Madaling araw palang ay nasa byahe na ako papuntang probinsya upang maging kinatawan ng aming kompanya sa isang job fair.
Habang binabaybay ang lansangan palabas ng Metro Manila ay naipit ang air-conditioned bus na aking pinaglulunanan. Tumingin ako sa mga sasakyan sa aming harapan. Nakaramdam ako ng biglang pagkabanas.
Ilang minuto pa ang mabagal na lumipas. Maya-maya ang tingin ko sa aking lumang relo na regalo.
Tik... Tok... Tik... Tok... Tik...
Mula sa bintana ay pinagmasdan ko ang mga mukha ng mga pasahero sa kabilang bus na kailangan nang pinturan dahil mukhang nasa elementarya pa lamang sina Tito,Vic at Joey nung huli itong mabigyan ng kulay kaya't nagmukha na itong nilamon ng kalawang. Ang ilan ay mas piniling samantalahin ang panahon upang magnakaw ng ilang sandaling idlip. Samantala ang iba nama'y halata sa mukha ang pagkainip.
Tik... Tok... Tik... Tok... Tik...
Sa gitna ng bus na pinaglulunanan ko at ng bus na nilamon na ng kalawang ay isang $4.5 million worth na Lamborghini Veneno na naghihintay din ng pag-usad ng mga sasakyan. Sa itsura palang ay naghuhumiyaw na ito ng "SOBRANG YAMAN NG MAY-ARI ITONG SASAKYANG ITO!" Narinig ko pa ang lalaki sa likod ko na hinulaan kung sino ang sakay ng nasambit na sasakyan. "Sigurado politiko yan!"
Tik... Tok... Tik... Tok... Tik...
Sa likod ng mapagkumbabang Lamborghini Veneno ay isa naming pipitsuging tinted second-hand na sasakyan. Biglang bumukas ang tinted na bintana at bumulaga ang mukha ng isang dalaga na halos kamukha na ni Nana Im Jin-Ah ng Korea. Ganda naman dat gurl! Sana may batas na maipasa sa senado na dapat bukas lagi ang bintana ng mga pasahero o driver na magaganda. Pampawala ban g badvibes na dulot ng traffic congestion.
Tik... Tok... Tik... Tok... Tik...
Napansin ko lang. Simula pagkagaling ko sa bahay hanggang sa mga oras na nakasakay na ako sa bus ay wala man lang akong nakikitang nakangiti. Ganun ba talaga? Diba kamakailan lang ay nakapasok ang mga Pinoy bilang 5thsa world's happiest citizens at 8th smiliest country in the world? Anyare? Ganun na ba talaga ka-stressful ang buhay sa Pilipinas? Maaaring nandyan ang marami sa atin ang walang trabaho, walang pera, watak ang pamilya, biktima ng kriminalidad, nabibingi na sa kaliwa't kanang balita sa radyo't telebisyon patungkol sa terorismo at korapsyon bilang rason kung bakit marami sa atin ay hindi na nagagawang ngumiti pa. Ngunit sana'y ating maisip na hindi lang naman Pilipinas ang may ganitong suliranin, mas malala pa nga marahil sa ibang bansa. At bilang indibidwal, hindi lang ikaw an gang nakakaranas ng problema, ang iba'y mas masalimuot pa ang buoy kumpara sa'yo. Ang kailangan lang naman nating gawin ay ngumiti, ngitian ang kapwa at ang kapwa na iyon ay ngingitian ang kapwa nya na ngingitian din naman ang makakasalubong nyang kapwa hanggang sa lahat ng tao sa ating bansa ay ngingiti. Magmumukha nga lang tayong tanga pero gamit ang simple nating ngiti ay maaari nating mapaliwanag ang mundo.
Tik... Tok... Tik... Tok... Tik...
Umusad na ang bus. Isa palang vehicular accident ang naganap sa unahan naming. Isang multicab ang sumalpok sa isang bisikleta. Wasak na wasak ang multicab. Mabuti nalang walang nalagas na buhay sa pangyayari.
Halatang medyo palagay ang loob sa akin ng kundoktor kahit na mabigat ako. At dahil nasa unahan ang upuan ko't sa harap ko lang sya naka-tambay habang umaandar ang bus ay kinakausap nya ako.
Nagtanong sya kung saan ako pupunta, bakit ako dun pupunta, sinong kasama ko, kailan ang balik ko sa Manila at marami pang iba. Tinalo nya pa si Boy Abunda sa pagbato sa akin ng tanong na nasagot ko namang lahat. Sa huli nga'y inasahang kong mananalo ako ng jackpot prize dahil nasagot ko ang lahat ng katanungan nyang tinalo pa ang game show na Who Wants To Be A Millionaire sa sobrang dami.
Ilang minuto pa ang kaybilis na lumipas nang muli kaming maipit sa sandamakmak na mga sasakyang hindi halks hindi na nagsisigalawan.
Narinig ko nalang ang katabi kong pasahero na nag-wika,"Ang problema kasi sa Metro Manila ngayon ay sobrang dami na ng sasakyan". Agad namang sumang-ayon ang madaldal na kundoktor.
May punto naman sya. Napakaraming sasakyan ang nasa lansangan at karamihan sa mga ito'y mga pribadong sasakyan na ang laman lang naman ay isang tao. Wala nga namang pakealamanan dahil sasakyan nila yun. Kaya nga sila bumili upang mas komportable sila habang nasa byahe't hindi na nila kailangan pang makipag-siksikan sa pampasaherong dyipni, tumayo sa loob ng bus hanggang marating ang destinasyon at sumabit sa MRT o LRT na madalas namang magka-aberya.
Halos lahat naman ay nangarap na magkaroon ng sariling sasakyan upang mas maging matiwasay ang paglalakbay. Kahit ako ay naisip ko ring bumili ng isa kahit second-hand lang kapag nagkapera. Pero paano kung ang lahat ng taong nangangarap na makabali ng sasakyan ay nagkaroon ng sapat na salapi.
Tiba-tiba ang mga suppliers and manufacturers ng mga sasakyan mula sa ibang bansa. Pero sa sobrang dami ng sasakyan ay siguradong mas babagal ang daloy ng trapiko at mas taas ang pulosyon sa ating bansa.
Minsan nya'y nangarap ako na mayroong isang baliw na senador na magbibigay ng suhesyon SA kapulungan na maglaan ng kahit isang araw na bawal gumamit ang mga Pilipino ng kahit anong sasakyang nagbubuga ng usok bagkus ay pagamitin ang lahat ng bisikleta. Bukod sa nakatulong na sa pagbawas ng pulosyon ay mababawasan na ang kunsumo ng gasolinang mas madalas pa ang pagtaas ng halaga kesa sa roll-back. Magkakaroon pa tayo ng mas maayos na kalusugan dahil mas magagalaw natin ang ating katawan at pagpapawisan tayo.
Sana nga ay may baliw na senador na subukan ipapasa ito. Sana nga ay mayroon.
Muling umalingawngaw sa aking diwa ang winika ng kapwa ko pasahero, "Ang problema kasi sa Metro Manila ngayon ay sobrang dami na ng sasakyan". May tama sa isang punto ngunit sa kabilang banda ay mas maswerte parin tayo. Nagrereklamo tayo dahil sa maraming sasakyan na nagdudulot ng mabagal na daloy ng trapiko samantalang may mga pang lugar na hindi makaraan ang mga sasakyan.
Naranasan kong tumira sa gitna ng mga kabundukan sa Norzagaray, Bulacan nung ako'y elementarya palang. Isang buwan lang naman. Na-obserbahan ko ang kilos ng mga kapitbahay namin na hindi naman talaga kapitbahay dahil lagpas kilo-kilometro ang agwat ng mga bahay dun hindi katulad dito na kahit hindi naman magkaka-close ang mga tao ay magkakadikit ang bahay.
Isipin mong isa kang magsasaka at ang pananim mo'y kailangan mong buhatin ang ilang sako ng mga produkto mula sa kabundukan nang tatlumpong kilometro upang marating ang kabihasnan. Bukod sa nasambit na distansya ay kailangan mong suungin ang mga ilog o sapa, mapuputik o masusukal na daan, ilang pataas-baba ng mga bundok, matutulis na mga kabatuhan, init ng sikat ng araw o hampas ng ulan. Lahat ng iyan ay iyo ring madadaanan pag-uwi mo tatlumpung kilometro pabalik mula sa kabihasnan papuntang kabundukan para lang kumita ng katiting ng pera.
Ang iba namang mga bata'y madaling araw palang ay nag-uumpisa nang maglakad makarating ng paaralan sa wastong oras at ginagabi na rin sa pag-uwi dahil walang masakyan.
May ilang naghihingalo na ngunit wala namang sasakyang pwedeng maghatid sa hospital na matatagpuan pa sa napakalayong bayan.
Ma-swerte tayo dahil hindi ninyo naranasan angnararanasan ng mga taong yaon.
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
Roman d'amourPara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...