Part 32-WOW MALI

47 1 0
                                    


At dahil wala na akong magagawa ay ipinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad.

Left...

Right...

Left...

Right...

Left...

Left...

<STOP>

Ako: Oh, bakit nyo ako pinahinto sa kina-career kong military march?

Crowd: Nakikita mo ba ang nakikita ko?

Ako: Yung dalawang aso na magkadugtong pa ang mga churva dahil kakatapos lang mag-churvahan?

Crowd: Shunga! Hindi!

Ako: Yung tindero na nangungulangot habang nagluluto ng tinda nyang fishball?

Crowd: Hindi rin.

Ako: Yung tomboy na namimigay ng flyers na hiring daw sa recruitment agency nila tapos hihingian ka ng P500-P1,200 na pangpa-medical mo na requirement daw tapos yun pala'y scam lang?

Crowd: Wrong!

Ako: Ah. Alam ko na. Yung mga magkakaibigan ba na iyon na ang sweet habang dahan-dahang naglalakad? Yung magkaka-holdinghands pa kahit napaka-liit ng daanan. Tapos yung mga taong nasa likod nila na halatang nagmamadali ay naka-busangot na ang mga mukha dahil sa pagka-irita?

Crowd: Mali parin. Yun oh. < at sabay-sabay pinatulis ang nguso para malaman ko kung ano ba talaga ang tinutukoy nila >.

Gumuhit ako ng imaginary na linya na magiging guide ko mula sa kanilang mga nguso papunta sa poste ng kuryente na tadtad ng mga posters ng mga photoshoped na litrato ng mga pulitiko, patungo sa isang pader na may naka-vandal na "Bawal mag-vandal dito"(toinks lang), patungo naman sa isang simbahan na maraming mga kabataan na sahalip na pumasok sa simbahan at magbawas ng kasalanan ay mas pinili pang makipaglampungan sa kanilang mga kasintahan (ang mga higad na ito, ginawa pang SOGO Hotel ang banal na simbahan! Respeto naman! Mahiya naman kayo!)

<share lang: habang sinusulat ko ang part na ito, nahulugan ako ng Encyclopedia Britanica sa mismong mukha ko. https://www.facebook.com/images/emoji.php/v8/fcb/1/16/1f641.png:-( .... share lang #BUKOL>

Mula dun sa mga naglalampungang mga kabataan ay muling gumalaw ang imaginary line patungo sa aking........ tabi. Langya again, ang layo ng nilakbay ng linya na ito tapos sa tabi ko lang pala pupunta, eh kung suntukin ko kaya itong linya na ito? Nakakalalaki na eh!

Biglang nalusaw ang galit ko dun sa bwesit na linya nang makita ko ang isang kaganapan sa aking tabi... opo, sa tabi ko po. Siguro 1 centimeter and 1.2 inch ang distansya mula sa kinakatayuan ko.

Lalaki: Tumigil ka nga dyan sa kaka-iyak! Pangit ka na nga, mas lalo ka pang pumapangit.

Babae: <iyak+singhot sipon>

Lalaki: Hindi ka ba talaga titigil? Makikipag-break talaga ako sa'yo!

Babae: <iyak+singhot sipon>

Lalaki: Bwesit talaga! Dyan ka na nga. Break na tayo!

Babae: <iyakx30 + singhot sipon x100>

Biglang umusok ang mga butas ng aking dambuhalang ilong. Kaya nasisira ang dati nang sira na emahe ng mga lalaki dahil sa mga katulad ng kolokoy na 'yun.

Lagi sana nating tandaan na ang papel natin ay maging hari ng isang reyna. Ang mga babae ay natural nang mga topakin at ang pagsubok sating mga kalalakihan ay kung paano natin pakikibagayan ang topak nila.

Yung tumutulo man ang luha nila'y punasan natin ito ng ating panyo ng sinseridad (wag yung panyo na ginamit mo na sa libagin mong leeg o yung pinamunas mo sa malansang lababo).

At wala kang karapatang sabihan siya na pangit siya (lalo na kung mas pangit ka). Tandaan mo sana na responsibilidad mong sabihin sa kaniya sa bawat pagkakataon na siya ang pinaka-magandang babae sa 'yong paningin at walang ibang mas hihigit pa sa kaniya kahit si Mariane Rivera, Lyza Soberano, Tulisa Costostavlos, Demi Lovato, Lalla Hirayama o Alesha Dixon man ang ipang-kompara sa kanya.

Agad akong lumapit sa kaawa-awang babae at kinausap sya. Unti-unti naman siyang tumahan pero patuloy parin sa pagsinghot sa kulay berde nyang sipon na dumadaloy na papunta sa ibabaw na labi (eeeeeeew!!!).

Ako: Ayos ka lang ba ms.Beautiful?

<galawang HOKAGE>

Babae: Oo. <singhot sipon>

Ako: Ayos lang yan. Unting tampuhan lang 'yan. Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo. Pagsubok lang yan, at bahagi ng isang relasyon ang pagsubok upang maging mas matatag kayo (feeling Papa Jack na ako).

Babae: Eh, hindi ko naman yun boyfriend eh. <singhot sipon> Hindi ko nga yun kilala.

Ako: Oh, eh bakit mo iniiyakan?

Babae: Eh, tinapakan nya yung paa ko ng combat shoes nya eh. Syempre nasaktan ako, kaya umiyak ako. May batas na bang naipasa na bawal umiyak kapag natapakan ng combat shoes?

(May punto naman sya.)

Ako: Hindi mo pala kakilala, eh bakit sya nakipag-break sa'yo?

Babae: Ewan ko dun. Adik yata yun eh.

Ako: K

Nagpaalam na rin ako at ipinagpatuloy na ang naantala kong pagmamartsa. Langya, na-WOW MALI pa yata ako. Haha.

Libro ng Kalokohang AralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon