Kung meron lang sana talagang spaceship ang bawat tao ay baka hindi lang sa iba't ibang bahagi ng mundo nagpapakitang gilas ang mga Pinoy. Baka sa ibang planeta din.
Sino nga bang Pilipino ang hindi nakakakilala sa Miss Saigon na si Lea Salongga na naging reyna ng musical theater?
Pamilyar din ba sa inyo si Apl. De. Ap. na myembro ng Grammy award-winning group na The Black Eyed Peas? Narinig mo na ba ang boses ni Arnel Pineda na lead singer ng legendary American rock band na Journey? Naaalala nyo pa ba sna Jessica Sanchez, Jasmin Trias at Ramiele Malubay ng American Idol? Napanood nyo rin ba kung paano pinahanga ng Glee cast at Pyramid singer na si Charice Pempenco ang planet Earth?
Eh si Ella Nympha na matapos mag-kampyon sa The Voice Kids Philippines ay nakatanggap naman ng standing ovasion mula sa mga banyaga matapos awitin ang Chandilier ni Sia sa entertainment show na Big Shot ni Steve Harvey. Hindi rin dapat makalimutan ang grupong 4th Impact na kinabibilangan ng magkakapatid na Almira, Celine, Irene at Mylene Mercado na nagpatayo sa mga kapitagpitagang hurado na sina Rita Ora, Nicholas Grimshow, Cheryl Fernandez at ang kinakatakutan ng lahat na si Simon Cowell sa X Factor UK. Hindi rin makapaniwala ang buong mundo ang halos mga Filipino lahat ang naging finalists sa Asia' Got Talent. Ang mga Filipino finalists ay ang 10 year old songbird na si Gwynet Dorado, ang power house classical singer na si Gerphil-Geraldine Flores, ang spunky dance crew na Junior New System at ang naging kampyon na El Gamma Penumbra. Kita ang paghanga sa mukha ng mga hurado ng Asia's Got Talent na kinabibilangan ni Vaness Wu na myembro ng kinababaliwan dati naTaiwanese boyband F4, ang Sporty Spice ng grupong Spice Girls na si Melanie Chisholm, ang Indonesian and French singer-song writer na si Anggun Cipta Sasmi at ang Grammy Award winner na si David Walter Poster na isang Canadian musician at producer ng mga sikat na personalidad sa international music industry.
Kamusta na kaya si Rose "Osang" Fostanes na nagpahanga sa mga hurado ng The X Factor Esrael? Narinig nyo na ba ang ginintuang boses ni Joseph Apostol na nakapasok sa grupo ng Green Green Grass of Home at Delilah singer na si Tom Jones? Minsan din itinaas ng isang bulag na si Alienette ang moral ng mga Pilipino nang makatanggap ng standing ovasion mula sa manonood at sa mga hurado ng France Got Talent. Nandyan din si Marlisa Ann Punzalan ng X Factor Austrilia at ang mga Pilipinong sina Madonna Decena at Charlie Green ng Britain Got Talent.
Pinangarap ko ring kumanta at maabotang musical note na A5, C7 at D7. Kaya lang hanggang C2 lang ang kaya ko kasi P12.00 lang. Malamig pa katulad ng pakikitungo sa akin ng taong mahal ko.
Marami pang Pilipinong iwinagayway at iwinawagayway pa ang ating watawat sa mga dayuhang bansa bukod sa world-class talent ng dance crew na XV Gensan at Jabbawockeez ay nanyan din ang Pinoy co-director ng Pixar hit na Inside Out na si Ronnie del Carmen. Ang mga nakasungkit ng korona na Miss Universe na sina Pia Wurtzbach, Margarita Moran at Gloria Diaz. Ang nakasungkit ng korona na Miss World na si Megan Young. Ang nakasungkit ng korona na Miss International na sina Lara Quigaman, Kylie Verzosa, Melanie Marquez, Bea Santiago, Aurora Pijuan at Gemma Cruz. Ang mga nakasungkit ng korona na Miss Earth na sina Karla Henry, Angelia Ong at Jamie Herrell.
Pero ang pinaka-sikat talagang Pilipino marahil ngayon ay ang eight-division world boxing champion na si Manny "Pacman" Pacquiao. Sa tuwinang may laban sya ay nababawasan ang kriminalidad kasi ultimo mga holdaper, kidnapper, snatcher, serial killer at pain killer ay nanonood sa kanya. Sa araw din mismo ng kanyang mga laban ay nagiging maluwang ang daloy ng trapiko. May iba ngang munisipalidad na nagmimistulang ghost town kapag may laban sya kasi halos wala kang makitang tao na naglalakad sa mga lansangan dahil halos lahat ay nasa loob ng kanilang tahanan at nag-aabang sa kanilang telebisyon. Ang nakakatuwa kay Pacman ay bukod sa pagiging boksingero at isa rin syang businessman, actor at basketball player. Minsan na rin syang naging kongresista at naging senador naman. Ano na naman kaya ang susunod? Hmmmmmm.
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
РомантикаPara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...