Nasa loob na kami at napili naming upuan ay ang pwestong malapit sa bintanang salamin. Dito'y namamataan ko ang bawat taong bumababa sa magagarang sasakyan haggang pagpasok sa gusali. Halos naghuhumiyaw na, "MAYAMAN AKO! TUMINGIN KAYO SA AKING SASAKYAN MGA HAMPASLUPA! MASDAN NYO ANG AKING DAMIT! MGA GARAPATA! TITIGAN NYO KUNG PAANO AKO MAGLAKAD PAPASOK SA MAMAHALING KAINAN NA KAILAN MA'Y HINDI NYO MAPAPASOK! MAGLAWAY KAYO SA PAGKAING BIBILIHIN!"
Isang matabang palaka... este lalaki na parang konsehal yata ang lumapit sa security guard na mas malaki pa kay Hulk Hogan. Malagkit ang tingin ni SG sa nangingintab na mga alahas na suot nito. Kislap palang nito ay binuksan agad ni SG ang pintuan.
Service Crew: Good evening sir! Wazyorurdershir?
Konsehal: Huh?
Service Crew: Sabi ko po Wazyorurdershir?
Konsehal: Ano yun?
Service Crew: Ano pong order nyo?
Konsehal: Gusto ko yung pinakamahal na pagkain. Ilagay mo sa pinakamahal na pinggan. Lagyan mo na ng pinakamahal nyong kutsara't tindiror.
Service Crew: Wazyordringkzshir?
Konsehal: Ano?
Service Crew: Wazyordringkzshir?
Konsehal: Magtagalog ka nalang hampaslupa!
Service Crew: Ano po inumin nyo?
Konsehal: Yung pinakamahal nyong inumin. Gusto ko naka-serve na sa pinakamahal nyong baso.
Service Crew: Saan nyo po ba gustong umupo sir?
Konsehal: Saan ba dyan ang pinakamahal nyong upuan?
Service Crew: Dun po sir sa table number 6.
Konsehal: Sige. Pakihatid na lang dun ang order ko.
Service Crew: Ok po sir.
Parehas kami ng kasama ko na hindi alam kung mamamangha, matatawa o maaawa sa konsehal na pumwesto sa table 6 na nasa likod ni Rhea.
Nakakatuwa siguro kung tulad ni Konsehal ay kaya ring makuha ang mga nais kahit napakamahal pa ng halaga.
Naisip ko, darating kaya ang araw na kaya ko nang bilhin ang bahay ni Big Brother, Mt. Everest at Solar System.
Naisip ko, darating kaya ang araw na kaya ko nang bilhin ang lahat ng mga tsokolate, lahat ng mga souvenir items ni Batman at Joker.
Naisip ko, darating kaya ang araw na kaya ko nang bilhin ang lahat ng libro ni Bob Ong, Dan Brown, Homer, Rio Reordan, R.K. Rowling at lahat ng libro sa lahat ng bookstore sa planet Earth.
Naisip ko, darating kaya ang araw na kaya ko nang bilhin ang...
KRING KRING KRING KRING
Napatingin ako sa lamesa sa likod ni Rhea. Kita ko kung paano ilabas ni Konsehal ang kanyang napakamahal nyang cellphone mula sa napakamahal nyang suitcase.
Konsehal: Hello! Nasaan ka na? Ano? Huwag mong painitin ang ulo ko! Pakipaliwanag! Ano? Hindi mo na ako mahal? Sabi mo ako lang! Sabi mo... Hello! Hello!
Ibinato nya ang napakamahal nyang cellphone sa ulo ng service crew na nagtatanong lang naman ng "Wazyorurdershir?" sa kadarating palang na mukhang bise-alkaldeng naghihintay na matsugi ang alkalde nila para sya na ang pumalit.
Nagkamali ako. Hindi pala lahat ay kayang bilhinng salapi tulad ng pagmamahal, kaligayahan at oras. Tama. Oras.
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...