"HOY! Umaga na! Gising na sa katotohanang hindi ka na mahal nun!" pukaw ng makulit kong ka-bordmeyt na si Bunso.
"Bwesit!" bulyaw ko na sinagot naman nya ng malulutong na halkhak. Nanaginip lang pala ako. Buti nalang nagising pa ako.
Iniunat ko ang dalawa kong kamay at hindi sinasadyang naamoy ang halimuyak ng maasim na kilikiling maitim. Unti piga lang nito, pwede na mag-paksiw. Bumangon na ako't isinuot ang pares ng aking tsinelas. Buti pa ang tsinelas may pares, samantalang ako eh nganga.
Lumabas na ako ng aking kwarto bago ko pa maisipang magbigti dahil sa pagiging single. Matapos maghilamos at magsipilyo na sobrang bihira ko lang gawin ay nagtungo ako sa sala. Ilang minuto na akong nakatulala nang mapansin ang nakapangalumbabang ka-bordmeyt kobg si Jessica. Bagong gising rin ito ngunit kahit na magulo ang buhok at may isang dangkal na muta oang nakasabit sa kanyang pilikmata ay hindi maipagkakaila ang taglay nitong kagandahan.
Ako: Parang mas malaki pa ang problena mo kesa sa boobs mo ha.
Jessica: Oo nga... este.. hay naku! Ang sama talaga ng ugali mo!
Ako: Haha. May problema ka nga?
Jessica: Oo.
Ako: Mas marami ba ang problema mo kesa tagyawat ko?
Jessica: Hindi man! Mas marami parin ang tagyawat mo syempre! Pang-Guiness Book of World Record yan sa sobrang dami eh.
Ako: K
Jessica: Mag-Eskinol o Maxipeel ka nga!
Ako: Walang pakealamanan ng tagyawat. Pinagpupuyatan ko ito eh.
Jessica: Effective ang overtime+night shift ano?
Ako: Oo. Nagtatalik rin yata ang mga tagyawat eh kasi nanganganak everyday.
Jessica: Ano ba mabisang gamot sa tagyawat? Mayroon kasi akong isa sa noo.
Ako: Isa lang yan ah. Laki a ng problema mo! Palit kaya tayo ng mukha.
Jessica: No, thanks.
Ako: Haha.
Jessica: So ano nga ang mabisang gamot para mawala ang tagyawat?
Ako: Mahalin mo.
Jessica: Huh?
Ako: Magalin mo ang tagyawat. Lahat ng minamahal nawawala diba?
Jessica: Hugot pa more.
Ako: Problema mo ang usapan dito hindi tagyawat.
Jessica: Oo nga pala. Kasi yung boyfie ko eh. Malayo na sya sakin. Hirap pala kapag long distance relationship.
Ang dami nya pang blah-bah-blah habang ako'y tutok na tutok na sa wall clock. Pasado alas sais na at alas siete ang pasok ko sa opisina. Dagdag pa ang mabagal na daloy ng trapiko sa Edsa.
Jessica: Blah... Blah... Blah...
Wall Clock: Tik... Tok...Tik...
Jessica: Blah... Blah... Blah...
Wall Clock: Tik... Tok...Tik...
Jessica: Blah... Blah... Blah...
Wall Clock: Tik... Tok...Tik...
Jessica: Blah... Blah... Blah...
Wall Clock: Tik... Tok...Tik...
Sumingit naako upang maputol na ang kwento nyang daig pa ang MMK at Magpakailanman dahil baka abutin pa kaming New Year Countdown.
Ako: Ano ang problema?
Jessica: Lagi kasi syang nangangako na pupunta rito para bisitahin ako.
Ako: Ay tanga. Bakit? May malala ka bang sakit para dalawin ka? Puntod ka ba?
Jessica: Great Philisopher ka talaga!
Ako: Haha.
Jessica: Lahat kasi ng mga pangako nya ay laging napapako.
Ako: Kung lahat ng pangako nya ay napapako lang, sabihin mo sa kanyang mag-karpenter nalang sya. Magkakapera pa sya.
Jessica: Kaya nga eh. Lahat hindi ko makalimutan. Lagi kong naiisip.
Ako: Ano course mo nung college student ka pa?
Jessica: Major in Bussiness Administration.
Ako: Ah. Akala ko major in History. Lagi mo kasing iniisio yung mga nakalipas na panahon.
Jessica: Kung hindi naman kasi kayang tuparin, wag nalang mangako.
Ako: Hindi mo maipagpapatulo ang bagong kabanata ng iyong buhay kung wala ka namang ibang nais gawin kungdi ang balikan ang mga madidilim na pahina ng iyong nakaraan.
Jessica: Ang hirap pala kapag nasa long distance relationship.
Ako: Mas mahirap kung wala kang makain ng ilang araw, maubos ang supply ng tubig sa isang taon at lalong mahirap kung wala kang pera habang panahon.
Jessica: Great Philosopher ka talaga eh noh! Badtrip.
Ako: Haha.
Jessica: Kasi naman ang hirap kapag malayo kayo sa isa't isa ng taong mahal mo. Hindi mo sya mayakap o mahalikan kahit naisin mo. Nami-miss ko na talaga sya.
Ako: Iba ang namimiss sa naglalandi.
Jessica: Bwesit naman ito! Ano nga gagawin ko?
Kalahating oras nalang ang nalalabi bago mag-alas siete at talagang nanganganib na akong mahuli sa aking trabaho. Kung magkataon ay maririnig ko na naman ang naghuhumiyaw na boss kong mas malakas pa sa megaphone ang boses kapag nagagalit. At upang mabigyang tuldok na ang usapan naming mas mahaba pa sa listahan ng mga adik na dapat nang masintensyahan ay nagbigay na ako ng ilang mga pwedeng gawin ng isang tao kung sakaling nasa long distance ang tema ng relasyon.
Ako: Maniwala ka na Faithful sya syo. Masisira lang ang relasyon nyo kung wala kang tiwala sa partner mo.Magtitiwala ka sa kanya kung ahal mo talaga ang sya. Maging tapat kayo sa bawat isa. Makakasama sa inyong relasyon kung nagtataksilan kayo. Be faithful. Matuto rin kayong gumamit ng mga communication devices and mga Social networking site tulad ng facebook. Mas makakabuti kung matibay ang komunikasyon ninyo para lagi kayong nagkaka-usap at hindi ninyo masyadong nami-miss ang bawat isa. Maging pasensyosa ka. Laging isipin na mag-kakasama din kayo no matter what happen. Kung gusto mo syang halikan at yakapin ang kanyang tinkerbells, isipin lang na malapit na kayong magkita. Be positive. Wag mawalan ng pag-asa, may PAG-ASA nga ang bagyo, tao pa kaya. Makakayanan nyo rin lagpasan ang mga pag-subok. Basta isipin mo na dapat ay magtiwala kayo sa isa't-isa.
Matapos marinig ang aking payo ang nakangiting nagpasalamat sya sa akin na agad ko namang sinagot ng "Walang anuman."
Isinabit ko sa kaliwang balikat ang tuwalyang polka dots ang disenyo at binuksan ang pintuang ng banyo na yari sa yero upang maligo na. Ngunit bago pa man ako makapasok ay may naalala akong itanong kay Jessica.
Ako: Saan dati nakatira ang boyfie mo?
Jessica: Sa harapan ng boarding house natin.
Ako: Eh ngayon?
Jessica: Dun na sa kabilang kanto.
Ako: Bwesit! Ang layo naman. Kailangan pa nyang mag-eroplano para magkita kayo.
Jessica: Haha.
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...