Dear IKAW,
Hello. Si AKO nga pala yung para sana SA'YO ngunit kailan ma'y hindi magiging si TAYO dahil sa ngayon, si IKAW ay para kay KANYA na alam kong hindi si AKO.
Naaalala pa ni AKO ang unang araw nang aking masilayan yaring mukha. Nag-daramdaram-daramdaram ang pintig ng puso ni AKO.
Yung parang sa pelikula na naging slow motion ang lahat ng echuzerong tao sa kalawakan habang nagsisihulugan ang mga bulaklak mula sa kalangitan. Naisip na sana'y nabunggo ni AKO si IKAW tapos mahuhulog ang mga gamit natin sa sahig, sabay nating pupulutin ang mga ito hanggang magdikit ang ating mga kamay. Dahan-dahan tayong tatayo habang nakatutok sa mata ng bawat isa.
Pero hindi iyon naganap, bagkus ay hinayaan lang kitang lumagpas sa aking harap. Iniikot pa ni AKO ang paningin upang sulyapan si IKAW. Nagbabakasakaling titigan rin ni IKAW si AKO oh sinta. Ngunit ang nakita ni AKO ay iba. Akbay mo si SIYA habang si IKAW ay masaya samantalang si AKO ay nakanganga at nagmumukhang tanga.
Pilit itinago ang pighati ngunit buong araw na ang utak ni AKO ay nahahati- sa bagay na dapat inaasikaso at sa IKAW na sa diwa'y nanggugulo.
Agad ngang hinanap ang pangalan ni IKAW sa peysbuk, hindi naman nahirapan si AKO na mahanap si IKAW dahil marami naman ang myutwal prinds. Nila-layk ni AKO lahat ng post ni IKAW mula sa pikchur hanggang bidju . Martir na kung martir pero kahit pikchur nyo ng ispisyal someone ni IKAW ay nilalayk ni AKO, yung iba pinupusuan pa ni AKO. Papansin lang . Nagbabakasakaling dumating ang panahon na i-layk rin ni IKAW ang post ni AKO na "MANHID KA" na may hashtag na #GigilMoSiAko pa na parang sampung beses na yata na-post.
Nung una ay sinabi ni AKO sa sarili ni AKO na handa si AKO na maghintay hanggang mapansin ni IKAW si AKO kahit pa sa panahon na yun ay may puting buhok na si AKO, kahit kasama na ulit nila tao ang mga alien sa planetang earth at nangyari na lahat ng prediksyon ni Madam Auring at Nustradamos.
Ngunit lumipas ang ilang buwan na tila bagang ilang dekada , nawalan na si AKO ng pag-asa. Si AKO ay sumuko na . Malungkot man ngunit si AKO ay wala nang magagawa pa. Ngunit tama nga ang nakasaad sa dakila at mahiwagang Libro ng Kalokohang Aral,"May PAG-ASA nga ang BAGYO, TAO pa kaya ".
Isang gabi nang tumunog ang silpon ni AKO. May notipikeyshon at mensahe sa inbaks ng peysbuk ni AKO. Nagulat pa si AKO nang mabasa na ang pangalan ni IKAW. Sabi ko "WHAAAAAAAAA!" tapos binato si AKO ng ka-bordmeyt ni AKO. Nag-daramdaram-daramdam ulit ang puso ni AKO. Binasa ang mensahe ni IKAW at bwesit na bwesit si AKO dahil sobrang bagal ng internet koneksyon , kasing bagal ng daloy ng trapiko. Nang mabasa ang mensahe ni IKAW ay napasigaw ulit si AKO ng "WHAAAAAA!" tapos binato ulit si AKO ng bordmeyt ni AKO.
Mas nag-daramdaram ang puso ni AKO. "Ken wi bi prinds?" tanong ni IKAW na agad namang sinagot ni AKO ng "Pwede nemen pe". Pabebe.
Nag-chat2x si TAYO hanggang madaling araw at napagkasunduang magkita na natupad naman at sa huli'y naging matalik na magkaibigan . Parang Rebisco, ang sarap ng feeling ni AKO araw-araw.Cloud 9!!! Simpleng "Hi. Kumain ka na. Wag magpagutom. Ingat" lang ni IKAW ay nagdadaramdaram-daram agad ang puso ni AKO. Sabi ni AKO "Eng sweet mo nemen!"
Napaluha nalang si AKO nang mabasa ang kasunod na mensahe ni IKAW. "Sweet talaga ako sa mga kaibigan ko". Napaluha si AKO... pagluha na nang di nalaon ay nauwi sa hagulgol. .
Saksi ang pipeng mga pader ng tahanan sa lungkot 😢 na nadama ni AKO. Pader na puno ng mga ginupit na litrato ni IKAW na itinabi sa ginupit ding litrato ni AKO . Naawa si AKO sa unan na yakap-yakap dahil sahalip na panis na laway ay maalat na luha ang sa kanya'y nagpapabasa.
KAIBIGAN-walong simpleng letra na pilit hinahanap ng iba upang sumaya ngunit sa iba'y nagpapadusa. Bakit? Bakit hanggang KAIBIGAN lang ang turing ni IKAW kay AKO? Dahil ba hindi AKO si SIYA? Ano bang meron si SIYA na wala si AKO? Ano bang wala si AKO na meron si SIYA? 😣 Gusto ni AKO na isiwalat na yaring pagliyag na nadarama ngunit si AKO ay naduduwag, nangangamba na baka sa huli'y si IKAW ay umiwas at kalimutan nang ganap si AKO. Hindi na alam ang gagawin ni AKO. Sana sa simpleng sulat na ito ay mabatid ng manhid na si IKAW na nandito si AKO na bagamat hindi nag-aasam na maghiwalay si KAYO dahil alam ni AKO na mahal ni IKAW si SYA at mahal ni SYA si IKAW ay patuloy paring umaasa't naghihintay na magkaroon ng inaasam na TAYO .
Nagmamahal, nasaktan, nag-post
Si AKO
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
Roman d'amourPara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...