Part 5-The Adventure of the Great Philosopher

181 7 0
                                    


Maraming beses na naging pilosopo ako sa klase kaya may sumubok na tawagin akong Great Pilosopher. Pero kabaliktaran nila Socrates, Platu at Aristotle. Hindi ko na maalala kung sino ang nilalang na naglakas loob ngunit hindi rin nagtagal ang bansag. 5 seconds lang siguro.

Madalas din akong huling pumasok at laging pungay ang mga mata dahil sa pagod kakalakad ng dalawang kilometro. Pakiramdam ko nga'y may abs na ang talampakan ko.

Bihira din ako gumawa ng takdang aralin. Madalas na hindi nakakapagpasa ng proyekto at kung anu-ano pang madalas na gawain ng mga estudyanteng tinatamad magpaka-estudyante.

Inasahan ko nang negatibo ang tingin sa akin ng aking mga guro. Matatadtad ng palakol ang aking grado at higit sa lahat ay araw-araw akong bubusugin ng tustadong sermon.

Ngunit malayo sa inisip ko ang naganap. Masyadong mabait ang mga guro na sa aki'y gumabay. Sahalip na ilagay nila ako sa dulo ng prayoridad ay ginawa pa nila akong pambalandra ng eskwelahan.

Bukod sa naihalal ako bilang presidente ng students' government na wala naman akong nagawang proyekto dahil wala namang pondo ang paaralan, pinadala din nila ako sa iba't ibang kompetisyon.

Bobo ako sa Math. Bobo ako sa Science. Pero pinili parin ako bilang isa sa mga kinatawan ng aming paaralan sa mga Math Olympics at Science Quiz Bee. Hindi ako pumayag. Bukod sa hindi ako hard to get ay alam ko sa aking sarili na 0.0 ang I.Q kl sa larangan ng matimatika at syensya. Ngunit napilit din ako dahil sa kanilang mala-recollection na sinabi.

Ayaw ko namang mabulok ang utak ko. Ayaw kong magmukhang yelo na nawalan lang basta ng lamig dahil natunaw na't naging tubig. Ayaw kong magmukhang adobong pinabayaan lang sa hapagkainan kaya napanis at hindi napakinabangan.

Pagdating sa lugar kung saan gaganapin ang kompetisyon ay inisa-isa kong tiningnan ang pustura ng mga kinatawan ng iba't ibang paaralan sa iba't ibang panig ng probinsya ba nagnanais na masungkit ang titulo ng pagiging henyo.

Kung nung unang panahon ay dahon na isinabit sa magkabilang tenga ang simbolo ng karunungan, iba sa modernong sibilisasyon.

Hindi ko alam kung nagkataon lang pero halos lahat ng mga batang naka-suot ng pinagmamalaki nilang uniporme ay may salamin. Bukod sa mga gumagamit ng salamin para mag-retouch, may ilang nakasuot ng salamin marahil upang masindak ang kalaban pero ang iba nama'y sigurado akong malabo talaga ang mata dahil sa salamin nilang halata ang taas ng grado. Bawat salamin ay nagsusumigaw na "MATALINO ANG NAGSUSUOT SA AKIN!"

Sa pintuan ay nakita ko ang isang matabang lalaki na tinalo pa si Majimboo sa laki ng katawan. Nakasuot ito ng damit na may tatak na EVENT ORGANIZER kaya kahit natatakot akong baka gawin nya akong tsokolate ay lakas loob akong lumapit upang magtanong.

Ako: Good mornong sir.

EO: Good morning too.

Ako: Good morning three?

EO: Contestant ka?

Ako: Opo. Paano mo po nalaman?

EO: Nahulaan ko lang.

Ako: Kamag-anak mo po si Nustradamus? Isa ka rin po ba sa mga utak ng The Simpsons?

EO: Hindi.

Ako: Ah.

EO: Bakit ka lumapit?

Ako: Ay. Bawal po ba? $öRR¥ fHëöw.

EO: Hindi naman. Ayos lang.

Ako: Sure?

EO: Yes.

Ako: Iz dat yur paynal anzer?

EO: Yes.

Ako: K

EO: May itatanong ka pa?

Ako: Opo.

EO: Anu yun?

Ako: Kasama po ba sa criteria for judging ang disenyo at kapal ng salamin ng kalahok? Kung OO po ang sagot, ilang porsyento at saan ako makakabili? Kung HINDI po ang sagot, paki-explain with the use of quadratic equation.

EO: ...

Ako: ...

EO: ...

Ako: ...

Umalis nalang sya. Nahirapan yata sa tanong ko. Dinig ng dalawa kong eardrums ang hudyat na magsisimula na ang patimpalak. Buti nagtanggal ako ng tuli nung araw na yaon. Agad akong pumasok at hinagilap ang mga kasamahang kinatawan din ng aming paaralan.

Libro ng Kalokohang AralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon