Kabanata 17: Patibong
Halos nagtagal ng ilang minuto na magkayakap kami, hanggang iginiya na ako nito sa aking kama upang mahiga at kinumutan na din. Kanina pa siya nagpapahid ng aking luha sa aking pisngi na ngayon ay natigil na din. Hindi maalis ang tingin ko sa mga mata nito, nginitian ako nito at bago siya nag-paalam ay mabilis na dampi ng halik sa aking labi ang ginawad nito.
Kagat labi na akong nag-goodnight din dito at ramdam ko din na nag-init na ang magkabilang pisngi ko. Sobrang gaan ng pakiradmam ko ngayon at sa tingin ko ay makakatulog pa ako ng mahimbing ngayong gabi pero pabalik balik pa din sa aking isipan iyong halik na ginawad niya sa akin. Halos gustong sumigaw ng puso ko dahil sa kakaibang naramdaman sa halik na iyon.
Ibig sabihin ba nito ay gusto din ako ni Sir Markus? Una sa noo ngayon naman sa aking labi, ibig sabihin ba nito ay liligawan niya ako? Pero wala naman siyang sinasabi, wala siyang nililinaw sa estado namin. Ahh! Halos mabaliw naman ako kakaisip hanggang sa ginopo na ako ng antok.
Kinaumagahan ay sobra naman akong nagmadali para makapaghanda na sa trabaho. Pagkaligo ay siniguradong maayos ang uniform na suot, ang buhok ko ngayon ay nakapusod at siniguradong maaliwalas din ang aking mukha. Napahawak pa ako sa aking labi dahil sa naalalang pangyayari kagabi. Naisip ko tuloy si Sir Markus, mukhang nahihiya akong makita ito ngayon. Tinapik tapik ko pa ang aking pisngi para matauhan sa mga naiisip. Isang malalim na buntong hininga pagkatapos ay lumabas ng ako sa aking kwarto at nangingiti pa habang iniisip na ang sisimulang trabaho.
Sa hapag kainan para sa almusal ay hindi ako makatingin ng diretso kay Sir Markus, sobrang hirap lamang ng kalagayan ko ngayon ngunit ramdam kong nangingiti ang puso ko dahil hindi ko pa din malimot ang nangyari kagabi.
"Virginia are you prepare on your next month schedule? Start na ng klase mo, right?" tanong ni Madam na nagpataranta sa akin. Tumikhim ako at mabilis ng sumagot dito.
"Yes po Madam." Nahihiya kong sagot.
"Kung hindi mo pa saulo ang pagpunta sa University mo, I'll let one of our drivers to drove you there." salita pa ni Madam na mas nagpataranta sa akin sa hiya, kagulat gulat din ito para sa akin.
"Hindi na po Madam, alam ko na po at makakapagcommute na po ako pagpasok po doon." mabilis kung turan at napatingin ako kay Sir Markus na pinagtaasan ako ng kilay na para bang mali ang naging sagot ko dito.
"Okay, pagbutihin mo ang pag-aaral mo." Dagdag pa ni Madam na nagpatango na lamang sa akin at iniwasan na lamang ng tingin si Sir Markus.
Isang buwan na lamang ang aantayin ko para magsimula na nga ang pasukan, itinuloy ko ang kursong Accountancy at nasaayos din agad ang aking dokumento. Alam kung malaking tulong ang pamilyang Llameda sa akin para mas maging madali ang lahat. Pagpasok ko palang noon sa registration ay alam na nilang scholar ako ni Mrs. Josephine Llameda. Napag-alaman kung pioneer pala dito ang mag-asawa hanggang dito din pinag-aral ang anak nila at dito ito nagtapos, ibig sabihin pareho ang magiging Univesity namin ni Sir Markus pagnakataon. Napapangiti na lamang ako sa mga nangyayari at alam kung magiging maganda ang pagtahak ng buhay ko ngayon.
Mas lalo akong napangiti dahil abot kamay ko na ang pangarap na makapagtapos at magiging madali ang pakikipagkita ko sa kambal nito.Naiisip ko man si Inay pero mas pinapanalangin ko na lamang na maayos na ito sa piling ni Godo. Alam kung masaya na ito at sana ay maging masaya na din akong tuluyan dito.
Kinaumagahan ay nagyaya si Madam sa isang mall, gusto nito akong sumama para magdala lahat ng mga pinamili nito. Pero halos umatras na lamang ako ng makita si Ms. Tanya dito.
"Hija, good to see you here." bati ni Madam ng makalapit at humalik pa sa pisngi nito.
"I got bored Tita, so I just go out for a shopping." Natatawang turan nito sabay pasada ng tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mga Kamay
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute copy or publish in...