Kabanata 26: Patay
Naging maselan nga ang pagbubuntis ko, pagkaraan ng isang linggo ay napagpasyahan na naming lumipat sa Mansion ng mga Llameda, nahirapan din ako bago pumayag sa gusto ni Markus ngunit dahil sa lumalala na ang mga sintomas na nararamdaman ko sa aking pagbubuntis ay wala na din akong nagawa.
Bukas palad akong tinanggap ng mag-asawang Llameda, kita ko kay Madam ang taos puso nitong pagtanggap sa akin. Ramdam ko ang kasiyahan nito sa pinagbubuntis ko, kahit ang asawa nito ay kita ko na sobrang sabik na sa magiging apo nito. Malaking ngiti ang iginawad sa akin ni Markus at napasalamat din ito dahil pumayag na din akong manirahan sa Mansion nila. Ngunit bago kami lumipat ay nangako ito na bubukod din kami pag ako ay nanganak na. Ayaw niya kasing kami lang ng kasambahay ang laging naiiwan sa condo pag umaalis siya patungong trabaho.
Halos mahigpit na yakap din ang natanggap ko kay Manang Thelma sa una naming pagkikita. Inihatid ako nito sa magiging kwarto ko, kasama din ang kasambahay namin at siya ang magiging bantay o aalalay sa akin ngayon dito. Habang inaalalayan ako nitong naupo sa kama, iginala ko naman ang aking mga mata para makita ang buong diseniyo ng bago kung tutulugan. Sa pagkakaalala ko ang pinagdalhan sa akin at katabing kwarto lamang ni Markus. Malaki at malinis ang kwartong ito, halos kasing ganda din ng disenyo ng kwarto ni Markus.
"Naku kumusta ka na Hija, natutuwa ako at nakita kitang muli na maayos ngunit hindi ko ito inasahan. Bumalik ka dito na nagdadalang tao sa magiging anak ni Sir Markus." Salita ni Manang na talagang nagtataka, hindi pa din makapaniwala sa kaniyang nakikita.
Humingi ako ng paumanhin kay Manang ngunit wala din naman akong masabi dito, mas minabuti kung huwag ng idetalye pa ang pangyayare noon pagkaalis ko sa poder ng mga Llameda. Hirap akong alalahanin pa ang mga pangyayareng yon at nahihirap din akong ibahagi pa ang napagdaanan ko noon. Mabuti na lamang at naintindihan naman ito ni Manang hindi na din naman ito nagpumilit sa akin. Iniutos nalang nito lahat sa kasama naming kasambahay ang pagliligpit ng aking mga gamit. Lahat ng damit ko ay isinaayos na nito sa lalagyan, nagpasya akong maligo muna bago mahiga sa kama.
Gabi na kami lumipat dahil mas nakakaya ko ang aking sarili kesa sa umaga. Sa umaga kasi paggising palang ay sobra na ang hilo ko na halos isang oras ako inaabot sa banyo para magduwal lamang. Kausap pa ni Markus ang mga magulang nito, nangako ito na pagkatapos at pupuntahan ako dito.
Nang makabalik na sa aking kama ay siya namang natapos na ang pag-aayos ng lahat ng gamit ko, hinayaan ko ng bumaba ang kasambahay para makapagpahinga na din. Saktong pumasok naman si Markus habang papahiga na ako. Ramdam ko na naman ang biglang pagbilis ng tibok ng aking puso. Kagat labing tinitingnan ito papalapit sa akin.
"Kumusta." Bati nito sabay upo sa aking kama at marahang hinawakan ang kamay ko.
"Mabuti naman, nagka-usap kami ni Manang at masaya akong nakita siyang muli." Salita ko dito habang naupo na din ako sa kama. Marahang pag-alalay pa ang ginawa nito sa akin at ngiting ganti na lamang ang iginawad ko dito.
Matamis na ngumiti ito at humalik pa sa aking noo, napangiti na lamang ako sa ginawa nito. Halos sa umaga at sa gabi ay lagi niya itong ginagawa sa akin, hindi nakakalimot na bigyan ako ng halik sa aking noo. Nasasanay na din ako at sa tingin ko mas hinahanap hanap ko din ang hawak at halik nito sa akin.
"I'll be busy with my work, so please be patient. Late ako makakauwi at minsan din ay mawawala ako ng isang linggo. I'll hire a nurse para laging may bantay dito sa tabi mo, mas gusto ko iyong mas may alam sa pag-aalaga saiyo." Malumanay na sambit nito na lalong nagpalambot sa aking puso.
Sumang-ayon naman ako sa lahat ng gusto nito, mas mabuti na din iyon para mayroong tumitingin dito sa akin. Ayaw ko ding mag-aalala pa si Markus kung tatanggihan ko ito, ayaw ko din namang umasa sa mga magulang nito. Sa ngayon ay pakikisamahan ko sila ng mabuti ngunit ang prayoridad ko ay ang magiging anak ko.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mga Kamay
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute copy or publish in...