Kamakailan lang ay binisita ako ng isang panaginip. Nasa gitna daw ako ng madugong sagupaan. Ngunit hindi ako ang bida sa pagkakataong yaon. Sa katunayan nga'y kalaban ko sila Captain Barbell, Darna, Super Inggo, Lastik Man, Super Islaw, Juan Dela Cruz, Krystala, Flash Bomba, Super Inday, Agimat, Enteng Kabisote, Vultra, Gagamboy, Pedro Penduko, Kamandag, Kumander Bawang, Super Twins, Joaquin Bordado, mga Batang-X, Dragona at si Panday. Samantalang kaanib ko naman sa paghahasik ng lagim ang White Lady sa Balete, Valentina, Kamatayan, Maria Labo, Halimaw sa Banga, Chaka Doll, Lucia Joaquin, si Haring Hagorn at ang mga Hathor sa Encantadia, Mga Ravena na kalaban ng mga Mulawin, ang Anak ni Janice, mga kapre, itim na dwende, baklang tikbalang, ang haggard na aswang, mga drug lords, mga terorista at mga pusang inaatake ang tinatago nating ulam sa kalaliman ng gabi.
Habang nakikipaglaban ay naisip kong maaari pala tayong gumawa ng isang grupo ng mga Pinoy Superheroes at Pinoy Super Villains na maaaring ipangtapat sa mga fictional characters ng mga banyagang bansa (kahit na karamihan ay kaparehas ng itsura at kapangyarihan sa mga superheroes ng DC at Marvel comics).
Sa huli'y natalo kami, hindi nagwagi ang mga kampon ng kadiliman. Narinig ko pang nagsihiyawan sa saya ang mga nanonood sa laban na para bang nanalo na naman si Manny "Pacman" Pacquiao laban sa isa na namang kampeon na Mexican boxer.
Kung si Batman at Deadpool ang paborito kong fictional characters sa comics, may mga paborito rin akong villains: si Joker at si Thanus.
"Why so serios?," pakiramdam ko'y bumubulong sa akin si Joker sa tuwinang nakabusangot ang aking napakapangit na mukha dahil sa pinaghalo-halong stress sa trabaho, kakapusan sa pera, sobrang bagal na daloy ng trapiko, polusyon at dahil na rin sa pagtubo na naman ng mga aking tagyawat.
Tulad ni batman ay wala ring kapangyarihan ang henyong payaso ngunit tinagurian na syang GREATEST VILLAIN OF ALL TIMES. Alam nyo bang tulad ng Justice League ay may grupo o asusasyon din ang mga makapangyarihang kontrabida sa DC comics? At sa tuwinang magkakaroon sila ng pagpupulong ay hindi nila iniimbitahan si Joker dahil kinakatakutan nila ito. Ang mga super villains na may super powers ay nangangatog ang tuhod sa tuwing naririnig ang pangalan ng mahinang payaso. Ngunit tulad sa totoong buhay ay may kahinaan din si Joker at yan ay ang pagmamahal nya kay Harley Quinn. KILIG MUCH!!! Mas napatunayan ko tuloy na ang kahinahan talaga ng mga lalaki ay mga babae. Kaya kayong mga babae, wag nyo namang samantalahin ang kahinaan namin. Hehe.
Paborito kong qoutes ni Joker ay ang "They need you right now, but when they don't, they'll cast you out like a leper!" na nagsasaad ng reyalidad na VIP ka lang sa paningin ng mga taong nakapaligid sa'yo kung may kailangan sila. Pero kung wala na, isa ka nalang kapirasong basura na itatapon nalangbkung saan-saan. Hustisya! May proper waste management system na! I-segrigate ang mga biodegradable at non-biodegradable. Kung may kaibigan kayong masyadong mapapel, sa biodegradable nyo itapon. Kapag may kaibigan kayong plastik, sa non-biodegradable nyo itapon. As simpol as dat!
Madalas ko ring gamitin sa mga speech ko kapag may mga event ang "We stopped checking for monsters under our bed, when we realized they were inside us." Tama! Pilit nating hinahanap ang kamalian sa iba na hindi iniisip na may sarili rin tayong kamalian na mas mali pa sa mali ng ibang taong nagkakamali. Naghahanap ka ng mga rason upang maipilit na ang iyong kapwa ay halimaw ngunit tingnan mo ang iyong sarili. Baka nga mas masahol ka pa sa mga halimaw na tinuturing mong napaka-sahol. Tama! May mga halimaw sa loob natin na habang maaga pa'y kailangan nating puksain.
Isa pa sa mga paborito kong super villain ay si Thanus na syang kalaban naman ng Avengers, Guardians of the Galaxy at ni Dr. Strange na sana'y kilala nyo rin. Tagasakop ng sangkalawakan, yan si Thanos at ang nagbibigay sa kanya ng ibayong kakayahan ay ang Infinity Gauntlet, isang ginintuang glove na may anim na batong nakakabit. Ang mga batong ito ay ang Infinity Stones na may iba't ibang kulay at iba't ibang kakayahan.
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...