Nang marating ang tirahan ng kanyang sadya ay nanginginig ang kamay na pinindot ni Mark ang doorbell ng bahay nila Maine. Sosyaler si dalaginging, pa-dorabelz2x pa!
Ding dong... dantes..
Ding dong... dantes..
Ding dong... dantes..
Halos maihi na rin sya habang hinihintay na magbukas ang pintuan. Sa katunayan nya'y hindi pa makapa ni Mark ang kanyang sasabihin. Hindi man lang nakapag-rehears ang loko.
Mark: Ang tagal naman! Tsk tsk. Mag-doorbell na nga lang ulit.
Ding dong... dantes..
Ding dong... dantes..
Ding dong... dantes..
Unti-unti ay bumukas ang pintuan kasabay ang tunog na parehas sa boses ng Gas Abelgas ng SOCO na TV show ng ABS-CBN.
Ngunit sahalip na si Maine ay isang guranger na babaeng mataba ay iniluwa ng pintuan. Ang alam nami'y namatay sa isang car accident ang mga magulang ni Maine nung ito'y 8 years old pa lamang kaya imposibleng nanay nya ito.
Mark: Mawalang galang na po...
Taba: Wag ka nang magsalita kung wala ka naman palang galang.
Mark: Oo nga noh? Haha. Serry nemen pe. Ahmmm. Pwede po bang malaman kung nandyan si Maine?
Taba: Ah... eh... ih... oh... uh... Sabi po ni maam Maine ay wala raw sya dito.
Mark: Sino nagsabi?
Taba: Ah... eh... ih... oh... uh... Si Maine.
Mark: Ahm.. Umalis ba sya?
Taba: Ah... eh... ih... oh... uh... Oo daw. Kanina pa daw.
Mark: Ah. Saan po pumunta?
Taba: Ah... eh... ih... oh... uh... Sa simbahan daw.
Mark: Sige po. Puntahan ko nalang sya dun.
Taba: Ah... eh... ih... oh... uh... Ay, wala raw pala sya dun. Hindi ko raw alam eh.
Mark: Totoo ba ang lahat ng sinasabi mo?
Taba: Ah... eh... ih... oh... uh... Oo naman! Si Maine mismo ang nagpapasabi.
Mark: Nandyan ba sya sa likod ng dingding?
Taba: Ah... eh... ih... oh... uh... wala raw sya sa dingding. Sana raw ay maniwala ka. Baka magtext nalang daw sya sa'yo.
Mark: Sharmaine! Iniiwasan mo ba ako?
Taba: Ah... eh... ih... oh... uh... Hindi ka raw nya iniiwasan. Promise raw.
Mark: K.
Walang lingon-lingon na nilisan ni Mark ang lugar. Mula roon ay naglakad kami pauwi. Mahirap man isipin at labag man sa loob ko ay sinundan ko nalang sya kasi wala akong dalang pera. Akala ko kasi libre nya ang pamasahe eh.
Reader: Bakit naglakad? Eh, pwede namang sumakay.
Ako: Para dramatic? Diba ganun sa mga pelikula? Ikaw ba ang author at nakikialam ka?
Reader: Serry nemen.
Ako: May tanong ka pa? Baka pwede ko na ulit ipagpatuloy ang kwentong ito na walang kwenta?
Reader: GOrabelz!
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomantizmPara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...