Dumating ang Hunyo. Bukod sa bagong damit, bagong gamit at bagong istilo ng buhok ay nagkaroon ako ng bagong guro at bagong mga kamag-aral. Mas pormal ang simoy nang hangin dahil nabibilang kami sa sa medyo mas mataas na klase, nasa 2nd floor na kasi kami.
Isang hapon ay nagkaroon ng biglaang art activity. Kailangang gumuhit ng kahit anong makikita za paligid. Lahat sila'y nag-umpisa nanh gawin ang dapat nilang gawin samantalang ako ay nakatunganga lang. Bukod kasi sa inaatake na naman ako ng aking Kalokohan syndrome ay wala naman akong lapis, krayola at kukumban. Mukha akong tanga. Umikot nalang ako't isa-isang tiningnan ang mga likhang sining ng aking mga kaklasw na para bang ako ang huradong magdidiklara kung sino ang gagawaran ng parangal na Artist of the Year.
Bukod sa taong gawa sa palito ng posporo, kalabaw na kulay asul, bahay na gawa sa kwadradong pinatungan lang ng tabinging tatsulok, puno na kulay itim ang mga dahon at anime character na duling ay wala nang ibang drawing na nakakatuwa. Umupo nalang ako't nanahimik sa ika-apat na linya ng upuan, ang hilera ng mga upuang inilaan para sa mga hindi maayadong katalinuhan. Kaya marahil hindi mapuksa ang deskriminasyon sa ating bansa dahil bata pa lamang tayo ay produkto na tayo ng deskriminasyon. Ihihiwalay ang upuan ng mga estudyanteng matatalino sa mga estudyanteng bobo. Ihihiwalay ang silya ng mga tahimik sa mga maiingay. Ihihiwalay ang kwarto ng mga estudyanteng pobre sa mga eatudyanteng kayang magbayad ng milyon para sa tuition fee. At kapag naging guro ang ilan sa mga estudyanteng ito paglaki ay isasagawa din nila abg sistemang ito sa magiging estudyante nila. Gulong. Paikot-ikot na gulong ng deskriminasyon.
"Naigan! Bakit wala kang ginagawa?" tanong ng maganda kong guro na nasa likuran ko na pala.
Hindi ako sumagot dahil silent type ako kapag alam kong maganda ang kausap ko. Nagkunwari nalang ako na nafhahalungkat ng mga gamit sa bag. Halungkat. Halungkat. Halungkat.
Narinig ko ang tunog ng papalayong takong ng maganda naming guro. Sinundan ko ng mata ang pinagrampahan nya at tiningnan kung nabutas ba ang kaawa-awang sahig dahil sa tulis ng takong nya na tinalo pa ang takong ni Miss Universe Pia Wursvsgzjsms. Maayos naman ang kalagayan ng sahig kaya nakahinga ako ng maluwag. Nakakaawa kasi eh. Naranasan ko na rin kasing magong tulad ng sahig na tinatapaktapakan lang.
Mula sa kanan ay may malambot na dalirong sa akin ay kumalabit. Lumingon ako't parang romatic movie na nag-slow motion ang paligid nang masilayan ko ang inosenteng mukha ng maganda kong kaklase na si Mary Jane. Nagsilaglagan ang mga pulang rosas mula sa kalangitan kasabay ng pagtugtog ng awitin ni José Mari L. Chan na Beautiful Girl.
Beautiful girl, wherever you are
I knew when I saw you, you had opened the door
I knew that I'd love again after a long, long while
I'd love again.
Unti-unting naglapit ang aming mga mukha tsaka nagsilutangan ang libu-libong mga emahe ng mga nagmamapulang puso. Napapikit ako dahil nais kong damhin ang pagdampi ng aming mga labi.
It was destiny's game
For when love finally came on
I rushed in line only to find
That you were gone.
Beautiful girl, I'll search on for you
'Till all of your loveliness in my arms come true
You've made me love again after a long, long while
In love again
And I'm glad that it's you
Hmm, Beautiful Girl.
Hindi maipaliwanag ang kabog ng aking dibdib na para bang anumang oras ay sasabog na tulad ng mga bombang pinapasabog ng mga Abu Sayaff. Ako'y nagmulat. Kita ng aking dalawang mutaing mga mata ang pagkilos ng kanyang mga kamay na inaasahan kong ihahawak nya sa aking pisngi upang maisakatuparan ang inaasam na kaganapan. Ngunit... PAKKKKKK!!!
Sampal. Isinampal nya sa akin ang isang kukumban at sa sobrang lakas ng pagkakasampal ay dumikit pa ito sa mamantika kong mukha.
Ako: Aray! Bakit mo ako sinampal?
MJ: Manyakis! Bibigyan ka na nga ng coupon band tapos tutulisan mo pa ako ng nguso!
Ako: ...
MJ: ...
Kukumban: ...
Kinuha ko ang isinampal nyang papel sa pagmumukha kong pwede nang maging source of income ng Pilipinas dahil sa sobrang langis. Wag lang sana madiskobre ng China dahil baka angkinin din nila ang mga butas ng aking mukha tulad ng pag-angkin nila sa Spratly Island sa West Philippine Sea. Minsan nga kapag napagtripan kong mag-prito ng tinapa ay nagpapahid lang ako ng tela sa mukha at pipigain ito sa mainit na kawali para hindi na ako bumili sa malapit na vulcanizing shop na hindi yata alam ang kahulugan ng Suggested Retail Price o SRP.
Bukod kukumban ay pinahiram din nya ako ng lapis na nginatngat na ang bakal ng pambura. Nagdalawang isip ako dahil hindi gumagana ang emahinasyon ko ng mga hapong yaon. Ngunit pinaliwanagan nya ako na kapag hindi ako gagawa ng proyekto ay sigurasong bababa ang aking grado.
Sa totoo lang ay wala naman talaga akong pakealam sa mataas na grado. Kahit pasang-awa lang ay ayos na sakin nun. Hindi naman kasi napapatunayan ng grado ang tunay na talino ng tao. Minsan ay mas napapatunayan nito ang galing lang ng isang estudyante sa pag-memorize, kung gaano kagaling sumipsip ang isang estudyante, kung saang row ka nakaupo, ang angking kasipagan sa magkuskos ng floorwax sa sahig bago ang uwian at ang pagtanim ng pechay sa school garden na titser lang naman ang umaani.
Pero nang matapos syang magsalita ay boluntaryong gumalaw ang aking mga kamay at mala-snatcher sa Quiapo na dinakma ang iniabot nyang lapis.
Habang hawak ko ang lapis ay pauli-ulit na nagre-replay ang boses nya. Hindi tunog sirang plaka bagkus ay tila anghel na umaawit. Naisip kong hindi ko sya dapat na biguin.
Ilang minuto pa'y natapos ko na ang pagguhit. Sahalip na ipasa sa aming guro ay kay Mary Jane ko ibinigay ang likhang sining na alam kong hindi kagandahan kaya inihanda ko na ang aking tulihing tenga sa kanyang pagtawa. Ngunit iba ang naganap. Tumayo sya't iwinagayway ang kukumban na parang watawat ng isang bansa sabay sabing, "Mam! Tapos na po si Naigan!". "Oo nga noh. May talent naman pala eh," reaksyon ng aking guro. Agad na nagsilapitan ang kapwa kong mag-aaral upang tingnan ang papel. Ang iba'y nagpakita ng disgusto dahil mas maganda raw ang guhit nyang kastilo na kulay violet. Pero mas nangibabaw ang positibong mga salita.
Alam kong pangit ang aking obra nginit matapos marinig ang mga katagang nagsilabasan sa kanilang mga dila ay sandali naramdaman kong kumpare ko si Leonardo Da Vince na lumikha ng Monalisa at Last Suffer.
Maya-maya pa'y ibinalik sa akin ng aking guro ang aking likhang sining. "Kulayan mo para mas maganda," suhesyon nya.
MJ: Kulayan mo raw.
Ako: Ayaw.
MJ: Para nga mas maganda daw eh.
Ako: Sabi nang ayaw ko eh!
MJ: Papahiramin kita ng krayola.
Ako: Ayaw. Ayaw. Ayaw.
MJ: Para nga mas mataas ang grado mo!
Ako: Ang kulit! Sabi na ngang ayaw eh.
MJ: Ang tigas naman ng ulo mo.
Ako: Black and white lang naman ang kulay ng bidang aso sa 101 Dalmatian eh! Alangan namang kulayan ko yan ng pink!
MJ: ...
Ako: ...
Kukumban: ...
Lapis: ...
Krayola: ...
BINABASA MO ANG
Libro ng Kalokohang Aral
RomancePara sa mga broken-hearted at broken face. Para sa mga Tamod na hindi manlang nabigyan ng pagkakataong maging fetus dahil dumeretsyo na sa sahig ng banyo. Para sa mga fetus na nasa bahay-bata palang ay alam na ang amoy ng nabubulok na sistema ng lip...