Kabanata 21

22 1 1
                                    

Kabanata 21: Akin

"Gagong mga Llameda tinanggal ako sa trabaho!" sigaw nito na nagpakaba sa akin at lalo pa akong natakot dahil sa pagtayo nito at tingin na sa aking kinaroroonan.

"Nang malamang nandito ka sa poder ko ay tinanggal ako sa trabaho." Galit at madiing salita nito at ngayon ay tuluyan na ngang nakalapit ito sa akin.

Napatayo ako at napaatras na lamang, gusto kung magsalita ngunit pawang natuyo na lamang ang aking lalamunan at wala ng mailabas na salita galing dito. Napapailing na lamang ako sa aking sarili dahil sa nalaman. May karapatang magalit si Mang Jess dahil sa kaniyang sinapit at naiintindihan kung isisi nito ito sa akin. Pero ngayon mas dumoble na ang nararamdamang takot ko dahil sa inaasta nito ngayon, nakakatakot ang tinging pinupukol nito sa akin.

"Pasensiya na Mang Jess, dahil po sa akin ay nawalan po kayo ng trabaho." salita ko sa nanginginig na boses. "Aalis na lamang po ako para hindi na po maging pabigat pa sa inyo." Dagdag ko pa dito. Ngayon ay sobra ng takot ang nararamdaman ko at nananalanging hayaan na lamang akong umalis nito.

Pero nagulat na lamang ako ng marahas nitong hablutin ang aking braso. Kita ko ang panglilisik ng mata nito na kadirekta sa akin. Nanlaki na ang aking mga mata sa biglaang ginawa nito. Iyong puso ko ay bumilis ang tibok dahil sa pagkagulat halos hindi ko na malaman kung ano ang aking gagawin.

"Mang Jess huwag po." Salita ko na lamang dito at ramdam na din ang pangingilid ng aking luha at alam kung ilang segunda na lang ay maiiyak na ako dito. Hindi ako komportable sa ginawa nitong paghawak sa akin kaya't iyon na lamang ang naging sambit ko dito at sana ay maintindihan niyang natatakot na ako sa asal nito. 

Mahigpit akong hawak nito sa magkabilang braso at malakas na binalibag sa upuan, napaupo ako at takot na takot na nakatingin dito. Mabilis na akong napaluha, iyong luha ko ay wala ng humpay sa pagdaloy sa aking pisngi. Ngayon ang iniisip ko ay paano pa makakatakas lalo na makitang ganito si Mang Jess ay nanlalambot na lamang ako sa takot.

Dahan dahang lumapit ito lalo sa akin, onti onti akong napapaatras na lamang sa aking kinauupuan, hindi malaman kung pano ko pa maipagtatanggol ang aking sarili. Parang isang ibon na nahuli at naikulong sa maliit nitong hawla.

"Mang Jess parang awa niyo na po huwag niyo po akong saktan, hayaan niyo na lamang po akong umalis." Sambit ko habang nakatingin sa mga mata nito na nanlalabo na ngayon dahil sa aking pag-iyak.

Kita ko ang pag-iling nito at humalakhak na din, mabilis itong humawak sa aking leeg at napatingala na akong tuluyan. Abot-abot na ang aking paghinga ni walang lakas na para bang nag-aantay na lamang sa susunod pa nitong gagawin sa akin. Napaubo na lamang ako sabay hawak sa kamay nitong pilit akong sinasakal. Dalawang kamay na nito ang sumasakal sa aking leeg at pakiramdam ko ay ito na ang aking katapusan. Napapikit ako ng madiin at isang malakas na pagsipa dito ang aking ginawa.

Nabuwal ito at napaupo sa sahig, mabilis kung pinahid ang luhang pumapatak at tumayo na sabay hablot ng bag na naihanda ko kanina. Nang tatakbo na ako ay mabilis akong nadapa dahil biglang hinigit ni Mang Jess ang aking paa, tumalsik pa ang tsinelas na suot at napahiyaw na lamang ako. Ang hawak na bag ay naibalibag ko na din, ang puso ko ay sasabog na ata sa sobrang takot na kahit paghinga ko ay apektado na.

Pumaimbabaw na sa aking likuran si Mang Jess, gumapang ito sa akin. Iyong hiyaw ko ay napalitan na ng paghingi ng saklolo. Ramdam ko ang lakas nitong nasa ibabaw ko, hawak na ang dalawang kamay ko na pilit na inilalagay sa aking likuran habang sinabunutan naman ako nito at iniangat na ang aking ulo.

"Mang Jess bakit niyo po ito ginagawa sa akin?" pag-iyak ko na dito. Pakiramdam ko ay wala na akong lakas pa para magpumiglas.

"Patatawarin kita kung hindi ka na aalis dito, kakalimutan mo na ang mga Llameda at sasamahan na lamang akong manirahan dito. Maghahanap ako ng bagong trabaho at bubuhayin kita. Ano payag ka ba Virginia?" salita nitong pabulong sa aking tainga.

Sa Aking Mga KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon