Kabanata 4

41 1 0
                                    


Kabanata 4: Kasinungalingan

Pakalabas ko ay nag-aalmusal na silang dalawa, sweet na sweet dito si inay. May pagsubo pa kay Godo, naglakad ako at dumiretso na ng banyo. Hindi maatim ng aking sikmura na daluhan silang dalawa sa mesa upang kumain. 

"Oh may pasok ka pa diba, aba bilisan mo ng kumilos diyan. Kung hindi pa kita tinawag diyan baka di ka pa nagising". Turan sa akin ni Inay pero ang buong atensiyon ay na kay Godo.

Hindi na ako sumagot pagkapasok sa banyo ay naligo na ako, dala ko na din ang damit na pamalit at sa loob. Habang nagbibihis ay narinig kong sumigaw si inay na ako na daw ang mahugas ng kinainan nila. Mayamaya ay sumigaw ulit si inay na bilisan ko at paggamit daw ng CR. Kahit gusto kong umapila ay hindi na ako umimik. Nang makabihis ay pinulupot ko ang tuwalya sa aking ulo para mabilis matuyo ang aking buhok, lumabas na ako sa banyo at nagulat ako na nasa may pintuan si Godo mabilis na hinanap ng aking mata si inay, nasa may sala ito at nanunood.

"Bango mo ah, pagamit lang ng CR" mahinang boses na turan nito sa akin, nakangisi ito at may pagkindat pa at humakbang pa ito papalapit sa akin at suminghot sa tapat ko. Mabilis ko siyang nilampasan, tumayo ang balahibo ko sa ginawa nito, dumiretso ako sa aking kwarto na kabado. Natatakot ako para sa aking sarili dahil dito naging mabilis ang aking pagkilos. Nang maihanda ko na ang gamit ko at lumabas na ako para maghugas muna, wala na din akong ganang kumain idadahilan ko na lamang kay Inay na matraffic at baka malate pa ako sa pagpasok.

Maya maya ay ramdam ko ang presensiya ni Godo pagkalabas ng banyo, nakakalokong ngiti ang iginawad nito sa akin habang nakapulupot lang ang tuwalya sa kaniyang baywang. Kita ko din ang mabilis na paglapit dito ni Inay habang dala ang damit na pamalit nito. Napailing na lamang ako at inubos nalang ang aking atensiyon sa hugasin.

Habang patapos na ako sa ginagawa ay nagpaalam ako kay Inay na papasok na, hindi naman na ako pinigilan nito. Pagkapunas sa aking kamay at lumakad na ako para makalabas na, napatingin ako sa gawi nila Godo at Inay, nakaupo si Inay habang si Godo ay nakahiga sa may binti ni nito.

Mabilis ang aking hakbang palabas ng bahay hanggang sa may iskinita sa amin, kung pwedeng tumakbo ay ginawa ko na. Sobra akong dissappointed kay Inay hindi ko alam kung anong pinakain dito ni Godo para maging ganoon iyon.

"Aba Tisay bilis naman talaga ng inay mo ah, nang naidispatsa ang kambal ay si Godo naman ang sinunggaban. " salita ni Aling Saling sa akin ng makalapit ako sa tindahan niya.

Yumuko na lamang ako sa kanila. Rinig ko ang tawanan ng ibang nandoon pero lumakad na lamang ako ng mabilis at hindi na nag aksayang lingunin pa sila.

Maaga akong nakarating sa palengke nagtungo ako agad sa grocery store na pinagtatrabahuhan ko. Pagkabukas ko ng store ay saka naman ang dating ng dalawang magkapatid. Maya maya ay dumating si Ma'am Beth napadaan lang siya at kakausapin din daw siya ni Mary.

Nagusap ng masinsinan si Mary at ang boss namin, mataman kong tiningnan ang kapatid niya na si Jess at tinanong kung ano ang problema. Napag-alaman kong nagpapaalam na ito sa trabaho at sa Manila na ito mamamasukan.

"Mary kailan pa yang plano mong pagalis?" tanong ko kay Mary ng nagliligpit na kami sa store.

"Si inay kasi nagkasakit nong isang araw ayon lumapit kami kay aling Azon biglaan eh, ayon ang kapalit ang pagtatrabaho ko sa Manila na isang kasambahay." Paliwanag sa akin ni Mary.

"Diba madaming nagrereklamo na diyan kay Aling Azon, delikado daw magparecruit sa kanya" nag-aalala kong salita kay Mary, na mataman lang na nakikinig sa amin ang kapatid niya.

"Sinabi ko na yan kay ate, dapat kasi nilapitan namin si Ma'am Beth nalang" umiiling na salita ni Jess.

Wala ng nagawa pa si Mary isang linggo na lang bago siya umalis, nalulungkot ako sa pagalis niya at tinuring ko na din siyang kaibigan ko.

Sa Aking Mga KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon