngayon si Manang Thelma sa tabi ko, inaalo ako habang umiiyak pa din. Tulala habang nakahiga at hindi pa din makapaniwala sa mga nangyayare. Sa tingin ko ay nakatulog akong muli dahil sa kakaiyak ko.
Kinaumagahan sa aking paggising, nakita ko si Mama nakaupo sa may silya sa may paanan ng aking kama. Nakaupo ito at kita mo ang pag-aalala dito, napadako ang aking paningin sa bagong dating. Bumukas ang pinto at iniluwa ito, nakadamit pang-opisina at mukhang papasok pa ito ngunit dumaan muna dito sa akin.
"Hija, thank you for coming. Hindi ka na dapat pang nag-abala, Virginia is awake now but she is not emotionally stable. Markus can't come home yet, sorry for dragging you into our familys affair. Thank you for taking care of our company while we are busy fixing our compay internal problem. " Rinig kung sambit ni Mama dito ng salubungin si Tanya at nakipagbeso na din.
"It's okay Tita, I understand how you needed or help. My family are happy to give a hand."
"Mama." Garalgal na tawag ko, hindi ko na napigilan ang aking sarili. Nang marinig na pinag-uusapan nila si Markus ay gusto ko na lamang magtanong kung bakit hindi ito pwedeng umuwi ngayon.
Mabilis na lumapit ang dalawa sa akin at kita ko ngayon ang malungkot na tingin nila. Napaluha na akong tuluyan na para bang sa tingin palang nila ay nakakalungkot na at nakakaawa ako ng sobra. Sobrang nakakawasak ng puso ang kalagayan ko ngayon at hindi ko makayanang manatiling malakas dito sa aking pagkakahiga.
"Mama I'm sorry po, pero pakilinaw po ang lahat. Iyong anak ko po, gusto ko siyang makita. Si Markus po kailangan ko po siya." Naiiyak kong sambit, halos utal utal pa ako sa aking pananalita. Nagmamakaawa na akong tuluyan, pakiramdam ko onting onti na lang ay mawawalan na ako ng bait dito.
"I'm so sorry for your lose and Markus can't come home yet." Hikbing sagot ni Mama sa akin marahang hinawakan nito ang aking kamay. Nagtagal kami sa ganitong pwesto habang tahimik na lumuluha. Ang hirap lang intindihin ang lahat ngunit wala na akong magawa, iyak na lamang ang naging sagot ko sa aking sarili.
Nang mahimasmasan ay tahimik akong nakatingin sa kawalan, hindi pa din makapaniwala sa pagkawala ng aking anak. Narinig ko ang biglaang pagtunog ng cellphone ni Mama at nagpaalam ito para sagutin. Lumabas ito at ngayon ay naiwan kaming dalawa ni Ms. Tanya sa aking silid.
"I'm so sorry, condolence Virginia. I'll be honest to you, hindi pa nila nasasabi kay Markus ang totoong nangyari sa anak niyo." Mahinang salita ni Tanya sa akin, naagaw ang atensiyon ko sa sinabi nito.
Masusi ko siyang tiningnan, mabilis kong pinunasan ang basang pisngi at pilit na kinakalma ang sarili para mas maintindihan ko ito sa kaniyang gustong sabihin.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa gumagaralgal pa ding tono. Pakiramdam ko ay sumikip na ang aking dibdib, sobrang bigat lang nito at nagpanting na din ang aking tainga sa nalamang inilihim nila ang nangyare sa akin at sa anak ko kay Markus.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mga Kamay
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute copy or publish in...