One day/isang araw, isang hindi inaasahang tawag ang natanggap ko mula sa crush kong si Rhea. Naisipan nyang kumain at ako ang maswerteng nilalang na nais nyang makasabay.
Suot ay maong na kupas at t-shirt lang na maluwag ay bumaba ako mula sa sinakyang kong pampasaherong tricycle ni pareng Rex na inaanak ko sa binyag ang panganay na anak.
Mula sa aking pinagbabaan ay nagtungo na ako sa entrance at tila tumigil ang ikot ng aking mundo nang masilayan ko ang alindog ni Rhea.
Suot nya'y kulay pula na western-styled formal dress at makintab na black-colored heels. Ang ganda nya. Mas lalong na-emphasized ang mala-puso na hugis na mukha dahil sa istilo ng kanyang buhok. Napakapula ng kanyang mga labi na sadyang kaysarap yatang halikan.
Hay naku. Cloud 9!!!
Rhea: Oh, kanina pa ako dito.
Ako: Bakit hindi ka pumasok?
Rhea: Gusto ko kasabay kitang pumasok eh.
Ako: Ah, ok. Tara na. Pasok na tayo.
Rhea: Sige.
Papasok na sana kami sa automatic na salaming pintuan ng sosyal na kainan nang harangin ako ng security guard (SG) na mas malaki pa yata kay Steven Seagal at sa wrestler na si Hulk Hogan.
SG: Excuse me. Pasensya na. Bawal ka dito.
Ako: Bakit?
SG: Sa likod ang daanan ng mga janitor.
Ako: Ay. Hindi ako janitor! Costumer ako.
SG: Mas lalong hindi po kayo pwede dito sir. May dress code po kami rito. Dapat naka-formal attire ang lahat na pumapasok dito. Bawal po ang nakapambahay lang.
Ako: Bakit? May JS Prom ba sa loob?
SG: Waley naman.
Rhea: Alam mo Nathan, bumili ka nalang ng damit para makapasok na tayo.
Ako: Sige. Pasalamat yang security guard na yan dahil pinigilan mo ako. Kung hindi, binugbog ko na yan!
Rhea: Hindi naman kita pinigilan huh!
Ako: Ah, ganun ba?
Rhea: Oo.
Ako: Pigilan mo na ako. Dali. Makisama ka naman. Pigilan mo na ako.
Rhea: K
**
Galing na kami sa funerarya. Binilhan na ako ng formal attire. May promo daw eh. Kapag bumili ng puti na barong, may libreng 2nd hand na black leather shoes at bulak sa ilong. Eh, nagpauto naman sa Rhea. Nung umalis na kami'y narinig ko pang sumigaw yung lalaki.
Funeral Boy: Inform mo ako kung ipapahabol ko ang kabaong! P35,000 lang, with free wifi na sa loob!
Ang langyang Diane ay nagreply agad.
Diane: Oo, basta may discount ang magaganda!
Funeral Boy: K!
***
AFTER 150, 678, 890 CENTURY TUNA
Nasa harap na ulit kami ng Japanese restaurant. Sa wakas ay makakatikim na rin ako ng pagkain ng mga mayayaman.
Rhea: Mauna ka na dun. Tumatawag si mommy eh.
Ako: K.
Nag-umpisa na nga akong maglakad at nasa harapan ko na ang security guard na nanglait at hindi nagpapasok sa akin kanina.
SG: Good evening sir.
Ako: Anong GOOD sa evening?
SG: Ah eh..... ( walang masabi ).
Ako: Ayusin mo ang trabaho mo ha.
SG: Syempre naman po sir. Mahigpit ang siguridad namin dito. Kanina nga may nagpupumilit pumasok eh. Yung panget na lalaki, mataba at tagyawatin. Akala ko nga janitor dito kasi naka-maong lang na pantalon at t-shirt. Hindi ko nga pinapasok kasi parang kriminal yung mukha eh.
Ako: Libre ba manapak ng security guard?
SG: Ah eh..... ( walang masabi ).
Bigla namang pasok si Rhea sa eksena.
Rhea: Oh Nathan.... (nadapa). Aray!!!!
Ako: Ay, lampa. Ulit! Take 2 po tayo director.
Director: Sige! 1...2...3... Lights! Camera! ACTION!!!
Rhea: Oh, Nathan! Bakit hindi ka pa pumapasok?
SG: Ah, kasama mo po si sir? Diba ikaw po yung babae kaninang may kasama na panget na lalaki, mataba at tagyawatin. Yung akala ko nga po janitor at hindi ko pinapasok kasi naka-maong lang na pantalon at t-shirt.
Rhea: Oo.
Ako: Rhea, libre ba manapak ng security guard?
Rhea: Oo. Kung kaya mo katawan nyan. Mas malaki pa nga yan kay Incredible Hulk oh.
Ako: Gutom na ako.
Rhea: Ah. Diba sasapakin mo pa yung guard?
Ako: I'm busy!
Rhea: Hindi naman ah! Guard, kung pwede ka raw ba nyang sapakin?
SG: Ah. Totoo ba yun sir?
Ako: Ah eh........... Pasok na kami. Gutom na ako eh.
Rhea: Sasapakin mo pa sya diba?
Ako: May pagka-demonyita ka rin eh noh?
Rhea: Unti lang. Haha.
Ako: Tara na! Kain na tayo.
Rhea: K
Sumabog ang baricose vein ng aking utak dahil sa galit. Kakain ka lang, kailangan pang mukhang mamayamanin? Anong trip yun?
Balot na nga yata talaga ang mundo ng kamangmangan. Bulag na nga yata ang sangkatauhan sa balat ng karangyaan. Nakapiring kaya't hindi maaninag ang importansya ng mapagkumbabang aspeto ng buhay. Silaw na sa kintab ng karangyaan kaya't hindi na alintana na ang simpleng buhay mas mainam.
f} 5
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...