Kabanata 5: Recruit
Maaga akong nakarating sa Grocery store, pagkabukas ko ay naglinis na ako. Dalawang oras pa bago ang aming pasok pero mas minabuti ko na ito kesa makaharap ko sila Inay at Godo sa bahay, hindi ko ata maaatim na makita pa si Godo.
Nalinis ko na bawat sulok ng grocery store pawisan na din ako buti na lamang ay nagdala ako ng pamalit, napagdesisyonan ko ng magayos ng sarili at magpalit ng aking damit. Ng matapos ay pumwesto na ako sa cashier area habang nakatulala hindi ko alam kong ano ang aking iisipin, si inay kasi ng pumapasok sa utak ko. Para bang napalaking problema ito na hindi ko masolusyunan.
"Gandang umaga Virgie! Ang aga mo ah, wow ang linis na din ikaw lahat gumawa nito" bati sa akin ni Mary. " Ito nga pala si Jenny pinsan ko siya ang papalit sa akin" pagpapatuloy pa nito.
Mabilis akong ngumiti dito at nakipagkamay pa sa bagong kakilala "Welcome Jenny hah, magtulungan tayo dito sa store. Tawagin mo na lang akong Virgie " salita ko ng makabawi na sa aking iniisip.
"Opo, salamat Virgie" nahihiya nitong sagot sa akin. Napag-alaman ko din na kaidad ko pala siya, mabait naman siya mahiyain nga lamang.
Maya maya pa ay may mga dumating ng customer at nagsimula na kaming magtrabaho. Sa ngayon iwinasiksi ko na lamang ang isipan ko tungkol kay Inay nagfucos na lang muna ako sa trabaho ko ngayon. Nang magtanghalian ay dumating si Ma'am Beth may dala itong pagkain nagsalo salo kami ngayon sabi ni Ma'am parang farewell party niya na ito kay Mary at welcome party naman para kay Jenny. Masaya kaming kumakain habang kinakausap ni Ma'am si Jenny, nakangiti ako habang tinitingnan sila, buti pa sila walang mga alalahain pero ako nagagawa kog ngumiti kahit alam kong pag-uwi ko ng bahay ay hindi ko alam ang kahihinantnan ko sa amin.
"Turuan mong mabuti si Jenny" paalala ni Ma'am Beth kay Mary habang nag-aayos na ito ng gamit. "Mary mag-iingat ka sa bago mong pagtatrabahuhan hah, at Jenny wag kang mahihiya dito lalo kay Virgie kung may problema kausapin mo siya at ang pinsan mong si Jess aalalay naman siya sa iyo at gusto kong ituring mo na din itong pangalawang pamilya mo."
"Opo Ma'am salamat po sa pagbigay sa akin ng oportunidad na makapagtrabaho po sa inyo, makakaasa po kayo Ma'am na gagalingan ko po." mahabang salita ni Jenny.
Ngiting ngiti ang lahat pati na ako nahawa na din, sobrang bait talaga ni Ma'am ganyan na ganyan din ang sinabi niya sa akin noon na ituring na itong pangalawang pamilya.
"Ganyan kabait si Ma'am Beth Jenny kaya wag mong sisirain ang tiwala ni Ma'am" salita naman ni Jess dito.
"Naku Jess nambola ka pa" pabirong salita ni Ma'am na ngiting ngiti.
"Ma'am totoo naman po ang sinabi po ng kapatid ko" pag sang-ayon naman ni Mary dito. "Maraming salamat po ulit Ma'am hah."naiiyak nitong sambit.
"Oh wag umiyak, o siya sige maraming salamat din Mary. Oh Virgie alis na ako kayo na bahala dito.
"Opo Ma'am, ay Ma'am Beth pwede ko po kayong makausap" sambit ko dito habang seryoso akong nakatitig sa kaniya.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong nito sa akin.
Kinausap kong masinsinan si Ma'am Beth nagpaalam ako sa kaniya kong pwedeng matulog dito sa grocery store, sinabi ko na lamang na nagkasagutan kami ni inay kagabi agad namang pumayag si Ma'am Beth sa pakiusap ko sa kaniya pero pinangaralan muna ako.
"Virgie kong ano man ang napag-awayan niyo ng inay mo isipin mong nanay mo pa din siya. Pag-isipan mong mabuti mamayang gabi para magkayos kayo ng nanay mo."
Nang matapos kaming makapagusap ay umalis na din si Ma'am Beth. Natutuwa ako at napakabait ng boss ko sa akin, napaka maunawain.
Natapos ang masaya naming tanghalian, masaya ako para kay Mary at kay Jenny, nang magsimula na ulit ang trabaho ay kanya kanya na ulit kaming ginagawa.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mga Kamay
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute copy or publish in...