Kabanata 1

90 1 4
                                    


Kabanata 1: Hirap

"Virginia! Aba bilisan mong kumilos yung dalawa mong kapatid umiiyak na!" bulyaw ng aking ina habang kumakatok sa banyo kahit ako ay naliligo pa.

"Opo Inay, nandiyan na!" mabilis kong sagot dito. Wala na ding shampoo ubos na pala, sabong panlaba na lang ginamit ko sa buhok ko at itatali ko na lamang ito mamaya.

Nang matapos ay kumaripas na ako ng takbo, narinig ko na nga ang palahaw ng dalawang nakababatang kapatid, napailing na lamang ako at minadaling makapagbihis. Isang puting t-shirt at kupasing maong pants ang suot ko ngayon, pinunasan kong mabuti ang aking buhok ng tuwalya at sobrang basa pa ito. Maya maya ay nagsuklay ako kahit napakahirap suklayin, mabilis akong lumabas ng aking kwarto at dinaluhan ang umiiyak na kapatid.

"Luto na ang kanin diyan, wala nga lamang ulam!" sigaw ulit ni Inay. Nasa labas ito at naglalaba.

Sa hirap ng aming buhay kahit pagiging labandera ay pinasok na din ni Inay, minsan tumutulong din ako sa labada pag wala akong pasok.

"Bili na lamang po ako ng sardinas sa labas, gutom na po ang kambal kaya sobra na ang pag iyak." Sagot ko kay inay, lumapit ako sa kambal at pinunasan ang kanilang mga luha. Si Vennie at si Vanjo kapatid ko sila kay inay.

Ang tatay ko ay isang Americano hindi pa ako ipinapanganak ay iniwan na nito si Inay, pasalamat na lang din ako at binuhay pa ako nong nasa sinapupunan pa lamang ako. Yung kambal naman nasa limang taong gulang pa lamang, basta nalaman ko na lang na buntis na si inay noon hanggang ngayon ay dalagang ina pa din siya. Madaming humusga noon kay inay porket malandi, makati kaya nabubuntis na lang ng walang asawa. Pero hanga pa din ako kay Inay nakakayanan niya ang buhay kahit sa hirap na aming nararanasan. Pero may mga panahong ding hindi na kinakaya ni Inay, noong bata pa ako binubugbog niya ako kasalanan ko daw kong bakit nangyari ito sa kanya sinisisi niya ako sa pagbubuntis niya noon sa akin. Kahit ganon sa akin si Inay ay mahal na mahal ko pa din siya, nagbago lang ang pagtrato niya sa akin noong nagdalaga na ako, sa ngayon sinusunod ko na lamang ang bawat sabihin niya sa akin. Dati tutol si inay sa pagaaral ko pero nagsumikap ako kaya't hinayaan niya na ako. First year college ako ngayon, nakapag aral ako dahil sa Scholarship na nakuha ko sa Unibersidad na pinagaaralan ko, kung hindi walang maipapagaral sa akin si inay. Wala naman kaming pera, sapat lang ang kita ko sa palengke sa isang sari-sari store na binabantayan ko at ang paglalabada ni Inay sa pang araw araw na gastusin namin sa bahay.

"Oh siya bilisan mo na, bumili ka na, may pera ka pa naman diba."

"Ate gutom na gutom na ako." Salita ng kambal habang nakaupo na sa may mesa.

"Oo labas muna si ate bibili lang hah, wag na kayong umiyak, ito inom muna kayo ng tubig", bigay ko ng baso sa kambal. Naawa ako sa kambal kahit ako ay kumakalam na ang sikmura ko, ng mahimasmasan ang dalawa ay lumbas na ako para bumili.

Tinahak ko ang eskinita papunta sa tindahan nila Aling Saling, ang pera ko pamasahe na lang papunta sa palengke, mangungutang na lang muna ako. Pagkarating ko sa tapat ng tindahan ay mabilis akong ngumiti at hinanap si Aling Saling.

"Aling Saling pautang lang po ng sardinas", malumanay kong salita dito.

"Naku utang na naman, dami niyo ng utang sa akin hah. Kailan ba kayo magbabayad?" malakas na sagot sa akin ni Aling saling.

"Mayang hapon po magbabayad po ako, makukuha ko po yong sweldo ko sa grocery store Aling Saling." Sagot ko ulit dito. Nagdasal na din ako sa Diyos na sana pautangin ako nito at wag ng ipagdamot ang sardinas.

"Aling Saling pagbigyan niyo na si Tisay" napalingon ako sa likod ko, si Godo ang tambay sa tindahan nila Aling Saling.

Ngayon ko lang napansin na nandito na pala sila sa likod ko, Tisay ang tawag nila sa akin kasi mana ako sa tatay kong kano. Niluluko din nila sa akin si Godo nakita kong nakipag apir pa si Godo sa tatlo niyang kasama na puro din tambay.

Sa Aking Mga KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon