Kabanata 20: Pagtakas
Nagsalo kami nito sa hapag-kainan, halos hindi din matapos itong magpasalamat sa akin dahil sa paglilinis ko ng kaniyang bahay. Dapat daw ay hindi na ako nag-abala pang linisin ito, pero ang naging sagot ko na lamang na hayaan na akong gawin ito bilang kabayaran sa pagtulung nito sa akin at sa pagpapatira sa akin sa poder niya. Sinabi ko din na ako dapat ang magpasalamat at hindi siya.
Kahit papaano ay nabawasan na ang aking hiya kay Mang Jess. Magaan naman ito kausap at tahimik lamang ito, paisa isa lang ito kung magtanong sa akin. Hindi naman siya mausisa, ni hindi nga siya nagtanong kung ano ang namamagitan sa amin ni Sir Markus. Basta sabi niya lang na gusto niya akong tulungan na makausap man lang si Sir Markus bago man lang ako umalis.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising, nagluto ako ng almusal. May itlog naman kaya't iyon na lamang ang prinito ko. Napansin ko din na kaunti na lamang ang grocery nito at naisip na mamimili ako mamaya. Kailangang kahit papaano ay huwag akong umaasa lahat dito, may pera pa naman akong sobra na pwede kug gamitin sa ngayon. Nang lumabas si Mang Jess ay nakauniporme na ito, nakangiti itong lumapit sa mesa at binati ko na ito ng magandang umaga.
"Kung may kailangan ka huwag kang mahiyang magsabi sa akin Virginia hah. Baka mamayang gabi hindi ako makauwi dahil may out of town si Madam kasama ang pamilya ni Ms. Tanya, kaya ikaw na ang bahala dito. Ariin mo ng iyo itong bahay kaya't pwede mong gamitin kung ano man ang nandidito." Salita ni Mang Jess habang kami ay kumakain.
Napatango na lamang ako at napangiti sa kabaitang pinapakita nito sa akin. Kahit papaano ay nakaramdam na naman ako ng pagkalungkot dahil sa narinig dito lalo na mukhang magkasundong magkasundo ng mabuti sila Madam at si Ms. Tanya. Pero kailangan kung magtiis, salita ko sa aking sarili.
"Okay naman po ako dito Mang Jess, siguro mamaya mag-iikot lang ako sa labas. May malapit po bang tindahan dito?" tanong ko na sa pag-iiba ng usapan namin.
Nang matapos nga ito ay mabilis na itong nag-paalam para pumasok na. Kumilos na din ako para makapagligpit ng hapag-kainan. Pakiramdam ko ang tagal lang ng araw ngayon, sobrang bagal din ng oras na para bang ang hirap lang isipan na kaya kung tumagal dito ng isang buwan.
Pagkalipas ng isang oras ay saka na ako lumabas, nang masiguradong nakakandado na ang pinto ay dumiretso na nga ako sa iskinita kung saan sinabi ni Mang Jess na malapit na grocery store. Habang naglalakad ay kita ko na madaming tao din ang naglalakad at may kanikaniyang ginagawa, may iba na disente ang damit na sa hula ko ay papasok din sa kanilang mga trabaho. Mayroon ding nakaupo lamang sa labas ng bakuran nila at nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo.
Napalunok na lamang ako ng makita na ang maliit na grocery store, pumasok na ako at tiningnan na ang paligid. Kita ko din ang iba na sa akin na nakatingin, na para bang nagtataka pa sila sa akin. Ngumiti na lamang ako dahil hindi ko din naman alam kung ano ang maaring sabihin at tsaka totoong dayo lamang ako kaya ayaw ko namang maging isnabera sa mga ito. Kumuha na ako ng mga kakailanganin ko sa bahay, mga sangkap sa pangluto at delata na din. Bumili din ako ng katol dahil masyadong madaming lamok sa bahay ni Mang Jess, kagabi nga halos naubos na ang oras ko sa pagpaypay ng aking sarili dahil sa dami ng lamok sa may sala na umaaligid sa akin.
Nginitian ako ng kahera ng makalapit na ako dito, halos tingin pa ako nito mula hanggang paa.
"Miss bago ka lang ba dito? Hindi kasi pamilyar ang mukha mo? Bagong salta? Saang lugar ka?" sunod sunod na tanong nito sa akin na mas lalong nagpangiti sa akin.
"Oo, kahapon lang. Nakatira ako kay Mang Jess." Salita ko at natigilan ako dahil hindi ko nga pala alam ang buong pangalan ni Mang Jess. Napalunok na lamang ako sabay ngiti ulit dito para hindi mahalata nito ang pagkataranta ko.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mga Kamay
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute copy or publish in...