Kabanata 43: Kabit
Isang linggo na ang nakakaraan simula noong nandito si Markus. Masasabi ko na sobrang maalaga ito sa amin, may mga araw at gabi na siya ang naghahanda ng hapag kainan para sa amin. Sa tingin ko nga mas magaling na itong magluto kesa sa akin, simula kasi na nagkaroon ako ng kasambahay ay ito na ang nagluluto sa amin. Hindi din ito pumapalya sa kaniyang panliligaw, laging may bulaklak itong pinapadala sa opisina at walang palya din kaming kumakain sa tanghalian na magkakasabay. Sa isang linggo na pagsasama namin inaamin kung sobra kung saya at punong puno ng pagmamahal ang puso ko ngayon. Markus is being consistent on showing his love to us and I can't even complain.
Ngunit sa bawat gabi naming magkasama sa kwarto ay halos hindi pa din ako masanay na kabahan sa tabi nito. Walang gabi na hindi ko maalala iyong unang may nangyare sa amin, gustuhin ko mang kalimutan iyon ngunit bumabalik iyon sa aking isipan. Minsan napapabalikwas na lamang ako ng gising pag napapamulat ako na nakayakap na lamang dito at hindi ko mawari kung nasaan na iyong unan na nakapagitna sa aming dalawa. Markus would just laugh at my reaction though and he will just say that he will not cross the bounderies between us unless we're married. Damn, marinig lang dito ang tungkol sa kasal ay sobra na akong kinakabahan ngunit hindi ko ikakailang sobra akong kinikilig kung paano niya ako tratuhin sa ngayon. Kilos, gawa hanggang salita niya ay ganoon ko nakikita kung gaano niya ako kamahal.
Gusto ko mang itanong kung ano ang ibig sabihin niya dito ngunit ipinagwalang bahala ko na lang ito. Although I just missed him even more, his kissed, his touched and I just want to tell him that being single for a long time makes me think about our the past that we used to share. Damn, I'm crazy for thinking too much! Kung naalala ko lang iyon at nasasabik sa ganoong bagay ay hindi ako karapatdapat dito, kailangang pigilan ko ang sarili bago mauwi na naman sa pagkakamali ang lahat. Nakakahiya ako sa aking mga naiisip!
We enrolled our son in a preschool, we're thankful that we can transfer him in the middle of the school year. Markus been so dedicated on how he handles us, being a father to his son and being suitor to me. Well, I'm still waiting for him to ask me about my answer about his courtship. Although it is only for a week so maybe might give him a month more before answering him. Tinatawanan naman ako ni Matthew dahil alam nito kung ano ang plano ko, sinabi niya pa na huwag ko ng patagalin dahil anim na taong nawalay na kami sa isa't isa at hindi na din siya makapag-antay na ikasal na ako. Ngunit hindi pa din ako ganon kakompiyansa na kasal nga ang kahahantungan naming dalawa at tsaka wala pa akong naririnig kay Markus sa magiging sunod na plano niya sa amin.
Natatawa pa din ako sa nagiging reaksiyon ni Markus sa amin ni Matthew, hindi ko pa din kasi dito nasasabi na may pusong babae ito. Madalas na masama ang tingin na pinupukol nito sa amin pag nasa bahay namin ito. Pag kami na lamang dalawa ni Markus ay inaamin niyang nagseselos siya dito dahil sobra itong close sa akin. Tinatawanan ko na lamang ito at nagkikibit balikat na lamang. Pagsasabihan niya na lamang ako na kung higit maaari ay huwag akong sasama ditong mag-isa at huwag ng magpapadalaw sa aming bahay. Ang nagiging sagot ko na lamang dito ay hindi maaari dahil matalik ko na itong kaibigan. Pasalamat na lamang ako at hindi na siya humihirit pa at kung ano na ang sinabi ko ay iyon na.
Naging matunog lalo ang pangalan ni Mayor Fuentes sa bayan namin at marami ang natuwa dahil sa nasimulang proyekto nito. Halos patapos na din ang kampanya at nalalapit na ang botohan. Nakilala na din pala ni Markus ang kapatid kong kambal at sobra siyang namangha lalo sa nalaman. Masaya ang mag-asawang Fuentes dahil sa mas gumaganda ang posisyon nila sa politika at mas lalong pumapabor ang mga mamamayan sa kanila. Buong tuwa nilang pinasalamatan si Markus dito at sobrang nagpasalamat din sila sa akin.
However I felt so shocked when Markus confessed that he just do it because he thinks that it is the only way to stay by my side. Sinabi niya pa na naging maganda din ang naging resulta dahil lahat ng taong nakapaligid sa akin ay halos naging pabor na sa kaniya at mas lalong napadali ang panliligaw nito sa akin. Natatawa naman ang mag-asawa habang sa akin na ang mga mata. I just can't handle how Markus being so vocal and honest about his feelings towards me. Right now I just feel embarrass however I'm enjoying how Markus show his consistency of pursuing me.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mga Kamay
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute copy or publish in...