Kabanata 13

25 1 0
                                    

Kabanata 13: Mahal

Halos tulala ako ngayon sa aking kwarto, at hatinggabi na ay hindi pa din ako dalawin ng antok. Magdamag ko na atang inisip iyong halik na iginawad sa akin ni Sir Markus. Kahit hindi namin ito napag-usapan na kanina ay pakiramdam ko sobra akong natamaan doon at alam kung hindi ko iyon makakalimutan.

Wala kaming sinabi kay Manang Thelma, naging tikom din ang bibig ko kahit magtanong pa ito sa akin. Naglinis ako sa taas ng iyon pa din ang aking iniisip. Sir Markus left the mansion after our talk at the kitchen. Pinauwi niya nga ang kaniyang mga bisita, ni wala na akong narinig kung anong nangyari pa, basta inuutos na lamang kay Manang na mag-ayos na kami sa taas.

Nakakunot ang noo ni Manang sa akin noon habang naglilinis kami. Kasi naabutan niya kami sa kusina na seryosong nag-uusap at kahit tanungin niya ako kung anong nangyari ay wala akong sinabi. Nahihiya akong sabihin dito ang gulong nangyari kanina. Lalo na ng magpaalam na si Sir Markus na aalis ay hindi na ako tinantanan ni Manang pero wala pa din talaga akong sinabi. Sinabi ko lang na kumuha lang ako ng tubig sa kusina at ayun na nakita ko si Sir Markus at nag-utos na lamang na linisin na ang taas at tapos na ang swimming party nila.

Totoo naman iyon pero iyong pinakamahalagang nangyari ay hindi ko na sinabi pa. Pinikit ko na ng madiin ang aking mga mata at nagdasal na lamang na sana ay dalawin na ng antok. Mabuti na lamang at linggo bukas, day-off iyon at may mas mahabang araw ako para magpahinga.

Sumama ako kay Manang para magsimba. Suot ko iyong bestidang bigay nito sa akin. Halos hanggang hita ko ang haba nito, kulay asul at may sandal din akong na nabili ko noong isang araw.

Nag tawag kami ng trysikel para sunduin kami sa loob ng subdivision. Ganoon nga ang ginagawa ni Manang at pagnasa bungad na kami ng subdivision ay doon naman kami mag-aabang ng jeep papunta ng simbahan. Ganito ang ginagawa ko pag namamalengke, pakiramdam ko ay nasasaulo ko na talaga ang mga lugar dito. Hindi na ako maliligaw pa lalo na ngayon ibang lugar naman ang pupuntahan namin.

Natapos nga ang misa, halos lumuwa ang aking mga mata sa laki ng simbahan dito. Ang dami ding taong nagsisimba at masasabi kung talagang napakaganda ng simbahan dito. Iyong mga angel na nakaukit sa mataas at malapad na kisame na gawa sa salamin ay kamangha mangha talaga. Nagpasalamat pa ako kay Manang dahil sa pagpayag nitong sumama ako. Nginitian lamang ako nito at nagyaya ng mananghalian. Sa isang fastfood chain kami kumain, ang dami ding makakainan dito at nagsisigandahan ang bawat establesimento. Kung sa probinsya naman ay maliit na turo turo lang ang makikita mo dito naman ay pawang nagsisilakihan at may mga air-conditioner pa ang kainan nila.

Hapon na kami nakauwi ni Manang Thelma, pasamalat din ako at hindi na ito nagyaya kung saan pa dahil nakaramdam na talaga ako ng antok. Kaya ng makauwi ay nagpahinga na ako at nakatulog na nga dahil sa puyat ko kagabi.

Buong linggong hindi umuwi si Sir Markus ng mansyon, halos pinagwalang bahala ko na din ang nangyaring gulo noong isang linggo. Pero natatakot pa din ako dahil iniisip ko na baka magkagalit na silang magkaibigan dahil sa akin at ayaw kung mangyari iyon. Alam kung mali ang ginawa sa akin ni Sir Chris at nagpapasalamat ako sa pagsagip ni Sir Markus sa akin. Pero bilang katulong naiisip ko na dapat mas naging maiingat ako sa aking sarili, dapat maging alisto ako sa mga bagay na ganoon. Napabuntong hininga na lamang ako at inialis na sa aking isipan ang mga bagay na nagpapagulo sa akin.

Kaya mas minabuti ko na lamang ang aking trabaho, kailangang maganda ang record ko para makapag-aral ako at mabigyan ng ganoong oportunidad. Hindi ko dapat biguin si Madam. Kahit sa pagbalik man lang ni Madam ay may magandang balita ito sa trabaho ko para mangyari nga ang pangarap ko dito. Kung mabigyan ako nito ng scholarship ay sisiguraduhin kung pagbubutihin ko ang aking pag-aaral at ang pagtatrabaho sa kanila.

Sa Aking Mga KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon