Kabanata 22: Pagtanggap
Mabilis akong nakatulog kagabi, ngayon ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata at hapdi nito sa aking paggising. Napayakap ako ng mahigpit sa katabing unan, kagat labing inaalala kung anong nangyari kagabi. Binuhat ako ni Sir Markus hanggang sa dinala ako nito sa kaniyang sasakyan. Wala na akong napansin noong gabing iyon, basta nakapikit ako habang buhat buhat ako nito. Nakakapit sa kaniyang leeg at pakiramdam ko noon ay sobrang maayos na ang kinalalagyan ko, na ako ay ligtas na at protektado. Ayaw kong isipin man lang si Mang Jess dahil nanginginig ako sa pangalan palang nito.
Nang maisakay ako sa kaniyang sasakyan ay tahimik itong nagmaneho, hindi pa din ako makapaniwala na siya nga itong nasa tabi ko ngayon, hindi makapaniwalang iniligtas ako nito sa kamay ni Mang Jess. Nalilito man ngunit wala din akong lakas na magtanong pa, alam kung isang buwan siya sa ibang bansa ngunit ngayon ay isang linggo pa lang ang nakakaraan ay nakakapagtakang nandito na siya sa aking tabi.
Dinala ako nito sa kaniyang condo, mabuti na lamang at hindi sa mansiyon nila dahil talagang hindi ko maaatim na pumasok pa sa bahay ng mga Llameda. Natatakot ako sa mama nito at hindi ko din alam kung alam ba ng pamilya ni Sir Markus ang ginawang pagtulong nito sa akin ngayon. Bago bumaba ng sasakyan nito ay may pinasuot itong jacket na may hood at nakayuko na lamang akong sumusunod dito. Hawak niya ang aking kamay hanggang sa makarating kami sa kaniyang condo, sinabi nitong magpahinga na ako at matulog at mag-uusap kami kinabukasan.
Kita ko ang liwanag na kumakawala sa malaking bintana nito sa aking harap, napatingin na din ako sa kabuuhan ng kwarto. May malaking espasyo at kahit ang kaniyang kama ay malapad din, napalunok na lamang ako sa biglang naisip kung saan ito natulog kagabi. Kahit mahapdi ang aking mga mata ay ramdam ko na mas maginhawa na ang aking pakiramdam. May kaonting sakit din sa aking sikmura at alam kung dahil iyon sa suntok na natamo ko. Kagat labi na ako ulit para pakalmahin na ang sarili, sa amoy ng higaan nito ay sobra na akong nahahalinang matulog na lang ulit.
Narinig ko ang biglang pagbukas ng pinto at napatingin na ako dito, iniluwa nito si Sir Markus na may dalang tray ng pagkain. Mabilis na akong napaupo at nahihiyang nakatingin dito.
"Good morning, kumusta ang pakiramdam mo?"tanong nito sa nag-aalalang tono.
"Maayos naman na ang pakiramdam ko, ahm salamat sa pagtulong sa akin." Sagot ko sa mahinang boses.
Kita ko ang malalim na paghinga nito at tumango na din dahil sa sagot ko. Pinasadahan niya ng tingin ang aking mukha na para bang tinitingnan niya kung maayos na ba akong talaga. Nahihiya na lamang akong nakatingin dito hanggang sa inilapag na ang pagkain sa aking harap. Bago ako makapagsalita upang magprotesta, kasi pwede namang tumayo na ako at kumain na lamang sa kusina ngunit nagulat pa ako na siya na mismo ang humawak sa kubyertos para ako ay masubuan na. Nanlaki ang mga matang pinukol ko dito, hindi mawari kung paano pa ito pipigilan sa kaniyang ginagawa.
"Please don't ever protest, you need to eat. Mag-uusap tayo pagkatapos mong kumain." salita nito, nakatingin ito ng seryoso sa akin na para bang pinal na ang kaniyang sinabi.
Napalunok na lamang ako at tumango na, hinayaan ko siyang subuan ako sa unang subo, ngunit sa pangalawa ay inagaw ko na ang kutsara at tinidor dito. Kita ko ang pagtaas ng kilay nito sa akin ngunit ininda ko na lamang ito.
"Kaya ko naman Sir Markus." Sambit ko sa mahinang boses habang nakayuko dahil hindi ko siya matingnan ng malapitan sa kaniyang mga mata. Pakiramdam ko kasi ay sasabog ang aking puso dahil sa ginagawa nito sa akin at baka matunaw na lamang ako dahil sa titig nito at kung gaano ito kalapit sa akin.
"Call me Markus." Utos nito ngayon at isang tingin ko dito ay kagat labi na ako ulit sabay marahang tumango.
Hinayaan na din ako nitong makakain, pasalamat na lamang ako at kahit papaano ay nakinig ito sa gusto ko. Tahimik na ako habang sumusubo ngunit patingin tingin pa din kay Sir Markus. Sobrang nahihiya ako dito pero alam ko sa sarili ko na wala na din naman akong pagpipilian. Ang mabuhay ngayon ay sobrang imposible na sa akin dahil akala ko kagabi ay katapusan ko na nga pero heto ako ngayon, buhay at sobrang hindi makapaniwalang kasama ko pa si Sir Markus. Na para bang sa isang iglap ay nandito ako ngayon sa kaniyang pamamahay, nakahiga sa kaniyang kama, suot ang kaniyang t-shirt at higit sa lahat pinaghandaan pa ng makakain.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mga Kamay
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute copy or publish in...