Part 31-Alamat ng Bitin na Lagok

66 0 0
                                    


Napukaw nalang ako nangpumasok sa aking eardrums ang tunog ng gitara na pinapatugtog ng isa kong katrabaho. Nakakaaliw. Sabay-sabay sila sa pag-awit ng kanta ni Yeng Constantino na Hawak Kamay.

Sa isang idlap ay ninais kong agawin ang gitara. Yun tila bagang nais kong makapa ang tamang kwerdas ng pakikidigma upang makamtan ang masayang ritmo at indayog ng buhay. Makagawa ng magandang tunog mula sa bitbit na instrumento at makapagbahagi ng makapagbagbag damdaming musika ng kaligayahan, pagkakaisa, pagkakaintindihan at pagmamahalan. Pilit na itanim sa mga pagal nating diwa ang mahiwagang nota ng kaunawaan. May mga bagay na nahihirapan kang matutunan. Ganun talaga. Tama, may mga bagay talagang nahihirapan kang matutunan. Gamit ang kalinangan ay dumating ang araw na sabay sabay na tayong iindayog sampu ng mga musikerong mamamayan ng ginigiliw nating bansang kasalukuyang nasa kasulasulasok na intablado ng paghihikahos at nakikipagbuno sa mga hagupit ng mga manood na hayok sa kasiyahang di naman nga nila pinaghirapan ay hinihusgahan at pinagtatawanan pa.

Pero naisip kong... hindi pala ako marunong mag-gitara. Haha.

Limang oras pa ang lumipas matapos ang tanghalian ay dumating na ang oras na aking pinaka-aasam sa bawat araw-ang uwian. Ang ilan sa mga katrabaho ko'y nilinis ang kanilang lamesa, ang mga babae nama'y abala sa pagpapaganda at pagpapabango, ang ilan naman ay matiyagang hinihintay ang kaibigan na nasa kabilang departamento, yung iba ay paunahan naman sa paggamit ng banyo samantalang ako ay bitbit na ang bag at nauna nang lumabas ng gusali.

Bago umuwi ay bumili muna ako sa bookstore dun sa isang mall na pinaka-malapit sa amin ng libro na "Libro ng Kalokohang Aral" ni... sino nga bay un? Hahaha. Nang makabayad na sa counter ay naglakad, sumakay sa eskileytor lumabas ng mall at binilisan ang hakbang pauwi.

Medyo nauhaw ako kaya't bumili ako ng buko juice sa kanto worth P10.00.

Inom.

Inom.

Langya! Dalawang lagok lang ang P10.00 na buko juice! Huhuhu.

At yan ang masalimuot na Alamat ng Bitin na Lagok.

Kasi na man yung lalamunan ko naman, parang kayang ubusin ang kalahati ng Pacific Ocean sa isang lagukan lang.

Libro ng Kalokohang AralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon