Kabanata 19

30 1 0
                                    

Kabanata 19: Kaibigan

Hindi pa rin matigil ang pag-iyak ko, kahit nasa labas na ako ng bakuran ng mga Llameda. Hawak ang kamay ni Manang na naiiyak din sa harap ko. Kita ko ang sobrang awa nito sa akin pero wala din namang magawa.

"Pasensiya ka na, hindi rin kita matutulungan. Sa tingin ko mas nagalit pa si Madam sa mga nakitang gamit mo na bigay ni Sir Markus. Naniniwala akong wala kang ninakaw kay Ms. Tanya pero wala ba talagang namamagitan sa inyo ni Sir Markus?" nagdudang tanong ni Manang sa akin.

Mabilis akong umiling dito, dahil wala pa namang namamagitan sa amin. Iyon ang isinisigaw ng utak ko pero alam ko sa aking sarili na mayroon kahit wala pa kaming napag-usapan dito. Kailangang antayin ko ang pagbabalik nito bago ko makompirma ang lahat. Pero paano pa? Mukhang hindi na din naman kami magkikita. Naawa na din ako sa aking sarili, pakiramdam ko ay sobrang hirap na parang bang napagkaisahan ako ng ganito.

Kita ko ang pagbuntong hininga ni Manang na para bang naiintindihan nito ang pananahimik ko. Pero kito ko din sa sakit sa mata nito ng tingnan muli ako.

"Sana naintindihan mo ang sinabi ni Ms. Tanya, iyong kwentas ay para sa kanila ni Sir Markus. Para iyon sa mag-pares o magkapareha at ang ibig sabihin noon ay may relasyon sila." mas lalong bumuhos ang mga luha ko dahil sa sinabi ni Manang sa akin.

Napayuko na ako sa sobrang kahihiyan. Tama nga si Manang, wala akong kayang sabihin dito dahil wala naman akong pinanghahawakan kay Sir Markus. Wala itong malinaw na sinabi kung may relasyon man kami. Lahat ng nangyari sa pagitan namin ay pawang walang kasiguragduhan kung ano ako dito. Pakiramdam ko ay napaka laking tanga ko, na umasa ako sa mga matatamis na kilos ni Sir Markus sa akin. Pero paano iyong halik, kasinungalingan din ba iyon?

Mas lalo pa akong nainis sa aking sarili ng maisip ko na palabas lamang ni Ms. Tanya ang lahat, iyong kinaibigan ako at pinaniwala na wala sila ni Sir Markus para mapaamin niyang gusto ko nga ito. Ngayon ang sinasabi niyang tiyempo ay mukhang sa akin pa ata, naghahanap siyang tiyempo para mapalayas ako sa pamamahay ng pamilya Llameda.

Gusto kung kastuguhin ang aking sarili, bakit nagpauto ako ng sobra sa kanila. Marahang haplos ang naramdaman ko sa aking likod, pilit akong pinapatahan ni Manang. Mabilis ko ng kinuha ang bag ko dito at nagpaalam na. Suko na ako, wala na akong mukhang maihaharap pa sa aking sarili kung magtatagal pa ako dito. Pinatunayan lang ngayon ng mga pangyayare sa akin na hindi dapat ako umaasam na mahalin ng isang tao na higit pa ang narating na estado sa aking buhay. Dapat kung ikahiya ang aking sarili, tama lamang na palayasin ako ni Madam dito sa pamamahay nila dahil sinira ko nga ang tiwala nito. Napamahal ako sa anak nila sa maiksing panahon lamang at hindi iyon katanggap tanggap.

"Saan na ang punta mo niyan ngayon?" awang-awang tanong ni Manang Thelma sa akin.

"Uuwi na lang po ako sa probinsiya namin, alam ko naman na po ang sakayan ng bus kaya't didiretso na po ako doon." sagot ko sa mahinang boses habang pinupunasan ang aking luha.

Nang mahimasmasan ay nagpaalam na ako dito, gusto mang tumulong ni Manang sa akin ay wala din naman itong pamilya dito kaya wala din siyang maituturong pwedeng kumupkop sa akin pansamantala. Iyong scholarship ko ay sobra ko ding pinanghinayangan, inisip ko din na sayang iyong ginugol ko doon makapasok lamang. Ngayon lahat ng pag-asa at pangarap ko sa aking buhay ay naglaho na ng parang bula, ni hindi ko man lang napaghandaan.

Gusto ko mang sisihin ang Diyos sa kinasasadlakan ko ngayon, pero naiiyak na lamang ako dahil alam kung kasalanan ko itong lahat. Pakiramdam ko ay hindi ko din naman pinagsisihang mahalin ng ganoon si Sir Markus ang mali ko lamang ay masyado akong nagtiwala kay Ms. Tanya na umabot sa puntong ito para lamang mapalayas ako sa poder ng mga Llameda. Malaki pala talaga ang naging kapalit sa kaonting kasiyahan na naramdaman ko sa piling ni Sir Markus. Ngayon hindi ko na siya makikita pa, wala na iyong scholarship na pinangarap ko sana at lalong wala na din iyong pag-asa kong matulungan ang aking sarili kahit ako lang mag-isa.

Sa Aking Mga KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon