Ilan sa mga superheroes at mga super villains sa mga comics, animated series, video games at pelikula ay produkto ng teknolohiya. Tinagurian silang mutants-mga indibidual na ginamit sa eksperemento. Ilang taon mula ngayon ay maaring magkaroon nga ng mga tunay na Professor X, Beast, Nightcrawler, Wolverine, Gambit, Colossus, Apocalypse, Mystique, X-23, Scarlet Witch, Quicksilver at Teenage Mutant Ninja Turtles. Tayo ngayo'y nabubuhay sa mundo na pinapaikot ng agham at teknolohiya. Isipin mo nalang, kung walang cellphone at internet ay ano kaya ang pinagkakaabalahan ng mga kabataan ngayon? Bukod sa mga makinang naiimbento upang mas mapadali ang proseso ng mga trabaho na sya namang rason kung bakit mas tumataas ang bilang mga unemployed sa maraming bansa ay may mga natutukasang mga produkto ang mga siyantipiko hindi lang para makapagbigay lunas sa mga karamdaman ng mga nilalang kundi upang makalikha ng bagong uri ng mga organismo.
Maliban sa nakawan, patayan, pang-aabuso sa kapwa, pagbubuntis ng dalagang kapitbahay, pangangaliwa ng mga asawa at kung anu-ano pang mga bad news ay maaaring nakarinig ka na ng kwento tungkol sa puno ng talong na nagbunga ng kamatis, heganteng papaya na pakwan ang laman at marami pang bagay na hindi pangkaraniwan. Wala nang imposible ngayon dahil sa agham. Kaya nga nung tinanung ko ang nililigawan ko kung kailan nya ako sasagutin at sumagot sya na "Kapag pumuti na ang uwak" ay hindi parin ako nawalan ng pag-asa dahil alam kong maaaring pumuti ang uwak kahit hindi pagamitin ng glutation, whitening cream, whitening soap o whitening lotion na lahat ay hindi naman epektibo saking balat. Alam kong one of these days ay puputi rin ang uwak. May puti na ngang kalabaw dahil sa mutation eh.
At kapag nangyari yun ay maaari nyo na akong ihanay sa pangalan sa ni Nostradamus at sa mga lumikha ng palabas na The Simpson na pawang may kredibilidad sa pagbigay ng mga detalye sa hinaharap.
Kung hindi kayo pamilyar sa mga sa mga prediksyon ni Nustradamus at The Simpsons na nagkatotoo na'y malaya kayong makakapagsaliksik. Google2x din kahit walang time.
Unting pasensya lang sa internet connection na ang loading process ay mas mabagal pa sa pag-Hokage move ng taong torpe. Ewan ko ba. Naturingan pa namang isa ang Pilipinas sa mga bansang babad sa mga social networking sites tulad ng facebook, twitter, blogspot at instagram pero sobrang bagal. Teka, kung may 1,000 grams sa isang kilogram... ilang grams mayroon sa instagram?
Medyo creepy na nga rin ang mga produkto ng teknolohiya tulad ng robot na halos tao na. Hindi ko tuloy maalis sa aking isipan na maaaring ilang taon mula ngayon ay baka maging makatotohanan na ang pelikulang Terminator kung saan ang mga robot na ang naghahari sa sanlibutan. Pero minsan ay ninais kong maging robot nalang para wala na akong maramdamang sakit. Sana ang taong mahal ko ay robot na rin para kusa nalang syang mamamatay kapag nagloloko na.
Isa pa marahil sa mga nais matuklasan ng mga eksperto ay ang teyorya ng extra-terrestial beings. Totoo nga bang may aliens? Bukod kay Superman na ipinanganak sa Planet Kryptonite at kay Son Gokou na ipinanganak sa Planet Vegeta ay may alien pa bang iba sa Planet Earth? Kasing losyang ba sila ng alien sa pelikulang ET o kasing cute ni Kokey na kapag nilagyan ng peluka ay magiging kamukha ko na dahil sa kutis.
May ilang taong nagbigay ng mga testimonya na nakakita na sila ng mga nilalang mula sa ibang planeta. Ang ilan ay napatunayan nang gumawa lang ng kwento upang magpapansin samantalang ang iba ay nagpakita ng proweba kaya hindi kayang mapagbintangan na nagtatagpi-tagpi lang ng kwento. May mga kumakalat din na mga litrato at video sa facebook at youtube na nagpapakita ng mga aliens daw at UFOs daw. Ang ilan ay halatang likha lamang ng image editing ngunit ay nananatili parin tanong kung totoo nga ba.
Unidentified Flying Object o UFO ang tawag ng mga homo sapiens sa mga sasakyan di umano ng mga extra-terrestial beings. Madalas itong isalarawan na bilog na metal sa kalangitan na naglalabas ng liwanag. Ang mga bagay na ito ay hindi parin matukoy kung ano (Kaya nga UNIDENTIFIED flying object diba?).

BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
Storie d'amorePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...