Kabanata 12: Halik
Dumating ang sabado hinabilin ni Manang Thelma sa akin na may bisita daw si Sir Markus at dito daw sila manananghalian. Umaga pa lamang ay nilinis ko na ang pool area, naglagay ng malalaking tuwalya sa bawat lounger dito. Limang katao daw ang padating na kaibigan nito. Habang nag-aayos at naglilinis ng pool area ay nakakaramdam ako ng pagkataranta, ito ang magiging unang trabaho ko dito sa mansiyon na may mga bisita. Sana ay huwag akong pumalpak sa araw na ito bulong ko sa aking sarili.
Maya maya ay pumanhik na din si Manang Thelma dala ang mga kakailanganin sa paghahanda ng tanghalian nila. Barbeque ang pinahanda sa akin ni Manang kaya ng matapos sa aking ginagawa ay sa pagluluto naman ang atensiyon ko ngayon. Alas diyes na ng magsimula akong mag-ihaw. Chicken and pork barbeque are the menu and vegetable salad. Si Manang na naghanda nito lahat, ako na lamang ang nakatoka para sa pag-iihaw. Putting all the cooked barbeque in a serving plate, I feel exhausted and sweaty. Kagat labing nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong malapit na akong matapos.
Habang nag-aantay sa huling iniihaw nakita ko ang papalapit na si Sir Markus. Nakatingin ito ng seryoso sa akin kaya nginitian ko na lamang pabalik. Nakasuot ito ng puting t-shirt at itim na short habang nakasumbrero din. Gwapo pa din talaga si Sir kahit nakapambahay lamang, salita ng aking isip.
"Good morning Sir." bati ko dito.
Kita ko ang pagtango nito sa akin at mabilis ko ng inilipat ang mata ko sa aking ginagawa. Mabilis na lamang akong napatingin sa gawi nito dahil nasa likuran ko na ito agad, masusing tumitingin sa pagkaing nakahanda na.
"Hmm looks good. Thank you Virginia." Nakangisi nitong salita sa akin.
"Sir may kakailanganin pa po ba kayo?" tanong kong nahihiya. Halos gusto kung lumayo sa pwesto niya dahil alam kung amoy usok at pawis na ako. Basta hindi lang ako komportable.
"Some drinks, but no woriies nasabi ko na din iyon kay manang." Sagot nito at halos magulat ako ng hinawakan nito ang aking balikat.
Tiningnan ko ito sa gulat pakiramdam ko pati ang aking mga mata ay namilog na. Napalunok na lamang ako sa aking sarili, hindi sigurado kung ano ang aking sasabihin dahil naramdaman ko na lamang ang pagtibok ng aking puso.
"Once you're finished you can leave and you can take a rest." Napatango na lamang ako sa sinabi nito.
Halos isang oras din pala ako sa pag-iihaw ng maihanda ko na ang lahat ay mabilis na akong nagpaalam. Kita ko ang pagtango ni Sir Markus sa akin, nakaupo na ito sa sun lounger habang nakatingin sa hawak nitong cellphone. Pakiramdam ko ay parating na ang mga kaibigan nito. Lumakad na ako patalikod dito dahil wala na din naman itong sinabi sa akin at ang atensiyon niya ay sa hawak na nitong cellphone.
Habang naglalakad ay natigilan ako sa mga boses na narinig, maingay at nagtatawanan ito. Malapit na din sila sa may bukana ng pinto kaya't mas minabuti kung tumabi na din muna. Pauunahin ko na muna sila bago ako bumaba para hindi kami magkasalubong sa may hagdanan.
Isa isang nakita ko ang mga kaibigan ni Sir Markus, halos natigilan din sila ng bigla nila akong nakita. Iyong maingay at halos tawanan nila ay nawala na, pawang masusing mga mata ang pumukol sa akin ngayon. Napalunok na ako at nakaramdam na ng hiya.
"Magandang araw po." Bati ko na lamang, ayaw ko namang maging bastos sa kanila kahit hindi ko sila kilala dahil bilang katulong ng mansiyong ito ay kailangan kung bumati sa kaibigan ng may-ari dito.
"Wow!" salita ng naunang nakalapit sa akin. Halos dalawang beses pang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. Nakaramdam naman ako ng pagkaasiwa pero mas minabuti ko na lamang na ipagwalang bahala ito.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mga Kamay
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute copy or publish in...