Part 6-Ang Pagkatalo ng Isang Mandirigma

169 6 0
                                    


Nag-umpisa sa easy round, naging average round hanggang naging difficult round na. Bawat round ay binubuo ng tatlong tanong. Ang easy round palang sakin ay super difficult round na. Yung board na sana'y susulatan ko ng sagot ay parang crush ko, hanggang tingin nalang.

Natapos ang laban. Lima lang ang naisagot kong tama kahit ang apat dito ay mga hula. Talunan ako.

Sa isang iglap ay bumaba ang tingin ko sa aking sarili. Parang ang Mt. Everest na gumuhot naging mas maliit pa sa Chocolate Hills.

"Ayos lang yan. Yung iba nga na mas sikat na eskwelahan ay apat lang ang tama eh," naalala ko pang pampalubag loob ng kalaban kong binalakan ko sanang kopyahan nang nangamote ako sa tanong na "What is H2O?". Langya, tubig lang pala ang sagot.

May ilan kompetisyon pa akong nasalihan, may mga napanalunan pero madalas din nagiging talunan. Ibinulong ko sa aking sarili na maaaring ako'y natalo nguni't hindi habang buhay na magiging talunan. Lahat ng pagkatalo'y ginagawa kong leksyon. At bawat leksyon ay aking isinasabuhay. Kaya sa tuwing ako'y kumakain sa mga karenderya ay lagi akong lumalapit ako sa tagabantay at nagtatanong na," May H2O ba kayo?"

Nung hayskul ako namulat sa importansya ng salitang kasiyahan. Ang emosyon ay parang damit, ikaw pipili kong anong emosyon ang nais mong suutin. Minsan nakakapagsuot ako ng damit ng kalungkutan ngunit kusa nalang itong nagpapalit sa tuwing nakakasama ang isang grupo ng homosapien na tulad ko'y may angkin ding kagalingan sa larangan ng kalokohan. Si Von, Jhon at Tope... este Junior pala. Haha. (ayaw nyang tinatawag syang tope)

Naging matibay ang pundasyon ng amingpagkakaibigan dahil sa mga katangiang kapwa kami may pagkakaparehas. Pundasyonna mas pinagtibay pa nung napili kaming maging mga lyreman ng Badiangan PercussionBand na madalas imbitahan sa tuwing may intramurals, unit/distict/provincialmeet at tuwing may pyeste sa baranggay at sa sentro ng distrikto. At angpundasyong ito ay mas pinagtibay pa nang kami'y maging myembro ng BandianganChoir na naiimbitahan tuwing may binyag, kasal, pyesta, libing at tuwing maysimbang gabi na dapat simbang madaling araw ang tawag. Pundasyong maspinagtibay ng halos araw-araw na paghagilap ng mga bayabas, starapple na hindinaman hugis star, suha, makopa at rambutan na pwedeng anihin basta't hindimahuli ng may-ari.kataon lang per�G}?�{<

Libro ng Kalokohang AralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon