Kabanata 9: Hulog
"Sir I'm sorry po ulit." Salita ko sa nangangatog na boses.
"Just call me Markus." Seryosong salita nito sa akin at ramdam ko ang masusing tingin nito sa akin.
Hiyang hiya ako sa nangyare, ni hindi ako makatingin ng diretso kay Sir Markus kahit alam ko na sa akin ang buong atensiyon niya.
"Naku Sir Markus nandito na po pala kayo." malakas na salita ni Manang Thelma.
Umangat ang tingin ko dahil sa boses ni Manang Thelma, halos nakahinga na din ako ng maluwag dahil sa presensiya nito ngayon. Kita ko ang mabilis na hakbang nito papalapit sa amin.
"Sir eto nga pala si Virginia De Torres ang bagong katulong." Natigilan si Manang sabay nanlaki ang mata sa akin. "Virginia bakit basang basa ka? Naku Sir anong nangyare, bakit basa din kayo?" baling na nito sa aming dalawa na takang taka sa hitsurang nakikita niya. Gulat ito na halos kita ko ang paglaki ng mata nito habang pabaling baling ang tingin sa amin.
"Manang Thelma kasalanan ko po, sorry po talaga Sir. Hindi ko po sinasadya." Ngayon naman ay biglang nataranta na ako, kita ko ang pagkalito ni Manang Thelma habang nakatingin kay Sir Markus.
"It's okay, no worries. Manang Thelma pakitapos nalang ng ginagawa niya, let her change also."
Saka ko lamang napproseso ang sinabi ni Manang Thelma, napalunok na ako sa tinuran nito. Dumako ang tingin ko sa aking sarili, doon ko napagtantong basang basa nga din ako. Mabilis kong iniharang ang dalawang kamay at napatakip na ako sa aking dibdib, dahil aninag ang pangloob ko dito. Kulay puting t-shirt at maong na short lamang ang suot ko kanina. Hindi ko na namalayan ang aking sarili dahil halos ang buong pag-aalala ko na ay na kay Sir Markus. Nakakahiya!
Mabilis namang tumango si Manang Thelma at hinayaan na nga kaming lumakad. Ang lakas pa din ng kabog ng puso ko at ngayon ko lang naramdaman ang lamig. Kagat labi pa akong napapaisip dahil sa nangyare. Alam kung malaking kahihiyan iyon at isa pa iyong hitsura ko kanina ay nakakapanlumo lamang. Napabuntong hininga ako ng makapasok na sa aking kwarto. Nakatayo sa tapat ng aking salamin ay kita ko ang pagpula ng aking pisngi. Halos kita ang panloob ko ng inialis ko ang aking kamay na nakaharang sa aking dibdib. Kulay itim na bra na talaga namang maaninaw mo sa puting basang damit ko. Napangiwi na lamang ako sa harap ng salamin habang kita ang kabuuhan ko. Napapailing sa maaring kahihinatnan ko, kung ano na lamang ang iisipin ni Manang Thelma sa akin, at kahit okay lang kay Sir Markus alam kong napapailing din siya sa kapalpakan ko. Kung pwede lamang kainin na ako ng inaapakan ko ngayon para mawala na ako. Napatakip pa ako sa aking mukha dahil sa sobrang kahihiyan talaga.
Nang mahimasmasan ay mabilis akong kumuha ng damit at nagbihis na sa banyo, kulang nalang na ipikit ko ng maigi ang aking mga mata para kahit papaano ay mawaglit kanina ang eksena sa utak ko. Lalo lamang akong kinabahan ng marinig ang katok sa aking pinto, nanlaki na ata ang aking mga mata at napahinto na sa paglakad habang papalabas sa aking banyo.
"Virginia dumiretso ka nalang sa kusina pag tapos ka na diyan."
Napahawak pa ako sa aking dibdib at napasigaw ng opo bilang sagot kay Manang Thelma. Kagat labing naglalakad na ako patungong kusina habang pilit na kinakalma ang aking sarili. Ramdam ko din ang pangangatog ng aking tuhod at pamamawis ng aking palad.
"Okay ka na ba?" tanong sa akin ni Manang Thelma ng makalapit na ako dito.
"Opo Manang Thelma. Pasensiya po talaga sa nangyare hindi ko po iyon sinasadya. Sana po huwag naman po akong tanggalin sa trabaho dahil po doon." kabado kung sambit na dito.
Kita ko ang pagngiti ni Manang Thelma sa akin, hinawakan nito ang kamay ko at iginiya na sa malaking kusina.
"Huwag ka ng mag-alala diyan, wala iyon kay Sir Markus. Ngayon tuturuan kita kung paano gumawa ng kape ni Sir, pagkatapos dalhin mo sa may library. Kakausapin ka din ni Sir Markus doon." Turan nito ngunit sa mas magaang boses na.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mga Kamay
Roman d'amourThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute copy or publish in...