Kabanata 6

36 1 0
                                    

Kabanata 6: Paalam

Dahil sa hindi makatulog gumawa na lamang akong sulat kay Inay, lahat ng nasa loob ko ay doon ko inilabas, lahat ng kasinungalin ni Godo ay isiniwalat ko din sa sulat. Lalo lamang akong naiyak ng isulat ko na ang katagang paalam, sinabi ko din kay inay na hanggad ko ang kaniyang kaligayahan at gusto kong malaman niyang hindi ako hadlang kaya mamarapatin ko na lamang na magpaalam at umalis sa poder niya, kung hindi niya na ako pinagkakatiwalaan bilang isang anak ay malugod sa akin ang umalis na lamang ng bahay . Pakiramdam ko ay mugtong mugto ang aking mata ng matapos kong magawa ang sulat. Inilapag ko ito sa aking unan, malamang hahalughugin naman ni inay ang kwarto ko pag hindi na ako umuwi ng gabi.

Alas kwarto pa lamang ng madaling araw ay bumangon na ako, kahit walang tulog ay pinilit ko na ang sarili kong mag-ayos, pagkaligo ay nagbihis na ako at ng matapos ay inihanda na ang dadalhin ko. Isang backpack lang ang dala ko at ang aking shoulder bag ng mapagtantong wala na akong naiwan ay lumabas na ako ng bahay.

Pasado alas singko akong nakasakay ng jeep papuntang palengke, mabilis akong nakapunta sa grocery store dahil walang traffic. Tumawag ako sa bahay ni Ma'am Beth gamit ang telepono dito sa store, pasalamat ako na kahit maaga pa ay may sumagot naman dito.

"Hello, magandang umaga po", panimula ko.

"Who's this?" tanong ng isang baritonong boses.

"Ahm, ako po si Virginia empleyado po ako ni Ma'am Beth dito po sa Grocery Store niya. Pwede ko po bang makausap si Ma'am?"

"Why you want to talk my Mom?" pagtatanong nito ulit.

Napaisip ako sa sinabi niya so anak siya ni Ma'am, isang buntong hininga ang inilabas ko at nagsalita ulit "Sir pasensya na po personal lang po kasi, kung hindi po available si Ma'am pasabi na lang po na tumawag po ako, sige po salamat po." Mabilis kong binaba ang telepono hindi ko na siya hinantay pang sumagot dahil nakita ko na sila Mary na pumasok na ng Grocery Store.

Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Mary na para bang ang dami niyang tanong sa akin "Sino ang tinawagan mo?" usisa nito ng makalapit sa akin.

"Nagbabakasakaling makausap ko si Ma'am Beth pero anak niya ang nakasagot ang daming inuusisa eh, kaya yon hindi ko pa nakakausap si Ma'am." sagot ko kay Mary habang naglakad na ako papuntang Cashier Area.

"Tiyak magtatampo niyan saiyo si Ma'am, pano kong hindi ka payagan?"

"Mary wala ng magagawa si Ma'am. Buo na desisyon ko hindi ko na kakayanin pang makisama kay Inay kasama ang lalaki niya. Mary please suportahan mo nalang ako." Pagsususmamo ko dito.

Maya maya ay natigil na din si Mary hinayaan niya na din ako, pasado alas otso ng pumasok sa Aling Azon sa grocery store at nagulat pa ako sa presensiya niya.

Pumunta siya para kunin ng aking bio-data, mabilis naman akong kumilos at binigay na ang kailangan nito, kita ko ang pag-iling sa akin ni Mary pati na din ang pag-aalalang mukha nila Jess at Jenny.

"Good Virginia" salita ni Aling Azon ng maibigay ko na dito at ngiting ngiti pa ito sa akin. "Pagkatapos ng trabaho niyo dito ay pupuntahan ko kayo para maibigay ko na ang ticket niyong dalawa ni Mary. Sige na alis na ako." Paalam na nito sa amin.

"Virgie ako ang kinakabahan saiyo eh, hay naku naaawa ako para kay Ma'am Beth basta ka na lamang aalis sa kaniya ng uraurada. Ni wala ka man lang kapalit, ano na lamang ang iisipin saiyo ni Ma'am." Pagod na pangaral sa akin ni Mary, pero wala na sarado na ang isipan ko at wala ng makakapigil pa sa akin.

Napailing na lamang siya sa hindi ko pagsagot, nasabi ko na kanina pa at ayaw ko ng ulitin pa ang dahilan ko. Nagulat kami sa pagpasok ng customer namin, nagpasalamat na lang din ako atleast nawala na sa akin ang pokus ni Mary, nilapitan niya na si Jen para turuaan pa sa pag-aassist ng customer.

Sa Aking Mga KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon