Kabanata 28: Paghihiganti
Dalawang araw lang ako sa ospital, hindi na ako pumayag na isang linggo pa ako manatili doon. Maayos naman na ang lagay ko, nakapagpahinga naman na ako. Naintindihan naman ako ni Ma'am Beth kaya hinayaan na nila ako sa gusto kung mangyare. Pumayag din ako sa alok nitong pagkupkop sa akin. Ngunit ang pagkupkop ni Ma'am Beth sa akin ay kapalit ng pagtatrabaho ko sa grocery store nito. Inalok din akong pag-aralin na din ngunit tumanggi ako, gusto kung magtrabaho muna dito ng isang taon. Ang pagtira sa pamilya nila Ma'am Beth ay tinanggihan ko din, para sa akin mahirap na kung sa kanila ako manirahan kaya tama na iyong sa grocery store lang ako nito tumira. Mayroong kwarto naman doon na pwedeng tulugan. Sinabi ko din kay Ma'am Beth na hindi ako aasa sa tulong nila dahil gusto kung pagtrabahuhan ang lahat. Gusto kung mag-ipon muna bago magpursige sa aking pag-aaral.
Tango at pagpayag ang ginawa sa akin ni Ma'am Beth, sinabi pa nito na naiintindihan ako nito. Sa pinagdaanan ko sa buhay at malamang na malaki na ang takot ko para magtiwala na lang ng kusa. Nagbigay pa din ng tulong sa akin si Ma'am Beth wala na itong hiningi pang kondisyon sa akin, para sa akin ang pagbibigay ng trabaho nito at matutuluyan ay sobra sobra ng tulong para sa akin.
Masasabi kung totoo nga ang hinala ni Ma'am Beth sa akin, ayokong ipagtiwala ulit ang buhay ko sa iba. Kung gusto kung mabuhay sa mundong ito ay kailangang pagtrabahuhan ko ito. Ang pagkupkop nito sa akin ay limitado lamang, alam kung tinuring na din ako nitong anak noon pa man ngunit ayaw ko namang abusuhin ang kabaitan ni Ma'am Beth sa akin. Pagtatrabahuhan ko ang pagtigil ko sa kanilang poder. Ngunit hinding hindi ko babalaking manirahan sa pamamahay nila, para sa akin ay kaya ko ng mag-isa doon sa grocery store nito. Kung may kailangan naman sa akin si Ma'am Beth ay pwede niya akong tawagan at kahit anong oras ay pupuntahan ko ito. Natruma na ako sa pagtira sa ibang bahay mas maigi na itong mag-isa at alam ko sa sarili ko na wala akong pagsisihan sa bandang huli, alam kung mabait si Ma'am Beth ngunit hindi ko din maipagkakatiwala pa sa pamilya nito ang buong tiwala ko.
Isang buwan na ang nakalipas naging magaan na nga ang lahat sa akin. Pakiramdam ko mas umayos na ang pakiramdam ko, ang mga sugat na natamo ko ay naghilom na ng tuluyan. Mas naging payapa na ang aking kalooban ngunit may mga gabing binabangungot parin ako sa aking napagdaanan sa Maynila. Pero ngayon ako ay lumalaban, gusto kung itama ang lahat ng pagkakamali ko.
Araw ng linggo kung saan ay nagpaalam ako kay Ma'am Beth upang mangalap ng impormasyon tungkol sa kaso ni Inay. Maaga akong pumunta ng presinto upang magtanong, kabado ako habang papalapit sa may lamesa kung saan may nakaupong pulis.
"Magandang araw po magtatanong lang po sana ako tungkol sa kaso ni Vangie De Torres." Salita ko dito ng makalapit.
Masusi ang naging tingin nito sa akin sabay turo ng upuan sa akin. Magalang akong tumango at nagpasalamat bago naupo.
"Ano ang pangalan nila Miss? Kaano-ano mo si Vangie De Torres?" simulang tanong nito sa akin.
"Ako po si Virginia De Torres, siya po ay nanay ko." simpleng sagot ko dito. Halos maramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Ang pagbanggit sa pangalan nito ay tinik na sa akin ngunit ang amining nanay ko ito ay sobrang bigat lang sa aking dibdib. Isa akong anak na makasalanan iniwan ang aking ina sa pansariling kasakiman. Namatay ito na wala akong kaalam alam sa madaling salita ay pinabayaan ko ito.
"Hindi pa din nahahanap ang suspek na si Gilberto Umandal alyas Godo, ngunit wanted na ito at nakakalat na din ang litrato at impormasyon nito sa karatig bayan."
"Pwede po ba akong mabigyan ng impormasyon pag nahanap na po ang suspek?" tanong ko at ramdam ko ngayona ng pagkulo ng aking dugo.
Gusto kung maghiganti sa lalaking pumaslang kay Inay, gusto kung makita ito na nagdurusa. Kailangang kamatayan din ang magiging kahahantungan nito pag nahuli. Halos maluha ako sa nakitang larawan na kuha kay Inay pagkatapos ng karumaldumal na krimen. Hinding hindi ko mapapatawad ang gumawa nito kay Inay. Nakahandusay si Inay sa may sala at duguan, ang bahay ay parang binagyo din ang hitsura na kakikitaan ng dugo sa paligod nito. Naluha na akong tuluyan ng maiisip ko kung ano ang pinagdaan ni Inay sa kamay ni Godo sa oras na iyon. Kita mo sa lugar na nanglaban pa si Inay at sa may sala na nga binawiin ng buhay.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Mga Kamay
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, place events and incedents are author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental. Do not distribute copy or publish in...