KRING! KRING! KRING!
Iminulat ko ang aking mata at nahuli ko ang aking sariling humihilik, isang bagay na imposibleng mangyari. Alam kong gising na ako ng mga oras na iyon dahil hindi na ako tulog dulot ng malakas na tunog ng telepono. Pinunasan ko ng basahan ang bumabahang laway ko na umagos mula sa mabaho kong bibig.
Time Check: 1:35AM.
Whaaaaaaaaaaaa!!!!!! Sino naman ang tumatawag sa akin sa ganitong oras?
Walang konsiderasyon!
Walong oras ng nakaka-haggard na trabaho, tambak ang mga papeles na inasikaso, mga dokumentong pinapirmahan, stress dahil sa bwesit na traffic nung papauwi na.
Tapos ngayong nasa kalagitnaan na ako ng mahimbing na pagkakatulog, may mang-i-istorbo pa?
Hindi naman po ako nightshift na costumer services representative sa isang BPO call center!
Calling.... Rosh Martin Luke
<Click Answer Call>
Ako: Hustisya naman, nasa kissing scene na sana kami nung pinapantasya kong artista eh! Tsk tsk.
Luke: Huhuhu
Ako: So iyakan moment na naman tayo? Diba pwedeng bukas nalang? Antok na antok pa ako eh.
Luke: Magpapakamatay na ako!
Ako: Oh, kung saan ka masaya, susuportahan kita.
Luke: Wala kang balak na pigilan ako?
Ako: ZzzzzzzzzzzzZZZZZ
Luke: Uiy, wag mo naman akong tulugan. Kailangan ko ng kausap.
Ako: Hmmmm. Mapagpeperahan ba yan?
Luke: Hindi, pero bukas libre kita ng pizza.
Ako: Sige! Ano pag-uusapan natin? Haha
Luke: Yan tayo eh! Mukha kang pagkain eh!
Ako: Haha
Luke: Hmmmm. Kilala mo si Mykalyn diba? Yung title holder sa Search for Ms. Intramurals natin.
Ako: Oo, ex-girlfriend ko yun eh.
Luke: Weeee? Pinatulan ka?
Ako: Ano ito? Insulto? Tulog na ako?
Luke: Joke lang. So ex mo nga?
Ako: No. Hindi ko sya type. Chossy ako eh.
Luke: Ikaw na!
Ako: Alangan namang ikaw.
Luke: K.
Ako: Anong problema kay Mykalyn?
Luke: Nagtapat kasi ako sa kanya na mahal ko sya kaya lang hanggang kaibigan lang daw talaga ang tingin nya sa akin. Huhu.
<insert KAIBIGAN LANG PALA lyrics by Ed Sheeran ft. Ariana Grande>
Ako: Tapos? Kailan pa nag-cover si Ed Sheeran at Ariana Grande ng awiting Kaibigan Lang pala?
Luke: Sorry, nadala lang ako ng emosyon.
Ako: Ginawa mo pang musical drama ang libro ko.
Luke: Serry nemen.
Ako: K.
Luke: Gusto ko sanang gumawa ng isang bagay para hindi nya ako makalimutan.
Ako: Utangan mo para hindi ka makalimutan.
Luke: Hay naku! Great Philosoper ka talaga! Ano na nga ang gagawin ko? Yung seryoso.
Ako: Ligawan mo parin ng pormal. Bisitahin mo sa bahay nila. Ligawan mo ang mga kapatid at mga magulang nya. Bigyan mo sya ng regalo. I-hatid at sunduin mo. Haranahin mo. Lahat ng pwedeng pampa-impress gawin mo para makuha mo ang loob nya. Wag kang sumuko hangga't hindi mo pa nagagawa ang lahat.
Luke: Eh nagawa ko nang lahat 'yun eh.
Ako: Atleast nagawa mo na lahat. Kapag na-realise nyang mahal ka nya pero may iba ka nang mahal, siguradong magsisisi yan dahil pinalampas ka pa nya.
Luke: Kahit na pre. Ang gusto ko parin ay maging kami.
Ako: Alam mo, ang pangarap na mahalin ka ng taong hindi ka naman kayang mahalin ay parang paghihintay na tumamis ang asin. Gamitin din sana ang utak, huwag lagi ang puso. Kaya nga nasa mas mataas na bahagi ng katawan ang utak kesa sa puso para mas mangibabaw parin ang pagpili sa laman ng isip kesa sa tibok ng damdamin. Isip2x din 'pag may time.
Luke: Eh, ang hirap naman nyan.
Ako: Alam kong madali lang itong sabihin at alam ko ring mahirap itong gawin. Pero kailangan mong subukan. Wala ka nang no choice. Lalo na't ang sitwasyon nyo ay para bang plinano na ng kapalaran at nakasulat na sa natatagong bahagi sa kasuluksulukan ng napakalawak na kalawakan, yun bang tinatawag na nakaTADHANA.
Luke: Huhuhu.
Ako: Tahan na. Alam mong marami pang babae na nasa planet Earth. Nandyan naman yung ampon ng labandera ni Tita Florencia, makapal na nga lang ang balakubak nun sa kili-kili pero pwede na 'yun.
Luke: Yuckz. Wala na bang iba?
Ako: Choosy ka pa? Wag choosy kapag hindi gwapo! Hindi mo ikakayaman yan. Basta marami pa jan. Hindi mo pa nga lang nakikita kasi masyadong nakatuon ang direksyon ng iyong paningin sa babaeng wala naman sa'yo ng pagtingin at hindi ka naman mahal.
Luke: Kailangan ba talagang ipamukha pa?
Ako: Whahaha. Peace bro!
Luke: Haha
Ako: Oh, atleast tumawa ka na.
Luke: Oo nga eh. Salamat. Tulog na ako.
Ako: Hoy! Salamat ka dyan! May bayad yun! Rememberz? Pizza! Ipa-deliver mo sa akin kapag lunch time na bukas.
Luke: Aray!
Ako: Oh, anong nangyari?
Luke: Nauntog ako. Hala, nagka-amnesia na yata ako. Sino ka? Nasaan ako? Anong pizza? Hindi ko alam ang pizza na sinabi mo? Nakalimutan ko na lahat. May amnesia ako.
Ako: K
Pinatay ko na si Luke... este ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...