Mula sa pagsakay hanggang sa mismong gusali kung saan ako nagta-trabaho ay kung anu-ano ang tumakbo sa isip ko. Naisip ko tuloy nab aka nababaliw na ako. Tama ang ka-bordmeyt kong si Bunso na dapat ay nagpa-reserve nalang ako kagabi ng isang kwarto sa mental hospital para nag-check in ako.
Pagdating sa loob ng opisina ay ingay na naman ng aking mga katrabaho ang sa aki'y sumambulat. Tawanan at asaran, yan ang aming paraan upang ang araw ay simulan. Bawat isa ay may kapintasan. Yung isa ay invisible ang buhok, ang isa'y napagkaitan ng taas, ang isa'y parang robot magsalita, ang isa'y mas mataas pa ang boses kesa sa whistle tone ni Mariah Carey at Ariana Grande, boses na mas mataas pa sa mga grado ko nung elementarya, yung isa ko namang katrabaho ay pang-Fliptop kung makapagsalita dahil sa sobrang bilis at ang iba nama'y bisaya.
Ngunit ang mga kapintasan namin ay ginagamit naming pundasyon upang maging masaya ang araw-araw na napakahirao na trabaho. Tanda ko pa nga ang awitin ng crush ko na si Sarah Geronimo na Perfectly Imperfect. Kahit na hindi ka perpekto ay perpekto ka bes. Alam kong mahirap isipin pero isipin mo nalang ng isipin para may maisip ka kung may isip ka.
Nagtatrabaho ako nun sa isang ahensya na nagbibigay ng oportunidad sa mga Pilipinong makapagtrabaho. Alam kong mahirap maghanap ng trabaho dahil naranasan ko ring kumatok sa mga kumpanya dahil walang doorbells. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw kong nahihirapan ang mga aplikante. Kapag alam kong walang bakanteng posisyon o hindi sya kwalipikado ay agad kong ipinagtatapat dahil ayaw kong tumulad sa iba na pagkatapos na paduguin ang ilong ng mga aplikante dahil sa mga tanong na "Why should I hire you?" at "What is your edge compare to the other applicants?" ay isasatinig na ang gasgas na pang-finale na speech na "Tatawagan ka nalang po namin."
Ayaw ko ng ganung sistema. Ayaw kong magpaasa ng kapwa dahil ilang beses ko na ring naranasang umasa. Mahirap bes.
Habang gumagawa ako ng attendance oara sa nalalapit na job interview ng mga aplikante ko'y tumunog ang aking cellphone. Agad kong sinagot dahil themesong ng Doreamon ang ringtone ko. Nakakahiya.
Applicant: Hello. Good morning.
Ako: Good morning din.
Applicant: Hihingi lang po sana ako ng update ng application ko.
Ako: Ano bang nais mong oasukang trabaho?
Applicant: Production operator po. Actually, may nakausap na po akong empleyado dyan. Sya po ang nag-initial interview sakin.
Ako: Iha, artista lang ang gumagamit ng salitang "Actually" ha.
Applicant: Ay. Serry nemen pe. Hehe.
Ako: Hehe.Sino yung nag-initial interview sa'yo?
Applicant: Nakalimutan ko na ang pangalan. Basta mataba, maitim, makapal ang kilay, may mga tagyawat tapos...
Ako: OO NA! TAMA NA! AKO NA ANG TINUTUKOY MO! NAKAKASAKIT KA NA NG DAMDAMIN! LAKAS MANGLAIT EH! GINALINGAN! PERPEKTO? MAS MAGANDA KA KAY LIZA SOBERANO?
Applicant: Hahahahahahaha
Ako: #TawaPaMore
Ilan na nga ba ang mga aplikanteng naging kaibigan ko? Marami na. Ang iba nga'y nila-like pa at nagko-komento pa sa mga post ko sa facebook, twitter at instagram. Teka, kung ang 1 kilogram ay may 1,000 grams, gaano kaya karaming grams mayroon ang isang instagram bukod pa ang sa program at diagram?
Pagkatapos ng bawat pakikipag-usap ko sa mga aplikante lalo na sa mga hindi nakapasa sa kwalipikasyon sa mga bakanteng trabaho ay nagbibigay ako ng mga payo sa kung paano ba ang tamang pagsagot sa mga tradisyunal na pamatay na katanungan ng mga kompanya sa tuwing job interview. Narito ang ilang mga tanong at kung paano ito masasagutan ng maayos:
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomantizmPara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...