Nagkamali ako. Hindi pala lahat ay kayang bilhin ng salapi tulad ng pagmamahal, kaligayahan at oras. Tama. Oras. Dahil pasado alas nwebe na ng gabi at talagang nagmamaktol na ang mga dambuhalang bulate na naninirahan sa aking mga bituka. Kanina pa nga nakatakip ng tenga si Rhea dahil sa malalakas na tunog ng aking tiyan na animo'y may nagaganap sa loob na gera sa pagitan ng mga sundalo ng gobyerno at mga rebelde.
Nang isipin iyo'y bigla akong nalungkot. Bakit nga ba patuloy parin ang labanan ng mga Pilipino laban sa kapwa Pilipino? Bakit hindi nalang mag-usap nang maayos nang sa gayo'y maging tahimik na ang ating bansa? Kailan nga ba titigil ang mga gulo? Ilan pa bang mga inosenteng mamamayan ang madadamay? Maraming mga katanungan pa ang dumaloy sa mga ugat ng aking utak na puro lang namang ugat at wala namang laman.
Rhea: Hoy!
Ako: Hoy ka rin.
Rhea: Sabihan mo nga yung mga naglalaban dyan sa tiyan mo na mag-ceasefire na! Artistahin ka na oh!
Ako: Huh?
Pamilyar ba kayo sa mga scenario sa mga horror film na ang manika o multo ay biglang iikot ang ulo? I-imagine nyo na ganun din ang ginawa ko. At tama si Rhea. Talagang mukha akong artista nung mga panahong iyon dahil lahat ng customer at service crew sa loob ng restaurant ay nakatingin sa akin. May bata pa ngang inilapit pa sa tiyan ko yung audio recorder nya para mai-record yung parang kulog na sound effect. Tsk tsk.
Ang tagal naman kasi talaga i-serve ng waiter ang in-order naming pagkain. Sana ay sila Flash at Superman ng Justice League at Quick Silver ng Marvel yung mga tauhan dito para siguradong mabilis ang serbisyo.
Haist!!!!
Tick...
Tock...
Tick...
Tock...
Tick...
Tock...
Tick...
Tock...
Waiter: Here's your order, maam and sir.
Rhea: Thanks.
Ako: Nagpasalamat ka pa? Eh pinaghintay na nga tayo.
Rhea: Minsan kailangan din nating maghintay upang mas masarap ang pagtanggap natin sa ating mga hinihintay.
Ako: HUGOT pa more!!!
Rhea: Haha.
Agad na naming nilamon ang mga pagkaing inihain sa amin na Okona Miyaki, Futo Maki, Gomoku Chahan at Sundubu Jjigae na akala ko'y mga anime characters. Masarap! Pero mas masarap parin ang adobong pinatuyuan sa gata na pinagmamalaki ng Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
Roman d'amourPara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...