Kabanata 39

14 0 0
                                    

Kabanata 39: I missed you

"Markus please let me bring my son to my hometown." We are in his room now, he went home late and I can still say that he looks so troubled right now.

Ayaw ko mang makadagdag pa ng alalahanin nito ngunit hindi ko kakayaning magtagal pa sa poder nito. Seeing him being busy because of Tanya and their unborn child really get's me on my nerves. I know the baby should not be blame on this but I'm hurting too. I'm blaming Markus for this and I thought finally our family will be complete but eventually this whole new situation is really now a mess.

Ayaw ko din namang mamili sa amin si Markus, iyong nagawa nila ni Tanya ay wala akong karapatang magalit doon dahil nasa relasiyon sila ng panahon na iyon. Ang gusto ko lang naman ay bigyan ng pagkakataon si Markus para mas maintindihan niya ang sitwasyon niya ngayon. Hindi ko din siya mamadaliin at nasa kaniya pa din ang desisyon at para sa akin ay kailangan ko ding intindihan ang kalagayan niya ngayon.

"I want you to know that that you are the woman I love, the woman that I want to marry. I'm just so sorry and it's my fault why everything now is in chaos. Gusto kong maintindihan mo na sobra akong nahihirapan sa ngayon, hindi ko magawang balewalain ang kalagayan ngayon ni Tanya. Sariling anak ko din ang dinadala nito at ayaw kung lumaki ang batang walang ama." Salita nito sa mahinang boses.

Kita ko kung gaano kahina ngayon si Markus, nakayuko at puno ng lungkot ang mga mata. Hinaplos ko ang pisngi nito at niyakap siya. Gusto kung iparamdam sa kaniya na naiintindihan ko ang sitwasiyon niya.

Natapos nga ang usapan namin at sa huli ay pumayag siya sa pag-alis naming mag-ina patungong probinsiya. Nangako siyang aayusin niya ang lahat dito at susunod siya sa amin para kunin niya ulit kami. Kagat labi na lamang akong tumango dito, kahit sa sarili ko ay hindi ko magawang maniwala sa mga pangakong binibitawan niya ngunit hinahayaan ko na lamang para hindi na humaba pa ang usapan namin.

Para sa akin ilalayo ko ang anak ko sa mga taong pwedeng makapanakit sa kaniya. Hearing what my son says about Tanya really gets me mad but I never tell it to Markus because I don't want to stir more scenes between them. Pasalamat na lamang ako at lumaking matalino at matapang ang anak ko. Kaya niyang intindihan si Tanya sa mga kapritso nito at kahit kailan hindi ito nagreklamo. Sa akin lang ito nagkwento at sapat na iyon na nagtitiwala ito sa akin at ayaw kung magkagulo pa ang lahat ng dahil sa amin.

Pumayag na din ang pamilya ni Markus at para sa kanila mas maige na nga ito na mailayo muna kami para kahit papaano ay humupa ang alitan ng magkabilang partido. Kalagayan ni Tanya ngayon ang prayoridad nila dahil sa pagkakaalam ko mahina ang kapit ng bata dito. May ipinakitang dokumento din na resulta ng pagiging buntis nga ni Tanya at kuha ito noong nakaraang isang buwan pa. Hindi nila nasabi agad dahil naging abala si Markus sa kaliwa't kanang proyekto nito hanggang sa pumunta pa ito ng probinsya namin para aprobahan ang isang proyekto doon. Iyon yong panahon na nakita niya na ako, kaya't hindi niya na nabigyan ng panahon si Tanya. Inakala nila na talagang sa trabaho ito naging abala kaya't nasaktan din sila sa nalaman tungkol sa amin. Lalo na ang pagkansela pa ni Markus ng kasal nila ni Tanya. Nagkataon lang na ganito na ang lagay ng sitwasyon bago nila nasabi ang katotohanan. Tanya and their unborn child need Markus and her family really pressures him to go on with the engagement and eventually for their wedding.

Naipaliwanag ko namang mabuti kay Josh kung bakit kailangan naming pumunta ng lugar ko. My son is really smart, he ask if me and his dad has a problem. I just told him that he and Tanya need alone time and in the end Josh understand.

Kahit papaano iyong pagtatanong niya at pagtataka ay napalitan na lamang ng pagkamangha dahil gusto niya din makita ang tinirhan ko noon. Gusto niya ding maranas na tumira kasama ako. But I assures my son that I will not take him away to his father, so anytime we can call him even his grandma and grandpa. Actually I just told him that we are having vacation in my hometown that's why he agreed on going with me.

Sa Aking Mga KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon