Kabanata 3

32 1 1
                                    


Kabanata 3: Kapalit

"Inay naayos ko na po ang gamit ng kambal" bitbit ko ang isang maleta pagkalabas ng kwarto. Sa nakalipas na isang buwan naipaliwanag naman naming mabuti sa kambal ang nagyari at ngayon nga araw ng sabado ay kukunin na sila ni Mayor Fuentes. Maingat na sinusuklayan ni inay ang buhok ni Vennie habang nakatingin lamang si Vanjo dito.

"Isang oras nalang papunta na sila dito, sa ngayon tatawagin niyo na silang Daddy at Mommy niyo, ayokong maging matigas ang ulo niyo doon hah." Pagpapaalala ni inay sa dalawa.

Tumatango ang dalawa habang ibinaba ko ang maleta lumapit na din ako, naupo ako sa tabi nila ngayon pa lang ay nangingilid na ang aking luha. Ang hirap pala ng ganito yung magpapaalam ka sa taong sobra mong minahal at inalagaan simula pa man noon at ang masakit pa nito ngayon mo nalang sila makikita.

Mabilis na yumakap sa akin si Vanjo, maya maya ay narinig na naming ang busina ng kotse sa labas. Tumayo si inay kaya si Vennie ay lumapit naman sa akin, mabilis ko din itong niyakap yung kanina ko pang pinipigil na pag iyak ay hindi ko na napigilan. Napaluha na ako ng tuluyan.

"Ate bakit ka umiiyak?" tanong ni Vennie na naguguluhan.

"May masakit ba sa'yo ate?" takang tanong din ni Vanjo sa akin.

Mabilis kong pinalis ang luhang pumatak at ngumiti na lamang sa kambal.

"Mga bata tayo na diyan" utos ni Inay. Tiningnan ko si Mayor kasama nito ang asawa niya nakahalukipkip ang babae at pinagmamasdan kami habang nakatayo na sila sa bukana ng aming pintuan. Bakas sa mukha ni Mayor ang saya pero mas lalo akong nagulat ng yakapin ako ng dalawang bata ng napaka higpit.

"Ate sumama nalang kayo ni inay sa amin", salita ni Vanjo at lalong sumakit ang puso ko sa narinig. Humahagulhol na silang dalawa habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

"Alejandro bilisan na natin! Mahuli pa tayo sa flight natin" salita ng asawa ni Mayor na mukhang naiirita sa nakikitang eksena sa amin.

"Wag na kayong umiyak, magpakabait kayo doon hah. Dito lang naman si ate at si inay kami muna ang magbabantay sa bahay. Magaaral pa kayo kaya dapat lumaki kayong matatag at matalino kagaya ni ate hah", salita ko habang umiiyak na ulit at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

Napakagat nalang ako sa aking labi ng kunin na ni inay ang dalawang bata, lalong lumakas ang iyak ng dalawa at paulit ulit nilang sinasabing sumama nalang kami.

"Ate inay dadalawin niyo kami diba?" tanong ni Vennie habang umiiyak. Tumango ako sa kanila at nagbakasakaling tumahan na sila at sumama na lamang sa kanilang ama.

Mabilis ang naging kilos ni Mayor at yinakap ang dalawang bata, napangiti na lamang ako dito. Sigurado akong mamahalin niya ang kambal dahil kita ko ang pangungulila sa mga mata nito. Tinawag ng asawa ni Mayor ang dalawang katulong na pawang nakauniporme at inutusan ito para buhatin ang dalawang bata. Nagpasalamat na lamang ako at sumangayon nalang ang kambal pero hindi pa din matigil sa pag iyak, sa tantiya ko yung dalawa ang magiging bantay sa kambal. Mayamaya ay ipinasok na ang kambal sa sasakyan, lumapit ako kay inay at hinagod ang kaniyang likod. Kita ko ang lungkot sa mga mata nito, lumapit si Mayor sa amin at nagpasalamat. Isang tango lamang ang ginawa ni inay at narinig ko na lamang na tinawag na ito ng asawa niyang nakasakay na din sa sasakyan. Tumalikod na si Mayor sa amin at isang bodyguard ay nakaalalay lang hanggang makapasok siya sa sasakyan. Pinagsarahan na ito at pumasok na dina sa front seat. Sa tingin ko hindi nga naging mali ang desisyon ni inay magiging mas maganda ang buhay ng dalawa sa pagkukupkop ng tunay nilang ama.

Masakit isiping wala na ang kambal sa amin, tahimik kami ni inay habang lumuluha, kita pa din namin ang sasakyan. Madami din ang nasa labas at nakikiusyuso din sa nangyayari. Nang makalayo na sila ay mabilis na isinara ni Inay ang pintuan namin at dumiretso sa kaniyang kwarto. Napaupo naman ako sa may sala namin at pinupunasan na din ang aking mga luha. Isang buntong hininga ang inilabas ko, kailangan na naming tanggapin ang nangyari at kailangan naming maging masaya sa kambal.

Sa Aking Mga KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon