Haist. Batid ni Mark na pinagtataguan sya ni Maine. Hindi nya alintana ang sakit ng paa, ang pagkauhaw at ang matinding init ng araw. Ang tanging laman ng isip nya ay mga katanungan na nais na sana nya mabigyang kasagutan sa lalong madaling panahon. For short, demanding si Mark. Ang sarap batukan. Hindi man lang ako tanungin kong gusto kong sumakay. Nakakapagod kaya! Gutom na rin ako. Badtrip.
Pagpasok ng pintuan ng kanyang boarding house ay agad nyang hinanap ang kanyang kwarto. Gutom na gutom sa kama ang kayang pagal na katawan. Gusto na ring matulog ng kanyang mga mata ngunit nananatiling gising ang kanyang utak.
Wala syang ibang ginawa habang nakahiga kundi ang gumulong gulong hanggang sa hindi inaasahang nahulog sya. Nabagok ang ulo at namatay.
Mark: Anong trip yan? Hindi naman yan nangyari sa akin ha! Minu-murder mo ako!
Ako: Serry nemen.
Mark: Ituloy mo na ang pag-kwento. Ayusin mo ha para mas mataas ang talent fee mo.
Ako: Sige! Sige! Hahaha. I love you na talaga! Haha.
Mark: K
At dahil may dagdag suhol na talent fee ay binabawi ko na ang sinabi kong nabagok at namatay sya. Actually, nahulog lang talaga. Haha. Sa pagkakahulog nya'y tsaka nya lang naisip na i-text at tawagan ang kanyang nobya na hindi naman talaga nya nobya dahil nobya-nobyahan lang kahit hindi naman talagang malinaw na nagnonobya-nobyahan sila. Hay ewan! Pati ako naguguluhan na sa love story nitong dalawa. Hirap ng estado ng mga mag-MU!
Message Sent
Sender: Mark
Reciever: Maine
Message: Maine, iniiwasan mo ba ako? Magparamdam ka naman. Gusto kitang Makita ngayon.
Tulad ng inaasahan, lumubog na sa tubig baha ang Mt. Apo bago pa sumagot si Maine. Ilang episode na ng paboritong anime ang natapos ko at halos maubos ko na ang lahat ng mga video sa youtube pero walang Maine na nag-reply kay Mark.
Lahat kami ay napabalikwas ng biglang tumunog ang isang cellphone ni Mark (marami syang gadget kasi rich kid. Haha). Umalingawngaw ang tumunog na "Mahiwagang Mensahe" ni Doreamon. Napaisip tuloy ako na parang isip bata itong si Mark. Ang dami naming pwedeng gawing ringtone bakit yun pa? Sabagay, ang ringtone ko nga eh "Tatlong Bibe" eh.
Message Recieved
Sender: Maine
Reciever: Mark
Message: Mas mabuti na ang ganito Mark. Kailangan na nating itigil ang kalokohang ito. Hindi ko na kaya. Simula ngayon ay ituring mo na lang ako na bahagi ng iyong nakaraan. Sa mga oras na ito ay nasa airport na ako. Papunta na ako sa America.
Nang mabasa ni Mark ang mensaheng nagmula kay Maine ay nakaramdam sya ng sakit. Parang may dambuhalang kulangot na tumapal sa butas ng kanyang mga ilong dahil biglang hindi sya nakahinga. Bumagal ang ikot ng mundo kasabay na pag-awit ko ng awitin ng Gary Valenciano na may lirikong:
Kung wala ka nang maintindihan,
Kung wala ka nang makapitan.
Kapit ka sa akin.
Kapit ka sa akin.
Hindi kita bibitawaaaaaaan.
And bow plus standing ovasion. Naririnig ko ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga nagbabasa nito ngayon. Hayan, sige pa. Mas lalo pang lumalakas. Salamat. Salamat mga fans. Hahaha.
Muling pinindot ni Mark ang kanyang sinaunang cellphone na naimbento pa yata noong panahong Paleolitiko (old stone age).
Message Sent
Sender: Mark
Reciever: Maine
Message: Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita. Wag mo naman akong iwan.
Siyam na halalan na yata ang nagdaan ngunit walang Maine na nag-reply. Muli ay sinubukan nyang mag-send ng mensahe.
Message Sent
Sender: Mark
Reciever: Maine
Message: Please Maine. Wag mo naman sakin gawin ito. Maawa ka na. Mahal na mahal kita.
Langya, pumuti na ang uwak at naging matamis na ang tubig dagat sa Boracay pero hindi man lang reply si Maine.
Ako: Shunga! Tawagan mo kaya!
Mark: Oo nga no. Henyo ka talaga.
Ako: Small thing.
Kring...
Kring...
Kring...
Kring...
The number you have dialed is either unattended or out of coverage area...chubachuchu chubachuchu... totot... totot... totot... totot...
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...