Kabanata 25: Gulat
Umuwi nga kami kinabukasan, halos tulala pa din ako sa naging buong byahe. Hindi mawaglit sa aking isipan ang napag-usapan namin kagabi ni Sir Markus. Malugod kung tinanggap iyon dahil sa takot na maaring magbunga nga ang nangyari sa amin. Sa murang edad ko parang naging sunud sunuran na ako sa naging plano nito sa akin lalo na sa magiging sitwasiyon namin ngayon. Ayaw ko mang magtanong o kompirmahin ang relasiyon namin, basta sa pagkakaalam ko ang lahat ng napag-usapan namin ay para lamang maprotektahan ako. Kung awa man ang naramdaman nito sa akin ay halos matanggap ko na ngunit alam ko sa aking sarili at sa aking puso na nagawa kung pumayag hinda dahil sa takot kundi dahil sa nagugustuhan ko na si Sir Markus.
Naguguluhan man sa ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na pwede itong mangyari sa akin. Kung panaginip man ito ay ayaw ko ng magising pa. Hindi ko alam kung pagmamahal na ba ang tawag dito pero kung ito man iyon ay pinagdasal ko na lamang na sa bandang huli ay maging maganda ang kahihinatnan ng buhay ko dito.
Takot ako at alam ko sa sarili ko na mali ang nangyari sa amin. Hindi ko napanindigan ang sarili sa pag-alis na, bagkus sa tingin ko mas lumala pa ang naging sitwasiyon ko ngayon. Hindi ko man masisi ang alak sa nangyari, napapapikit na lamang ako habang naiisip kong anong nangyari sa amin ng gabing iyon.
Diretso sa kaniyang condo ay pilit ko pa ding nilalakasan ang aking loob ngunit paminsan minsan ay naiisip pa din na mukhang mali ata ang pagsang-ayon ko sa lahat ng sinabi nito sa akin kagabi.
"Okay ka lang ba? Kung masama ang pakiramdam mo sabihin mo lang, pwede tayong dumiretso ng ospital." Salita ni Sir Markus pagkapasok namin sa kaniyang condo.
"Mabuti naman ang pakiramdam ko, kailangan ko lang na magpahinga." Nahihiyang kong sambit dito.
Kita ko ang pagtango nito sa akin, hanggang sa iginiya na ako nito patungong kwarto. Tahimik kami hanggang pati sa pag-upo ko ay iginiya pa din ako nito, pakiradmam ko tuloy ay isa akong babasaging pinggan dito na dapat ingatan. Isang malalim na buntong hininga ang aking inilabas ng makalabas na ito.
Nakaupo sa aking kama, habang pilit na kinakalma ang aking sarili. Dahan dahang nahiga na at yakap ang isang unan ay naramdaman ko na lamang ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata.
Nagising ako sa mahinang katok na aking narinig, pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa akin si Sir Markus. Matamis na ngumiti ito sa akin at marahang lumapit sa akin. Naupo ito sa kama at hinaplos ang aking pisngi, gulat man sa ginawa nito ngunit hindi ko magawang pigilan ito. Tahimik lamang akong nakatingin dito habang pinapakiramdaman ang ginagawa nito.
"Kumusta, nakapagpahinga ka ba?" tanong nito sa akin, nakangiti ngunit kariringgan mo pa din ang boses nito ng pag-aalala.
Napalunok na lamang ako sa sinabi nito at dahan dahang bumangon na lamang. Inilalayan naman ako nito para makabangon. Nahihiya man sa pinapakita nitong sobrang pag-aalala sa akin, tumango na lamang ako dito sa naging tanong niya.
"Let's eat, I cook for our dinner. Hindi na kita ginising kanina dahil mahimbing ang naging tulog mo." Sambit pa nito na lalong nagpagising sa aking diwa.
"Naku dapat ginising niyo ako Sir Markus, nakakahiya ako dapat ang nagluto." Salita ko dito habang nagmadali na sa pagtayo.
Ramdam ko ang marahang hawak nito sa aking kamay, napatingin ako sa gawi nito at natigilan na sa pagkilos habang nagtataka sa ginawang tingin nito. Nawala ang ngiti dito at ramdam ko ang pagpapawala ng malalim na buntong hininga nito.
"Call me Markus and please you're my girlfriend now and you are also my responsibility. Alam kung hindi ka pa sa akin ganoon kakomportable, gusto kong sabihin sa iyo na simula ngayon sanayin mo na ang sarili mo sa akin." Mahinang sambit nito sa akin na halos tumagos sa aking kaibuturan.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mga Kamay
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute copy or publish in...