Part 3-Mga Hugot sa Math at Science Subject

307 8 0
                                    


Grade 1-5 sa Bagong Buhay G. Elementary School sa Bulacan at nagtapos ng Grade 6 bilang Salutatorian sa Laboy Elementary School ng Sorsogon. Isang araw matapos ang seremonya ng pagtatapos ay agad na naglakbay sa destrikto ng Banga sa probinsya ng Aklan upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Petronilo C. Ibadlit. Literal na mataas ito dahol kinakailangan mo pang umakyat ng mataas na bundok araw-araw upang marating lang ang nasambit na paaralan bukod pa ang dalawampung kilometrong kailangan mong lakarin kung saan ilang sapa, palayan at kabundukan pa ang kailangang daanan. Maswerte ang mga kabataang nabibiyayaan ng pagkakataong makasakay sa tricycle, dyip o school bus na hindi na kailangan pang sagupain ang init o ulan makapag-aral lang.

Dito ko napansin mas lumala ang aking Kalokohan Syndrome.

Ilang araw matapos magumpisa ang regular naklase, nasa loob kami ng laboratory room. Nakakulong. Bukod sa mga lumang posters na ginamit sa jamborette ng mga boyscout, mga dustpan, walis tambo't walis tingting, mga kalahating bunot na gamit sa pagpapakintab sa sahig ay nakapaligid sa amin ang mga instrumentong gamit sa mga scientific exercises. Excited ako dahil akala ko noon ay maghahalo ako ng mga kemikal tapos maiimbento ko ang formula upang lumikha ng sarili kong Power Puff Girls. Ngunit malayo ito sa naganap.

May isang maillit na lalagyan na may lamang tubig at pinapakulo gamit ang apoy... alangan namang yelo ang gamitin. Dahil sa init ay nag-evaporate ang tubig na tulad ng katabi kong inosente ay inakala kong kaluluwa din ng mga mikrobyong namatay dahil sa sobrang init. Seryoso ako hindi dahil interesado ako kundi dahil ayaw kong malaman ng mga taong nakapaligid sa akin na hindi ako interesado. Biglang nagsalita ang aming guro na si mam Randoy.

Guro: molecules of hot water are moving faster and are slightly further apart. The molecules of cold water are moving slower and are a little closer together.

Ako: Sana ang relasyon ay parang molecules sa tubig. The more it gets colder, the more they get closer.

Guro: (walang narinig )

Klase: (walang narinig )

Tubig: (walang narinig )

Apoy: (walang narinig )

Bunot: (walang narinig )

Walis: (walang narinig )

Pasado alas-onse na, malapit nang mag-tanghalian. Gutom na ako. Gutom na ang bituka ko. Gutom na ang bulate ko. Wala nang lasa ang V Fresh na simula alas-otso ko pa nginunguya. Ubos na rin ang tubig ko sa katawan dahil halos isang balde na ng pawis ang lumabas sa akin. Sobrang init. Nasira ang bentilador. Sumuko na. Hindi na rin siguro kinaya ang pagpapaikot sa kanya tulad ng pagpapaikot ng isang manlolokong lalaki sa isang tangang babae. Camel na lang at cactus ang kulang ay desyerto na ang aming silid-aralan.

Dahil siguro sa gutom at init ay naging mapungay na ang aking mata. Hindi ko rin naman maintindihan ang leksyon sa Algebra na puro equation at laging "find the X" na nakasulat sa pisara. Ilang libong taon nang nag-aaral ang mga Pilipino at marami nang estudyante ang nagtangkang hanapin ang X na yan na hindi ko alam kung bakit laging nawawala. Hindi ko alam kung naglayas, na-kidnap o naglakwatsa lang. Pero kung sino man ang X na yan ay humanda sya sakin kapag nahanap ko sya. Ipapabugbog ko sya sa mga lasengong walang ibang ginagawa buong araw kungdi lumaklak sa mga eskinita at ipakita sa lahat ang tiyan nilang animo'y may lamang anim na buwan nang sanggol sa sobrang laki.

Nasa kasarapan na ako ng pagtingin at pagbilang ng mga chikabengbeng na dumadaan sa bintana ng aming kwarto. May maputi, may singkit ang mata, may matangos ang ilong, may sexy, may... ay, lalaki pala yung isa. Eeeew. Haha.

Hindi ko namalayang sampung libong beses na pala tinatawag ni mam De Joseph ang ang aking pangalan upang kunin ang aking intensyon.

Guro: Bakit tingin ka lang ng tingin sa mga babae dyan sa bintana?

Ako: Ang laswa naman po mam kung lalaki ang titingnan ko.

Guro: Sabagay.

Ako: ...

Guro: Pumunta ka sa pisara at hanapin mo ang value ng X.

Ako: Mam! Kaya hindi tayo maka-move on sa sakit dahil patuloy parin nating hinananap ang value ng X na yan na wala namang ibang ginawa kundi ang lokohin tayo.

Guro: Ampalaya! Pumunta ka sa pisara at mag-compute ka na.

Ako: Kapag nag-compute po ba ako ay computer na ako?

Guro: ...

Ako: ...

Klase: ...

Pisara: ...

Chalk: ...

X: ...

Pero ang totoo, hindi talaga ako tinawag ni mam De Joseph. Tumingin lang talaga ako sa mga chikabengbeng na dumadaan sa bintana tapos nakatulog na. Nagising lang ako nang marinig ang tunog ng mga hinilang bakal na upuan dahil uwian na.

Libro ng Kalokohang AralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon