LETTER "K", 11th letter sa English alphabeth, ikatatlong mabibigkas sa alpabetong Filipino. Isang letra nga lang marahil sa iilan. Ordinaryong letra na ginagamit ng mga ordinaryong tao sa mga ordinaryong pangungusap. Nguni't ang letrang ito ay madalas rin maging rason ng pagkainis sa iilan.
Yung feeling na nagkakaroon kayo ng diskusyon sa SMS ng taong mahal mo dahil sa isang bagay na hindi ninyo napagkasunduan. Sa sobrang pagnanais na mailabas mo ang lahat ng hinanakit mo kaya ang mensahe na pinadala mo sa kanya ay tila mas mahaba pa sa libro ng Iliad at Odyssey ni Homer o Romeo and Juliet ni Shakespear o di kaya'y Noli Me Tangere at El Filibusterismo ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose P. Rizal. Naghintay ka pa ng ilang dekada sa reply nya. Apat na halalan na ang lumipas; pumuti na ang uwak at tumamis narin ang tubig dagat sa Boracay Island pero waley parin reply. Tapos nag-TOTOT TOTOT na nga. At dahil nataranta ka nung tumunog ang message tone ng cellphone mo ay muntik mo pa mahulog sa baso ng Starbucks na ang laman naman talaga ang tigti-twelve pesos lang pala na 3 in 1 white coffee (sosyal-sosyalan effext lungz). Tapos pagbukas mo ng inbox mo ay.... "K" lang ang reply nya? What does the f*ck say? Tenenenenenenenenennenen....
Kung ikaw ang nasa sitwasyon, maiinis ka rin ba o maiinis? Hmmmmm. Hulaan ko, maiinis ang sagot mo. Tama? Yahoo.com! Sabi na, parehas ang dugo na dumadaloy sa mga baricos vein namin ni Nostradamus. Hahaha.
Instantly, gusto mong ipalamon ang girlfriend/boyfriend mo sa dambuhalang dinasaur na may tustadong tagyawat sa kasuluksulukang ingron sa kuko. Tsk tsk.
At dahil mahal mo sya at gusto mong humaba pa ang listahan ng utang... este humaba pa ang usapan nyo ay magsesend ka ulit ng mahabang mensahe para may topic kayo. Tapos maghihintay ka ulit na mag-evolve ang bagong generation ng homo-sapiens into a Picachu or Doreamon at tsakaness ka makaka-recieve ng reply na ang laman lang naman ay "K" lang naman ulit. Hay naku kuya Kardo!!!!
At dahil sobrang inis na si Mark ay napagdesisyunan niyang puntahan nalang si Maine sa boadrding house nito at talagang isinama nya ako para daw may moral support.
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...