WALANG FOREVER!!!
Inaamin kong isa ako sa mga minsan sumigaw nito nung mga panahong mas bitter pa ako sa ampalaya. Teka, bakit nga pala bitter ang ampalaya? Marahil ay dahil sa lahat ng mga sikat na gulay ay tila sinadya na hindi sya isama sa awiting Bahay Kubo. Pero kung ano man ang rason ay hindi na mahalaga dahil ang tanimging alam ko ay mas bitter pa ako sa ampalaya nang sinigaw ko ang "Walang Forever" sa grand stand ng aming paaralan.
Lahat ng naging relasyon ko ay na #EpicFail na para bang planado na ng kung sino man. Nandyan yung Nahuli kong nagpapalitan ng matatamis sa text messages ang special someone ko at ang bestfriend ko. Well, tatlo lang naman ang girlfriend ko na inagaw ng bestfriend ko. Kaya naniniwala akong ang mga ahas ay hindi lang sa kagubatan matatagpuan, madalas ang pinagkakatiwalaan mong kaibigan pala. Kaya kapag ahas eh hayop agad? Di ba pwedeng bestfriend mo muna? Bes! Don't me! Haha.
Naaalala ko rin yung time na akala ko na masaya kami ng karelasyon ko tapos bigla na lang nagtext na "Honey! Nakikipag-break na ako. I need space." Anong trip yun? Astronaut ba sya? Yung isa naman sabi ay "Sorry, kailangan na nating maghiwalay. Kailangan kong mag-focus sa pag-aaral." So istorbo pala ako. Haha. Nag-reply nalang ako na "Sige. Siguraduhin mo lang na Magna Cumlaude ka pagka-graduate mo ha." After few years, hindi pa man nakakatapos ng dalawang taon sa kolehiyo ay biglang bumukol ang tiyan. Ang langya, gusto pa akong gawing ninong. Yung isa ko namang naka-relasyon ay sinabihan akong nakipaghiwalay sya dahil kailangan daw nya munang hanapin ang kanyang sarili. Madalas ko ring naririnig yun sa mga telenobela at nababasa sa mga romance pocketbook kaya hindi na malaking isyu sakin. Kaya lang ay napaisip ako kung bakit nya kailangang hanapin ang sarili nya. Naliligaw ba sya? Maaari namang nyang baliktarin ang damit nya tulad ng payo ng mga taga-probinsyang naniniwala sa mga tikbalang. Pwede rin naman syang bumili ng tig-P100 na compass o tig-P50 na mapa sa tindahan ng school supplies at tsaka may google map na kaya. Handa naman akong samahan sya upang hanapin ang sarili nya. Nakakainis lang. Kung ayaw na at kung hindi na mahal ang isang tao dapat ay prangkahin na para hindi na magmukhang tanga. Hindi yung dami pang palusot eh copy-pasted lang naman sa mga palabas sa pelikula ang dini-deliver na script.
Yung isa ko namang naging karelasyon eh gumawa pa ng kwento kesyo nakita nya raw ako na naka-motor at may kaangkas na magandang babae. Halo-halo! Paano akong magda-drive eh wala naman akong lisensya at mas lalong wala akong motor. Kung mayroon man ay hindi naman ako marunong mag-drive kaya parang Safeguard na 99.9% sure ako na isa syang story teller. Napatunayan kong may talento sya. Scientist sya. Magaling syang mag-imbento... mag-imbento ng kwento.
Yung isa naman nabuntis ko raw. Handa naman sana akong panagutan kaya lang nakita ko syang may kalampungan. Then I suddenly realized, muntik na akong mabiktima ng Budol-Budol Gang.
May isang babae na inakala kong The One ko na kaya lang nagkalayo kami. Pumunta sya sa malayong lugar. Wala kaming komunikasyon kahit text o tawag o kahit sa facebook man lang. A couple of years later, nalaman kong may anak na sya. Saklap.
Mas gugustuhin ko pang masaktan ng dahil sa katotohanan kesa naman gumaan ang pakiramdam nang dahil sa dialog nyo na puro kasinungalingan. Ako ang ibedensya na hindi lahat ng lalaki ay manloloko, yung ibang tulad ko madalas na naloloko. Hindi ko alam kung dahil ba sa mukha kong mas magaspang pa kesa sa mga lubaklubak na kalsadang proyekto ng mga politiko o talagang tadhana ko nang maloko. Buti pa si Prince Charming, may Cinderella at Snow White na tapos may Sleeping Beauty pa. Puro chikabengbeng na prinsesa! Samantala ako, ito, mukhang tanga. Naisip ko ngang kaya siguro hindi mapuksa ang facial descrimination dahil bata pa lamang tayo ay ipinapakita na sa atin na dapat ang mahalin ng mga babae ay ang makisig, mayaman at gwapong prinsipe na tulad ni Prince Charming na manloloko naman dahil pinagsasabay ang mga tangang prinsesa. Ang masaklap pa, inakala nilang may "Happily ever after" ang kanilang "Once upon a time".
nt-weight:fD}�S{<
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...