Kabanata 18: Layas
Halos manginig ang buo kong katawan habang ginigiya kami ni Manang sa aking kwarto, nakasunod si Tanya at si Madam dito habang ako ay nasa likuran nila. Blanko na ang nararamdaman ko, blanko na din ang utak ko at ang ekspresiyon ko. Nang hindi na ako makasagot sa parating ni Ms. Tanya sa akin ay tinawag na ni Madam si Manang Thelma para dalhin kami sa kwarto ko. Naguguluhan man si Manang ay mabilis na itong naglakad papuntang maid servants.
"Manang halughugin niyo po lahat ng gamit niya, sigurado ako na nandito iyon." salita ni Tanya habang masusing nagmamando kay Manang Thelma.
Kita ko ang magulong tingin ni Manang dito na para bang hindi din siya makapaniwala sa nangyayari. Habang si Madam ay nakatayo at nakamasid lamang sa amin. Parang gusto ko nang maiyak, naisip ko na lamang si Sir Markus. Wala akong mahihingan ng tulong sa ngayon, malayo ito sa akin at walang magtatanggol laban kay Ms. Tanya. Iyong puso ko ay lalabas na ata sa aking dibdib sa sobrang kaba ko, maduduwal pa ata ako sa takot.
"Madam?" salita ni Manang sabay angat ng isang kwentas galing sa aking drawer. Doon ko iyon inilagay, ni hindi ko nga iyon isinuot dahil sabi niyo sekreto na lamang namin muna hanggang sa makahanap ng tiyempo si Sir Markus para makapagtapat kay Madam.
Kita ko ang pagkabigo sa mga mata ni Manang at ni Madam ng tiningnan nila ako. Naluha na lamang ako, habang napatingin na sa gawi ni Ms. Tanya na ngayon ay kita ko na ang pagngisi nito na para bang nagwagi din siya sa wakas.
"See Tita, I'm correct!" salita nito sabay kuha ng isa pang kwentas galing sa kaniyang bulsa at mabilis na tiningnan ang pagkakapareho nito.
"Hindi ko po ninikaw ang kwentas Madam." Salita ko sa garalgal na boses.
"Oh my gosh, you're such a liar bitch! Mabuting tao ang kumupkop sa iyo at ito ang igaganti mo!" sigaw na turan ni Ms. Tanya sa akin.
Halos umagos na ng malakas ang aking luha, nanginginig na din ang mga kamay na pilit na tinitingnan si Madam sa kaniyang mga mata. Ngunit paghihina at pagkabigo lamang ang nakikita ko dito. Kita ko ang pag-iling nito na para bang nagkami siyang pagkatiwalaan ako.
"Baka naman pati sila pinagnakawan mo na din." Salita pa ni Ms. Tanya sa akin na nagpailing na sa akin.
Ngayon ko naramdaman iyong sobrang pagkabalisa, parang bumulusok ang sakit sa aking puso. Na halos naisip ko na masaya pa ako nitong nakaraang araw at sa isang iglap ay magiging kahindik-hindik ang susunod na mangyayari sa akin. Nang umiling sa akin si Madam ay doon ko naramdaman na talo na nga ako dito at alam kung mas pagkakatiwalaan niya ang katulad ni Ms. Tanya dahil malinaw na ito ang kauri niya. Bilang katulong ay wala akong karapatang marinig nila at bilang katulong ay mabilis akong mahuhusgahan sa pamamagitan ng salita ng mas angat sa akin. Pero sa ngayon ay gusto kung sumigaw, gusto kong ipaglaban ang katutuhanan, ang tanong ko na lamang kung maniniwala ba sila sa akin? Paano kung hindi, saan ako ngayon pupulutin?
"Madam alam kung hindi magagawa iyan ni Virginia." Pagtatanggol ni Manang sa akin. Nilapitan na ako nito sabay hagod na sa aking likod.
Taas baba na ang aking dibdib dahil sa aking paghinga at pag-iyak. Sobrang hirap na ako sa paghinga kaya ganoon ko na lamang habulin ang aking sariling hangin. Dahil sa narinig kay Manang ay biglang lumakas ang loob ko, kailangang kung magsalita hindi ako kailangang magpasindak sa isang sinungaling na babaeng ito.
"Paanong hindi magagawa, nakita niyo at ikaw mismo ang nakakuha ng kwentas sa drawer niya." nangangalaiting salita na ni Ms. Tanya ngayon.
"Virginia I'm asking you did you steal the necklace?" mahinahong tanong ni Madam ngayon at sa akin ito nakatingin.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mga Kamay
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute copy or publish in...