Kabanata 24: Buntis
Nagising ako sa sobrang sakit ng aking ulo, sinikap kong bumangon pero mas lalo atang sumakit ito at ramdam ko ang bigat ng aking ulo at hindi ko pa magawang ibangon ang aking sarili dahil sa isang brasong nakayakap sa aking baywang. Nagmulat ako habang sapo ang ulo at pilit na inaalala ang nangyari.
Noong isang araw bago ang aking kaarawan ay bumaye kami ni Sir Markus patungo sa isang resort, sinabi nito na private resort niya ito at gusto niyang magbakasyon kami dito kasabay na din ng selebrasyon ng kaarawan ko.
Hindi ko akalaing sobra niyang pinaghandaan ang araw na iyon at bilang pasasalamat sa lahat ng kabutihan nito ay pinagbigyan ko siya sa kaniyang gusto. Araw ng aking kaarawan ay talagang pinagplanuhan niya din ito ng mabuti, kahit kaming dalawa lamang ay ramdam ko ang saya nito at hindi ko ipagkakailang lubos din ang sayang naramdaman ko noon.
Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong karangyang kaarawaan sa tanan ng aking buhay. Madaming pagkaing nakahain, nandito din sa isang resort kung saan ukopado lang namin ang buong isla.
Kinagabihan ay napagpasyahan niya ding uminom kami para sa natatapos na hudyat ng aking pamamaalam sa aking edad na labing pitong taong gulang at sa bagong hakbang patungo sa ikalabing-walong taong gulang ko naman.
Napapikit ako ng husto at kagat labi habang unti-unting bumabalik sa aking ala-ala kung ano ang nangyari kagabi. Me and Sir Markus kissed last night. Natumba ako dahil sa pagkahilo at maagap niya akong nasalo, bumagsak ako sa kaniyang dibdib at bago pa ako makabangon ay naramdaman ko na lamang ang sari saring emosyon ng maglapat na ang aming mga labi. Nanlaki ang aking mata ng mawari kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan naming dalawa.
Mabilis akong napabangon at halos maramdaman ko ang sakit at hapdi ng pang-ibabang parte ng aking katawan. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso, napalingon na ako kay Sir Markus na mahimbing pa din ang tulog habang nakapatong pa din ang kamay nito sa aking baywang. Dahan dahan kong inialis ang kamay nito at nanghihinang bumaba ako ng kama. Sinikap kung maglakad kahit nahihirapan, dumiretso ako sa may pintuan ng mapagtantong hindi ito ang aking kwarto. Nang muli ko itong binalingan kita ko na mahimbing pa din ang tulog ni Sir Markus at napakunot noo na ako dahil sa dugong nakita ko sa kamang nahigaan ko kanina.
Napapailing ako sa aking sarili ngayon, kahapon kami dito dumating sa resort na pagmamay-ari ni Sir Markus. May malaking bahay din ito at dito na nga kami namalagi, madaming kwarto dito sa itaas at may malaking sala at kusina naman sa baba. Magkatabi lamang ang aming kwarto na inukopahan, habang nag-aayos ng aking mga gamit kahapon ay katok ni Sir Markus ang nagpabaling sa akin sa may pintuan. Nang mapagbuksan ay may ibinigay itong paper bag, sabi pa nito na suotin ko daw ito bukas.
Napag-alaman ko din ang naging plano nito kinabukasan, kung saan ay araw din ng aking kaarawan ay mamamalagi kami sa karagatan. Halos hindi ako makatulog noong gabing iyon dahil iniisip ko pa din ang gagawin namin bukas. Nang makita ko ang regalong damit nito ay halos hindi ko malaman kung paano ko ito ipapaliwanag na hindi ako sanay sa ganoong kasuotan. Two piece bathing suit iyon at hindi ko mawari na kaya kung magsuot noon lalo na sa harap nito.
Kinaumagahan ay isunot ko pa din ang regalo nito ngunit nagsuot naman ako ng shorts at t-shirt, tinanguan naman ako nito na para bang pasado na din ang aking suot sa mata nito. Kami ang naghanda lahat ng aming kakailanganin, mga pagkain at iba pa, hanggang sa pagluto ay pawang kami din ang nagsagawa.
Umaga palang habang nasa dalampasigan ay kita ko kung gaano naging okupado si Sir Markus sa pagluluto, siya lahat ang nag-iihaw habang ako ay pinag-antay niya lamang sa may kubo. Nang magtanghalian at nakakain na kami ay tumungo kami sa gitna ng dagat sakay ng kaniyang yate.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mga Kamay
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute copy or publish in...