Kabanata 16

31 1 0
                                    

Kabanata 16: Selos

Mabuti na lamang at napigilan ko pa ang aking sarili na huwag sumagot dito. Tiningnan ko na lamang siya mula ulo hanggang paa at sinabi na lamang sa aking utak na hindi magandang makipag-usap sa katulad nito. Pinagtaasan ako nito ng kaniyang kilay at ngumisi pa na para bang nagwagi ito sa pagpapahiya sa akin.

Dumating na si Sir Markus at may dala nga itong calling card niya, pagkapasok nito ay nag-paalam na ako agad. Hindi ko na sila nilingon pa, basta sobrang bigat lang ng pakiramdam ko. Inaamin kung nasaktan ako doon pero mas naramdaman ko ang panghihina na alam ko sa aking sarili na wala nga akong laban sa isang katulda nito. Iyong mayaman at mas babagay sa estado ng buhay nila Sir Markus dahil ako ay isang hamak na katulong lamang.

Tahimik ako buong maghapon, kahit si Manang ay tinatanong kung maayos lang ba ang pakiramdam ko. Ngiti at tango lamang ang sagot ko dito. Dito din naghapunan ang bisita ni Madam. Kita ko ang masusing tingin nito sa akin habang nagsisilbi ako ng pagkain nila. Nangingiti pa ito habang nagsasalin ako ng maiinum sa kaniyang baso.

Kinalma ko ng husto ang aking sarili, hindi ko kailangang magpadalus-dalos sa aking nararamdaman. Kailangang pagbutihin ko ang trabaho dito, hindi dapat ako nagdadamdam ng ganito dahil totoo namang katulong lamang ako. Hindi dapat ako nagpapaapekto sa tinging mapang-uyam nito.

Kita ko ang paghatid ni Sir Markus sa labasan kay Ms. Tanya. Parang maluluha ako na hindi ko mawari kong bakit. Nandito ako ngayon sa kusina naglilinis at sobrang bigat lang ng aking nararamdaman.

"Hi!" bati ni Sir Markus sa akin.

Nagulat na lang ako sa biglang pagsulpot nito, mabilis na paglingon ang ginawa ko dito. Nagtataka kung bakit nandito ito ngayon. Sa pagkakaalam ko ay inihatid nito hanggang labasan iyong babae nakakapagtaka na hindi man lang ito nagtagal doon.

"Ahm, nakauwi na po ba si Ms. Tanya.?" Tanong ko na halos maramdaman ang pait sa aking boses.

"Hmm, yes." sagot nito sa nag-aalinlangang tono.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at itinuloy na lamang ang ginagawa. Pero ramdam ko ang paglakad nito malapit sa akin.

"Are you mad? Kanina ka pa tahimik. Something's bothering you?" tanong nitong muli.

Napapikit ako ng mariin at pagkamulat ay nakangiting hinarap ito, "Bagay po kayo ni Ms. Tanya, maganda din siya." saad ko habang tumatango pa dahil sa aking sinabi na para bang kinukumbinsi ang aking sarili na tama ang aking sinasabi.

Kumunot ang noo nito at kita ko ang pagngisi nito ng bahagya habang kagat ang pang-ibabang labi. Tinalikuran ko ito ulit at iyong puso ko ay naghuramentado na naman.

"Oh, you think so? Well maganda siya and cute though." salitang muli nito na nagpalaglag ng aking puso.

Nagtagis ang aking bagang at hindi na siya muling sinagot pa o tiningnan man lang. Hanggang sa marinig ko na ang pagtawa nito. Kunot noon aking napapaisip kong anong nakakatawa dito.

Natapos ang aking ginagawa at mabilis na akong nagpaalam dito. Kita ko na nakaupo na ito sa may high chair malapit sa may bar counter.

"Excuse me Sir, tapos na po ako sa trabaho. Kung wala na po kayong kailangan papanhik na po ako sa kwarto ko." malamig kong salita dito at hindi na makatingin ng maayos sa kaniyang mga mata.

"Not so fast baby, let's go to the library. We have an hour for your review." Saad nito sa seryosong tono.

Napalunok na lamang ako sa sinabi nito. Lalo na sa salitang ginamit nito sa pagtawag sa akin. Wala na nga akong nagawa, sumunod na lamang ako dito ng tahimik. Isang oras nga kaming nagtagal sa library at pakiramdam ko ay nahihirapan ako sa konsentrasyon ko sa inaaral ngayon.

Sa Aking Mga KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon