Inaamin ko naman na sa una ay naisip ko rin na tanga ako't pinalampas ko pa ang behikulo ng opurtunidad sa kabila ng katotohanang napakahirap maghanap ng marangal na trabaho sa kasalukuyan na syang rason pa nga kung bakit marami sa ating mga kababayan ay mas pinili na lamang na magtungo sa ibang bansa upang magpa-sweldo sa mga dayuhan para makapagpadala naman dito sa Pilipinas ng ipambayad sa mga gastusin at napakataas na halaga ng tuition fee ng kanilang mga mahal na anak.
Samantalang ang ibang anak naman ay sahalip na nasa loob ng silid-aralan ay mas pinili pang tumambay sa computer shop at ginagasta ang perang pinagpawisan ng kanilang mga magulang para sa paglalaro ng mga online games, pagda-download ng mga porn movies, pang-sigarilyo at pang-laklak ng alak.
Tapos kapag nalaman ang kabulastugan nila'y idi-deliver na ang napaka-generic na dialog na: " Wala kayong kwentang magulang!".Tsk tsk. Naku, ang sarap mang-konyat! Eh kung isampal ko kaya 'tong takip ng kalderong pinaglutuan ng tustadong medyas ng kabayong may alipunga nang magising ka sa katotohanan.
Habang puhunan ng magulang mo'y dugo at pawis upang kumita ng pipiranggot na pera upang ipadala sa'yo nangsagayo'y hindi ka mamatay sa gutom at makapagtapos ka sa pag-aaral, isipin mo rin sanang maswerte ka.
Napakaraming mga magulang ang pinapalaglag ang kanilang anak habang nasa sinapupunan palang sila ng kanilang ina. Ma-SWERTE ka dahil hindi ganyan ang magulang mo.
Yung ilan ay minumulisya at binibenta pa ang kanilang mga anak upang maging taga-aliw ng mga manyakis sa mga videoke bar at yung iba ay pinapasabak pa sa cyber sex business. Ma-SWERTE ka dahil hindi ganyan ang magulang mo.
May mga bata na sa murang edad ay pinipilit na ng magulang na mamalimos, mag-snatch ng wallet at magnakaw sa mga tindahan. Ma-SWERTE ka dahil hindi ganyan ang magulang mo.
Ang ilan nama'y inuutusan pang taga-deliver ng mga droga upang hindi masyadong mahalata ng mga tauhan ng pulisya. Ma-SWERTE ka dahil hindi ganyan ang magulang mo.
Marami parin ang nakabinbing kaso sa Commission on Human Rights patungkol sa mga magulang na walang awang pinagbububog, pinapaso ng sigarilyo, atbp ang kanilang mga anak dahil sa kalasingan, depresyon at iba pang walang kwentang rason. Ma-SWERTE ka dahil hindi ganyan ang magulang mo.
Hindi na nakakapag-aral ang maraming kabataan dahil hindi naman gumagawa ng paraan ang kanilang mga magulang na pag-aralin sila. Ma-SWERTE ka dahil hindi ganyan ang magulang mo.
Tumaas din ang bilang ng mga kabataang naging rugby boy at naging adik din sa droga bukod pa sa sigarilyo at alak. Tinuturong rason ay ang kapabayaan ng mga magulang. Nakakalungkot na may mga nanay at tatay na walang pakealam kahit mapariwara pa ang buhay ng kanilang anak. Ma-SWERTE ka dahil hindi ganyan ang magulang mo.
w
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...